Chapter Thirty-Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

Humarap ako sa kanya. "Maayos naman po akong nakatulog. Sobrang pagod po kasi galing byahe tsaka masarap po kasi sa guest room nila Tita. Paniguradong makakatulog ka talaga ng mahimbing."

Doon na ulet bumalik ang masiglang usapan at ilang tawanan.


Binida ni Tita ang mga naging pagbabago ng bahay nila.

I told her about the garden, how the changes are noticeable yet it's pleasing in the eyes. Siya daw ang nakaisip no'n kaya naman tuwang-tuwa siya sa komentong ibinigay ko.


"Pati po ba yo'ng structure ng buong bahay, kayo rin ang nag-design or si Tito? Nakakatuwa po kasing tingnan yung pagka-playful ng construction." Sumubo ako mula sa kinakain ko.

Hindi pa rin napuputol ang ngiti ni Tita. "Si Logan ang nag-construct niyan. Right after niyang makapasa sa board exam, eto agad ang una niyang pinag-eksperementuhan. Sinabi ko pa ngang babayaran ko siya, pero tinanggihan niya naman. Isipin ko na lang daw, internship niya ito kaya walang bayad. Kinabahan pa nga ako nang una kong nakita ang design..." Sandali siyang tumawa. "Sabi ko... hindi kaya magaya sa Leaning Tower of Pisa ang bahay namin dahil sa pagkakaiba-iba ng mga angles. But glad it didn't. Mukha namang naging maganda ang kinalabasan ng bahay. Our friends loved the whole thing, na-featured pa nga ito sa isang magazine. And about the interior design, tinulungan naman ako ni Mia."


Whoah!


Hindi sinasadyang napatingin ako kay Logan na nakatingin na rin pala sa akin.


So, why doesn't he had a job? Kung ganito pala siya kagaling, at na-featured pa sa isang magazine ang kauna-unahan niyang project, imposible namang hindi nagkandarapa sa kanya ang iilang mga kompanya.


Una siyang umiwas ng tingin sa akin kaya inilayo ko na rin iyon matapos.

"Anyway, kumusta ang buong araw mo?" Bumaling si Tita kay Logan.

"Maayos naman My." Paikli niyang sagot


Wala man lang follow-up answers. Gaya ng kung saan siya pumunta? Anu-ano yung mga ginawa niya? Kung saan kaya siya kumain ng breakfast at lunch niya?


"Talaga? E bakit hindi mo sinama si Angela?"

Sandaling nanahimik. Puro hininga niya lang ang naririnig namin.


If he really did a lot and if it is indeed good, I'm sure he has a lot to say now. For sure, those were enough reasons for him to not involve me for this whole day's absence.


Nang masiguradong wala kaming mapapalang sagot mula sa kanya, doon na rin ako nagsalita.

"A-- kasi Tita, medyo pagod pa ako no'n kaya nagpaiwan na lang ako. Isa pa baka maka-istorbo lang naman ako sa kanila ng kaibigan niya kung sakali..." If it was just only a friend or more than that.

"Sa bagay, boys will always be boys. Mabuti ngang dito ka na lang sa bahay kesa naman ma-awkward ka sa kanila." Mukhang nakuntento naman siya sa naging rason ko.


Yeah, mas mabuti na ngang ang mga bata at ang telebisyon ang naging sandalan ko ngayong araw kesa naman maaksaya ang oras ko kaka-palit ng walang kwentang salita sa lugang ito.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon