Chapter 8: Riding the Aerial Beast

Start from the beginning
                                    

''Let's take through the sky.'' Ginaya pa niya yung linya ng aso sa 'Paw Patrol'. Adik sa cartoons.

Lumipad na yung dragon ni Henry.

Nagconcentrate ako sa dragon ko.

''Lipad ka. Yung moderate, tas dun ka sa gilid ng dragon na yun. Yung may panget na nakasakay.'' Sabi ko sa isip ko.

Naramdaman ko ang pagtakbo ng dragon at unth-unti niyang binubuka ang mga pakpak niya.

Bumilis pa ang pagtakbo ng dragon and then---

WOOGSH! It jumped in the air and flapped it's huge wings continuously.

Whoa! Ang sarap sa pakiramdam!

Nasa gilid lang ang dragon ni Henry at mild lang ang paglipad ng mga dragon.

Nararamdaman ko ang pag-ihip ng hangin sa tenga ko at ginugulo nito ang buhok ko.

Nakalabas kami ng Grove at papunta sa mga mountain.

Tumingin ako sa baba. Bundok at bangin. Nakakalula.

Nag-dive pababa ang dragon ni Henry at nagpa-ikot-ikot pa ito sa ere. Ang gaslaw talaga.

Gumawa pa ng kung anu-anung maneuver yung dragon niya.

Siyempre hindi ako papatalo. Kumapit ako ng mabuti sa dalawang sungay ng dragon sa may likuran niya.

Pina-dive ko ang dragon ko hanggang sa katapat na namin ang mga puno.

Paikot-ikot ang dragon ko at iniiwasan ang mga sanga ng puno.

''Whoa! Whohoo!'' Pinataas ko ulit ng lipad ang dragon at nakipagkarera kay Henry.

Nakatingin siya sakin at nakangisi na parang naghahamon.

Pinabilis ko pa ang dragon ko. Hindi na kumakampay ang mga pakpak nito. Sa halip ay nakabalanse nalang iyon habang bumubulusok kami sa hangin.

Nauna ng kaunti ang dragon ni Henry.

Pinabilis ko pa yung sakin pero hindi ko siya maabutan.

''We will stop right there.'' Sigaw niya sakin na nakaturo sa isang mountain top.

Tumango nalang ako.

We reached the mountain top. Nag landing na kami doon.

Bumaba ako sa dragon ko.
''Thanks for the ride Greenie.'' Ni-pat ko yung gilid niya.

Bumuntong hininga ang dragon at may lumabas na apoy sa ilong niya.

Tumakbo na ulit siya at lumipad palayn kasabay ng kulay blue.

''Dito muna tayo magpapahinga.'' Sabi ni Henry.

Tanaw na tanaw ko ang lake sa ibaba. Yeah, ang ganda.

Ang hangin pa. Pinagmasdan ko lang ang kulay blue na lake. Merong mga parang white na lumalangoy sa ibabaw ng lake. So I guess they were--- Swans.

Nag rereflect yung sinag ng araw sa malinaw na tubig at nag ke-create iyon ng shining shimmering effect.

Nilingon ko si Henry. Nakaakyat siya sa may isang puno na halos walang dahon at parang may tinatanaw sa malayo.

Naka-shield yung kamay niya sa mata niya at nakahawak naman yung isa sa may sanga.

''Huy, anu ba yang tinitingnan mo? Baba ka nga diyan! Pag nahulog ka!'' Lumapit ako sa may puno.

Bumitaw siya sa puno at may nagswirl na usok sa kamay niya. may lumabas na ice spike sa kamay niya. As in ice spike. Mahaba at patulis sa isang dulo.

Hinampas niya yung matulis na part sa sanga at natanggal yung dulo nun. Ginamit niya iyon bilang telescope. Whoa! Tricky!

Parang ganun yung ginawa ni Olaf sa Frozen ah?

''Anu ba yung sinisilip mo?''

Tanung ko ulit na nakatingala sa kanya.

Hindi niya ko pinansin. Tinanggal niya yung improvised telescope niya at tumingin sa malayo. Sumilip ulit siya. Tanggal ulit. Silip ulit.

''Malayo pa. Wala pa yung Ninniane mountains. Mga 1 day pa bago tayo makarating.'' Sabi niya.


''Okay bumaba ka na nga diyan! Malaglag ka pa!'' Manipis lang kasi yung inaapakan niyang sanga.

''Hindi yan. Marunong ako ng ninja moves.'' Sabay wink niya sakin.

''Hmm. Diyan ka na nga. Kinikilabutan ako sayo. Ah sorry I forgot, may lahing unggoy ka nga pala.'' Sabay tawa ko ng pang-asar.

''Ikaw Gorilla.'' Parang batang ganti niya sakin.

''Ikaw chimpanzee.'' Sabay bhelat.

''Orangutan ka.''  Sabay belat din niya.

''Ikaw naman Baboon.''

''Ikaw na lahat ng unggoy sa mundo.'' Sabay make-face niya.

''Ah ganon?'' Niyugyog ko yung puno. Maliit lang ang puno pero mukhang makunat yung mga sanga.

''Oy malaglag ako-whoa--oy Jess--whoa---whoa!''


Niyugyog ko ng niyugyog yung puno hanggang sa makarinig ako ng crack.

Nadulas si Henry at nalaglag. Pero bago pa siya bumagsak sa lupa, nag spray siya ng snow sa babagsakan niya at dun siya bumagsak at bumaon siya sa snow.

''Hahahahaha.'' Pinagtatawanan ko siya.

Bumangon siya at pinagpag ang sarili niya.

''Pag ako gumante...''

O_O. wahh!! Mananakot nanaman yan.

''Woyoyoy bati na tayo. Pis!'' Lumapit ako sa kanya at nag peace sign.

Ngumisi lang siya.

Aahh!! Anu nanaman gagawin niya?!

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now