"Ace..." may bahid ng lungkot ang boses ng kaibigan. "Tara sa coffee shop? Doon tayo mag usap."

"Sure. Just make sure na sasabihin mo sa akin ang lahat." paniniguro niya. Ngumiti lamang ito at nauna nang maglakad palabas sa locker room.

Nasa may tapat na sila ng gate ng school nang may maramdamang kakaiba si Azer. Napahinto siya. Nanlalamig ang buo niyang katawan at nanginginig rin siya. Para bang may pwersang humahatak sa kaniya sa kung saan.

Ano ba itong...nangyayari sa akin?

"Ace? Are you alright?" tanong ni John. Pero hindi sumagot si Azer. Nilapitan na niya ito. "Hey, Azer. Okay ka lang----" akmang hahawakan niya ang kaibigan ngunit, lumampas lamang ang kamay niya rito.

"Shit! Azer!" he immediately got panicked.

"J-John... A-anong nangyayari?" ang boses nito ay parang nasa ibang demensyon. Nawawala na rin ang presensya nito sa harap ni John.

"No! Azer!" sigaw ni John nang tuluyang maglaho si Azer sa harapan niya.

Nagtaka namannang mga tao sa paligid ni John. Wala nang pakialam ang lalaki. He must do something! Saan napunta si Azer?

Isa lang ang nasa isip niya. He needs to talk to Zion.

***

BUMIGAT ang pakiramdam ni Azer nang mga sandaling iyon. Nakita niya ang pag lampas ng mga kamay ni John nang aabutin siya nito kanina.

Dahan-dahan niyang binuksan ang talukap ng mga mata niya. Nakita niya ang isang lalaki. Nakatalikod ito sa kanya. Malaki ang katawan nito. Mayroon itong kasamang babae na naka-bestida na aabot hanggang talampakan nito.

Tumayo siya. Akmang lalapitan ang dalawa. Ngunit napatigil siya nang makita ang sariling mukha sa lalaking kasama ng babae.

Pamilyar ang mukha ng babae.

Nakita na niya ito noon...

Ngunit kailan iyon? Hindi niya maalala...

"Aalis ka na ba talaga, Leo?" tanong ng babae sa lalaki.

"Kailangan ko itong gawin, Aries. Hindi ako maaaring manatili ng masiyadong matagal sa lugar na ito." bakas ang lungkot sa tono ng lalaki.

"Mag iingat ka sana, Leo." tumingin ang magandang babae sa Leo na iyon.

Hinagkan ni Leo ang noo ng babae. "Huwag mo akong lilimutin, Aries. Palagi kitang aalalahanin."

Azer saw the woman cried. He felt something bumping inside his chest. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Nasasaktan siya? Pero bakit?

"Ipangako mong babalikan mo ako pagkatapos ng digmaan..." sambit ng babae.

"Pangako, Aries. Pangako."

Maya-maya lamang, nng makaalis ang lalaki'y nakita niya ang isa pang babae. Maitim ang suot niting belo at suot na damit. Para bang nasa Victorian era ito. Matiim na nakatingin sa babaeng may maamong mukha kanina na tinawag ni 'Leo' na 'Aries'.

"Selphira, kapatid ko. Nariyan ka pala." nginiti-an ito ni Aries.

"Kanina pa ako narito." halata sa mukha ng babae'ng si 'Selphira' na pineke nito ang ngiti. "Masyado kayong naging abala ni Leo."

Pinamulahan ng mukha si Aries. "P-pasensya ka na. A-alam mo kasi...nalulungkot ako sa paglisan niya."

"Huwag kang mag alala, babalik sya dito." hinawakan ni Selphira ang mukha ni Aries. "Magkikita kayong muli."

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon