Parehong nasamid sila Julie at Elmo kaya natawa sila Margaret, Belle at Fell.

Uminom ng tubig sina Julie at Elmo.

“Grabe naman kayo. Sabay pa kayong nasamid.” Sabi ni Margaret.

“Kaya nga. What I meant about the mutual relationship naman is the relationship between a boss and his employee. Eh, bakit sobra kayong maka-react?” tanong ni Anabelle.

Napalunok lang si Elmo. Samantalang hindi umiibo si Julie.

“Tigilan niyo na nga yan, kumain na lang tayo.” Awat ni Helen.

“Okay…” sabi ni Anabelle na pinipigilan ang ngiti.

Nakangiti naman sila Margaret at Fell. Samantalang lalong na-ilang sina Elmo at Julie.

—;—-

“Paano po, mauna na ’ko, medyo gabi na po kasi, e.” paalam ni Julie sa mga Rodriguez.

Ngumiti si Helen. “Osige, thank you sa time, ha. Sa uulitin.”

Ngumiti rin si Julie at tumango.

“Teka, teka, paano ka uuwi?” tanong ni Margaret.

“Uh, commute…” sagot ni Julie.

“Mag-cocommute ka lang?!” gulat na tanong nila Anabelle at Margaret.

Tumango si Julie. “…Oo…bakit?”

“Ano ka ba, hindi pwede! Elmo, ihatid mo si Julie!” utos ni Anabelle.

Gulat na napatingin si Elmo kay Anabelle. “Bakit ako? Andiyan naman si Fell, ah.”

“O, o! Bakit ako nadamay diyan?!” rekalamo ni Fell. “Tsaka bakit ako, pwede namang ikaw, ‘di ba?”

Napa-buntong hininga na lang si Elmo.

“Uh…okay lang naman, e. Sanay naman ako mag-commute.” Sabi ni Julie.

“Hindi! Hindi pwede! Ihahatid ka na ni Elmo.”

“Pero…”

“Wala ng pero pero. Ihahatid mo si Julie, ‘di ba, Elmo?”

Huminga muna ng malalim si Elmo bago tumango. “Oo…”

Hindi na naka-ibo pa si Julie.

“Sige na, lumakad na kayo at baka gabihin pa kayo.” Sabi ni Helen.

“Onga.” Sabi ni Anabelle.

“Sige po…” sabi ni Julie.

“Bye!” paalam nila Helen, Margaret at Anabelle.

—;—

Nilalaro ni Princess ang manika niya habang naka-upo sa sofa nang lapitan siya ng ina ni Julie.

“Princess…matulog ka na. Gabi na, o. Sige ka, hindi ka lalaki.”

“Eh, ayoko pa po matulog. Hihintayin ko po si Ate Julie.”

“Mamaya pa dadating si Ate Julie mo. Matulog ka na, magkikita pa naman kayo bukas, eh.”

“Ayoko po. Hihintayin ko po si Ate Julie.”

Napa-buntong hininga na lang ang mama ni Julie.

Maya-maya ay narinig nila Princess ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay nila.

“Si Ate Julie na ‘yon!” tuwang-tuwang sabi ng bata.

Agad itong lumabas ng bahay nila. Saktong pagbaba nila Julie at Elmo mula sa sasakyan.

“Ate Julie!!!!” sigaw ng bata habang tumatakbo papunta sa kanila.

Nagulat si Julie.

Napahinto si Princess nang mapansin niya si Elmo. Tinitigan niya ito nang maigi.

Maya-maya ay naalala niya kung sino ito. “Ay! Ikaw si kuya pogi!” sabi ni Princess kay Elmo.

Nagtaka si Elmo at itinuro ang sarili—tinatanong kay Jillian kung siya ang tinutukoy nito. Tumango ang bata.

“Ikaw nga! Ikaw yung kausap ni Ate Julie noon!” sabi ni Princess.

Nangiti si Elmo. “Ahh. Oo. Ikaw yung kapatid niya, ‘di ba?” tanong ni Elmo.

“Opo!” nakangiting sabi ng bata.

“Ano pangalan mo?” tanong ni Elmo.

“Beatrice po. Pero Princess po tawag nila sakin kasi ako raw po ang prinsesa nila. ” Sagot ng bata sabay hagikgik.

Ngumiti si Elmo. “Beatrice. Ang ganda naman ng panagalan mo. Kasing ganda mo."

Lalong lumaki ang ngiti sa labi ng bata.

“Hihihi. Thankyou po. Kayo naman po ang gwapo niyo po. Ano po pangalan niyo?”

“Uh, Princess, alam mo kasi busy si kuya so kaylangan na niya umalis. ‘Di ba?” sabi ni Julie.

Nagtaka si Elmo kay Julie. “Uh…o-oo.” Nag-aalinlangang sagot ni Elmo.

“Sabi ko sa’yo, e. O, paano, pwede ka ng umalis.” Sabi ni Julie kay Elmo.

Naguguluhan si Elmo sa ikinikilos ni Julie hindi niya maintindihan kung bakit tila ayaw nitong kausapin niya si Princess.

“Sige…mauna na’ko…” sabi ni Elmo.

Nalungkot si Princess. “Kuya, pogi, babalik ka ba?”

Ngumiti si Elmo at tumango. “Oo naman.”

Nangiti si Princess. Ngunit bakas sa mukha ni Julie ang pag-aalala at pagka-asiwa sa pagkakalapit ng dalawa.

“Sige, bye!” paalam ni Elmo.

“B-bye po.” Paalam ni Princess.

Pilit na ngumiti si Julie.

Sumakay na nga sa sasakyan si Elmo…at tuluyang umalis.

Bakas sa mukha ni Princess ang pagkalungkot sa pag-alis ni Elmo. Sa ‘di maipaliwanag na rason ay sobrang saya niya na maka-usap siya bagaman hindi naman niya kilala ang lalaking iyon.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETEWhere stories live. Discover now