Chapter 16 Stuck on you

Start from the beginning
                                    

"Oo na nga po boss oh! Everything is under control."

"Tsk! Bilisan mo, sinasayang mo ang oras ko."

Pagkatapos ng mahaba habang pakikipag talo ko sa kanya, ayun--- nasa biyahe na kami ngayon papunta sa first destination namin---- which is, Laguna! Marami daw kasing iba't ibang falls dun na dinarayo ng karamihan, tapos may bundok daw dun na pwede 'kang mag camp. Tinatawag nila yung Kinabuhayan, nabasa ko lang 'yun dun sa magazine at na curious agad talaga ako.

"Malapit na ba tayo?" Habang pasilip silip pa ako sa unahan at sa bintana.

"Bakit ba kasi ang layo pa ng lugar na gusto mong puntahan? Napakaraming magagandang malapit na lugar. Gusto mo pa yung napapagod ka eh."

"Maganda nga 'yun eh, malayo muna tapos palapit tayo ng palapit sa manila. Gusto ko kasing mag travel yung mga malalayo lugar at yung mga hindi ko pa napupuntahan. Sigurado naman kapag nakita mo 'yun, magugustuhan mo rin at mawawala yung pagod mo sa pagdadrive." Kahit ganyan ang ugali nya alam kong nasa bokabularyo pa rin nya ang mag relax, chill, break.

"I hate to travel."

"Hah? Anong sinasabi mo?!" Binuksan ko kasi yung bintana at dumungaw dito, eh mahangin sa labas kaya hindi ko naintindihan yung mga sinabi nya.

-______- Nga pala about dun sa kasal namin, ow well since 1 week ang bakasyon naming ito at 1 week para sa pagpeprepare. Nag extend kasi si Lola para hindi daw ako ma stress ^___^ kumuha na rin sya ng mga tutulong sa 'kin para na rin daw hindi ako gasinong mapagod. Pero sa ngayon, ayoko munang isipin ang nakaka stress na kasal naming 'yun. Gusto kong mag relax kahit nakakapagsising itutuloy ko pa ang kasal. Gusto ko munang kalimutan ang mga problema kasi alam ko pagkatapos ng masasayang pangyayaring 'to, puro problema na naman ang haharapin ko.




Pagkatapos kong tulungan si Pierce, makabawi kay Lola at magawa ang mga dapat kong gawin dito ay magpapakalayo layo na ako. Babalik ako ng Europe at mamumuhay ng mapayapa, kahit mag-isa. At least 'yun sarili ko lang ang poproblemahin ko hindi katulad ng mga nangyayare ngayon.


Since ilang oras pa ang gugugulin namin ay natulog na muna ako sa biyahe ng bigla naman----- *BANNNNGGGGGG!!!*


"Ow sh*t!" Sunod na napapa palo na lang sya sa manebela.


"Oh!! Ano 'yun Pierce? Anong nangyare!!?" Lumabas na sya at ganun rin ako, sinipa sipa nya yung gulong ng sasakyan, "Oh ano 'yan!!? Nasiraan tayo!? Bakit may bangga!?"


"May nakasalubong tayong van, kaya nawalan ng control yung kotse at nabangga tayo dito. Malayo layo pa ang biyahe, hindi naman pupwedeng iwan natin 'to dito."


"Huwag mo ng kaisipin 'yun, mabuti nga't okay tayo at hindi nasaktan." Malas naman oh! Patay sa 'kin yung nagmamaneho ng van na 'yun. =_____=, "Ano ng gagawin natin ngayon? Mag gagabi na rin."


"Magpalipas muna tayo dito ng gabe." Inilibot nya ang paningin nya habang naghahanap ako sa cellphone ng pwedeng tumulong sa amin, "Ayun! May motel dito."


"Hah?! Mo-- mo--- tel? Motel?! Seryoso, sa motel tayo magpapalipas ng gabi?"


"We have no choice! Eto lang ang malapit lapit dito na pwede natin tuluyan." Malayo pa 'yata ang kabihasnan dito. Kasi walang ibang mga bahay."


Sa dinarami rami naman ng lugar na mababangga kami, dito pa sa lugar kung saan malayo ang kabihasnan at sa isang motel pa tapos may pagka gubatan din dito pero may motel 'yun nga lang hindi gaano kalaki, parang iilan lang ang kwarto, iilan lang din ang mga bahay dito na hindi ako sigurado kung pupwede namin tuluyan, may mga convenient store din dito. T_T Ang malas naman ng first day na 'to, hindi 'to kasali sa wish list ko. T_T



Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now