Chapter 1 - The Beginning

Start from the beginning
                                    





(may tumaklob sa mga mata ko)





"Aaaaaahhhhhhh!" Hinawakan ko ang kamay nito.





Teka parang pamilyar? Tinanggal niya ang mga kamay niya sa mga mata ko at humarap sa akin.





Hay! Akala ko naman kung ano! Napahinga ako ng maluwag nung makita ko siya.




"Hello Prinsesa ko "  si Francis  lang pala. Nginitian ko nalang siya.




"Baliw ka! Nagulat ako sa'yo a!" Sabi ko sa kanya. Napakamot siya ng ulo.





"Ikaw naman napaka magugulatin mo" Sabi  niya at pinisil ang  aking pisngi. Bigla siyang natigilan at hinawakan ang noo ko.





"Bakit ang init mo?" Sumunod naman ay ang leeg ko.





"Masama ba pakiramdam mo? Tapos bakit sobrang malamig ng kamay mo?" Pahabol nitong tanong.





Malamig?





"Eh? Siguro nga masama lang pakiramdam ko pero ayos lang ako" Sabi ko at ngumiti.





"Teka lang Gayle" Saan pupunta yun? Iniwan ba naman ako dito? Biglang sumakit ng konti yung ulo ko. Gutom lang to.


FIELD TRIPWhere stories live. Discover now