Chapter 12: He Saved Me.

Start from the beginning
                                    

~~~
Kurt's POV.

Hellow! Ako nga pala si Kurt Lee Francisco. Ang kaisa- isang kapatid ng ate ko. Malamang, ate ko nga eh?  Ang masungit kong ate na si Jessica Lane Francisco.

Palagi nalang kaming nagtatalo, pero ok lang. Masaya naman makipagtalo kay ate. Pero minsan napingot na niya ko. Yun ata yung time na ginamit kong pang shampoo yung pH care niya. Matagal na yun, first year palang ako. Malay ko ba kasing pang hugas sa, ahem( you know na the term) yung pH care! Saka hindi kasi ako nagbabasa ng mga blah blah blah sa mga produkto na yun. Kaya naipang-shampoo ko.

Pero eto ako ngayon. Nakahiga at nakangiti. Bakit? Epektib yung ginawa ko! Dinikit ko yung cellphone ko sa noo ko hanggang uminit, kaya akala ni ate may lagnat ako! Kinabahan nga ako nung hinawakan niya yung leeg ko, kasi naman hindi mainit yung leeg ko, pero naawa naman siya!

Tumunog yung cellphone ko. May nagtext. Tinignan ko kung sino. Si ate lang pala.

Kurt, nakaalis na kami, pag nagutom ka meron sa ref, pag hindi mo nakaya tawgan m lang ako. -ate

Oh ha? At ngayon para sa plano ko. Kinikilig pa ko habang nai-imagine ko yung movie marathon namin ni Kevin at buong araw na internet. Tamad din yun pumasok eh.

Pare punta ka na dito! Nkaalis n c ate! Blis! Syng ang oras!
-kurt.

Sinend ko na---teka? Kay Kevin ko ba si-nend? Hinde! Kay ate! Shet shet shet! Dinutdot ko yung cellphone...

''CANCEL! CANCEL!!!!CANCEEEEEEELL!''

Sent : 7:33am. Today

''Waaah! PATAY AKO!''

~~~
Jessica's POV

''Hey, good morning Jess.''

Tumingala ako sa kalagitnaan ng paglalakad ko sa pathway pagpasok ng gate. Si Xander, hinarang ako. Bwisit! Eto nanaman to!

Nginitian ko lang siya at nilagpasan ko na siya. Si Henry ewan ko kung nasan, paika-ika pa nga akong hinabol kanina eh. Pero pagkapasok ng gate hindi ko na napansin.

Hindi pa ko nakakalayo nang maramdaman kong hinablot ni Xander ang braso ko. Epal talaga to!

''Dito ka muna.'' Bulong niya sakin sabay ngisi.

''Anu ba!'' Hinarap ko siya pero hindi ko mabawi yung kamay ko. Sheteng kabayo!

''Hindi mo manlang ako babatiin?'' Nakangising sabi niya. Humihigpit na yung pagkakahawak niya sa braso ko at tingin ko namumula na.

''Kapal ng mukha mo! Hindi good ang morning ko pag nakikita ko yang mukha mo! Naaalala ko sayo yung mga tsonggo sa national geographic!'' Sinabi ko sa kanya. Nagalit siya ng lalo hinigpitan pang lalo yung pagkakahawak niya sa braso ko. Ouch! Nagtitinginan na yung mga nagdadaan...

''Anung sabi mo?'' Medyo pasigaw na sabi niya na naka-attract pa lalo ng mga estudyante.

''Sabi ko may bingi pa lang tsonggo!'' Sigaw ko.

''Bwisit!'' At lalo pang humigpit yung pagpilipit niya. Aray ko! Tingin ko kulay violet na!

''Pare.'' May narinig akong papalapit sa likuran ko. Lumingon ako, papalapit sa amin si...

Mike, kaibigan ni Xander. (Kala niyo si Henry hano?) Nakangisi ito. Okay. Di sila na magkaibigang aso. Mga epal.

''Oh Mike, don't worry, tingin ko nagpapakipot lang tong si Jessica sak----'' hindi na niya naituloy ang sasabihin niya. Sinuntok ko siya sa pagmumukha niya gamit ang isa kong kamay. Napatagilid ang mukha niya sa impact ng suntok ko.

Nagulat siya at pinilipit yung braso ko sagad. Napakagat nalang ako sa labi ko  at pumikit, iniwasang humiyaw sa sakit. Narinig kong tumawa si Mike pero bigla siyang humiyaw.

Pati si Xander, inangat ko yung ulo ko at tiningnan sila. Binitawan na ako ni Xander at napaluhod siya sa harap ko.

Nakita kong nakatayo sa likuran ni Xander, ang nagtanggol sakin,madilim na madilim ang aura,

Si Adriel...(akala niyo nanaman si Henry? Wag na ganun masyado common)

Tinignan ko ang balikat ni Xander. May itim ang manggas niya. Nasunog... Nang tingnan ko naman si Adriel ay pinapaikot ikot niya sa daliri niya ang isang pocket lighter. Seryoso? Sinunog niya yung jacket ni Xander?

Tumayo na siya pero hinatak ni Adriel ang kwelyo ng damit niya. Hinarap ni Adriel ang mukha ni Xander sa kanya.

''Sa susunod na gawin mo yan, mag iingat ka, Alexander, hinding hindi kita sa-santohin.'' mahinang sabi ni Ad. Tinulak niya ng malakas si Xander, tumakbo ito agad palayo. Nilapitan naman niya si Mike na nakahiga na sa bricked na daan habang nakahawak sa balikat din.

Inapakan ni Ad ang dibdib niya gamit ang kanang paa saka siya yumuko ng bahagya.

''Same as you…'' mahinang sabi ni Ad. Diniinan pa niya ang pagkakaapak niya sa dibdib ni Mike.

Pinapanood ko lang sila. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakakatakot si Ad. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Para siyang d*monyo. Really.

Diniinan pa niya ang apak niya hanggang sa hindi na makahinga si Mike at hindi na ito makasigaw pa.

''Ad, ok na.'' Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Lumingon siya ng bahagya.  Tinanggal naman niya yung paa niya sa dibdib ni Mike at naglakad na. Hinawakan niya yung kamay ko at hinatak ako papasok ng main building.

''Nasaktan ka ba?'' Tanong niya. Concerned ang boses habang naglalakad kami.

''I'm ok.'' Sabi ko nalang.

~~~

Papasok na ko ng room at wala ng katao tao. Mag e-8 na. Nakita kong lumabas si Henry ng room at sinalubong agad ako.

''San ka ga--- anu yan? Napano yan?'' Tanong niya ng nakatingin sa braso ko.

''Wala yan.'' Tinago ko sa likuran yung braso ko pero napahinto ako sa paglalakad ng harangan niya yung dadaanan 'ko.

Hinablot naman niya yung braso ko at tinignan iyon. Mukhang nagalit siya.

''Jess, sabihin mo kung san galing tong pasa mo.'' Galit na utos niya.

''Hinarang ako ni Xander---''

Padabog na naglakad siya palayo at nakakuyom ang dalawang kamay.

''Uy Henry, san ka pupunta?'' Hinabol ko siya at hinatak ko yung braso niya para huminto siya.

''Pupuntahan ko lang ang hayop na Xander na yon!'' Galit na sabi niya. Shete, bakit ko ba kasi sinabi? Hindi ko naman kasi alam na magiging ganyan ang reaction niya. At for the first time, nagmura siya.

''Wag na.'' Pigil ko sa kanya.

Hinarap niya ko. Galit na galit pa rin. At sa tingin ko parang naging mas blue yung mata niya. Yep, kapansin pansin yun.

''Pero binastos ka niya!'' Pagpo-protesta pa niya.

''Ok na ko. Nasa clinic na siya ngayon. Pinagtanggol ako ni Adriel.'' Nginitian ko siya.

Pero parang  lalo pa siyang nagalit. ''Si Adriel?''

''Yep.'' Nagtatakang sagot ko. Bakit biglang ganun ang reaction niya? Pinagtanggol lang naman ako nung tao eh.

Hinatak niya ko papunta sa hindi mataong part. Tinignan niya yung braso ko at nilapit niya yung palad niya. Bigla nalang lumamig yung braso ko. Tinignan ko iyon. Nagmumula yung lamig na yon sa kamay ni Henry.

''Masakit pa ba?'' Tanong niya ng ilayo yung kamay niya.

''Ok na.'' Nawala na yung sakit dahil sa lamig. Kumuha si Henry ng panyo at itinali iyon sa braso ko.

''Yan. Ok na. Tara na sa room.''

Nakakaguilty naman. Konting pasa lang. Samantalang binugbog ko siya kaninang umaga. Ts! Hayaan na nga...
---
Tweet me @JhaydeeQuitua

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now