Chapter 1 -

5.8K 53 1
                                    

A/N: Julie and Princess on the side! Hooray! Aren't they cute? :)

Chapter 1: Ang muling pagkikita.

 

“We’ll now be landing on Ninoy Aquino International Airport 3. The time now is exactly 10:35 a.m. Manila is 15 hours ahead than the time of San Francisco, California…”

 

“Japs…”

Umugol si Julie bago pa-unti-unting minulat ang mga mata.

“Andito na tayo.”

Kumurap-kurap ang mata niya ng ilang segundo bago dumungaw sa may bintana at nakita ang lupain ng Maynila.

“Nakahanda ka na ba?”

Huminga ng malalim si Julie at tumango.

“I’m ready.”

—-;—-

“Nako, Julie! Ang laki-laki mo na! Napaka-ganda pang bata. Parang hindi ka nagka—” naputol ang sinasabi ng kasambahay nila ng titigan siya ng mama ni Julie.

Ngumiti si Julie. “Kamusta naman po ba dito manang Lina?”

“Nako! Sobrang dami ng pagbabago. Ilang taon din kayong nawala, e.”

“Oo nga po.” Sabi ni Julie.

 

“WEEEEEE!”

Napatingin sila sa batang tumatakbo.

“Princess!” sigaw ni Julie.

Huminto sa pagtakbo ang bibong bata.

“Sorry,” paumanhin nito.

“Eto na po ba yung…?”

Hindi agad umimik sila Julie.

 

“Ako po yung younger sister ni Ate Julie! ‘Di po ba obvious? Pareho po kaming cute, o!” sagot ni Princess.

Nangiti ang kasambahay nila Julie. “Oo. Kapatid mo nga siya, pareho kayong bibong-bibo!” sagot ni manang Lina.

 

Ngumiti ng malaki si Princess—natutuwa ang bata sa tuwing sinasabing kapareho niya ang kapatid niya. “Yehey! Yehey! Kapareho ko si Ate Julie!” tuwang-tuwang sigaw ng bata habang nagtatatalon.

 

“Princess…” saway ng papa nila ni Julie.

Nanahimik muli ang bata at iniyuko ang ulo.

 

Naawa si Julie at nilapitan ang bata at yumuko—para maabot ang bata.

 

Ngumiti si Julie. “Princess I know you’re so excited to be here in the Philippines, pero pagod tayong lahat, e. Pwede bang behave ka muna?” paki-usap ni Julie.

Ngumiti si Princess at tumango.

Ngumiti rin si Julie. “Kaya love na love kita, e!” sabi ni Julie sabay yakap sa bata.

“Hay, Julie. Ikaw lang talaga ang nakakapagpa-awat sa batang ‘yan,” sabi ng papa niya.

“Oo nga, manang-mana ka talaga sa m… ate mo,” sabi ng kasambahay nila.

 

Nagkatitigan silang lahat, liban kay Princess. May ilang segundong katahimikan. Naputol ang katahimikang ito nang…

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETEWhere stories live. Discover now