Chapter Thirty-Four

Magsimula sa umpisa
                                    


So, magpapaka-martyr ka ganoon? Hindi importante ang label? So, it's gonna be a give and take relationship, then? Kaya magiging madali na lang ang bumitaw at umalis kasi wala namang relasyon ang nagdudugtong sa inyo? It has been easy to fall in and out of love?

Well, if that is so...


Love is bullsh*t!


 "Tara na, Ate" Tumikhim ako "Baka hinahanap na tayo nila Ian. Kailangan na nating makaalis bago mag-tanghalian."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Dumiretso na agad ako ng lakad.


Ayoko nang marinig pa ang anuman tungkol sa pag-ibig.


--


Past eleven na nang makarating kami ng Manila.


Nakatulog ulet ako kaya naman hindi ko na napansin pang naihatid na pala naman si Ate Ruth sa kanila. Wala na rin si Logan sa loob ng sasakyan.

"Wala na po sila... nakauwi na."

Hinarap ko si Ian nang marinig ang sinabi niya. Iniwas ko din naman ang mga mata ko nang makasalubong ang nakakakilabot niyang mukha na nakangiti. Ano na naman kayang naiisip ng isang 'to?


Nasa harap na rin kami ng bahay namin. Sarado na rin ang mga ilaw.

Tulog na siguro si Mama. Masyado na ring late. Baka sobrang nagpakapagod na naman yun sa store.


"Salamat sa paghatid, Ian. Salamat sa pagiging isang mabuting kaibigan sa buong linggo natin sa Baguio. Salamat talaga." Sarkastiko ang pagkasabi ko no'n.

Tumawa lang siya. "Walang anuman"


Bwisit!


Binuksan ko na ang pintuan ng passenger side. Hindi man lang niya magawang mag-sorry o kahit katiting na paghingi ng pasensya. 


This is the thing. Nagtutulong-tulungan silang tatlo laban sa akin. I don't know for what purpose are they trying to pursue with all these talks. Ang tanging alam ko lang ay hindi ko nagugustuhan ito. Hinding-hindi ko magugustuhan.


"So, sa Boracay na lang a?" Dugtong niya pa nang makalabas na ako.

Umirap ako sa kawalan. "Yes, your highness!" Nag-ala maryordoma pa akong bow sa kanya.

"Goodnight, Ange--" Bigla niyang natutop ang bibig niya at kindat sa akin. "Babe pala" 

Kinunotan ko nga siya ng noo. Winalang-bahala niya lang iyon at saka paandar ng mabilis doon sa sasakyan niya.


Ian!!! Humanda ka sa Boracay! Lulunurin kita doon! Makikita mo!

Padabog kong binuksan ang gate namin. Nanatiling kunot iyon hanggang sa makaabot ako sa pintuan ng bahay.

Kakatok na sana ako nang biglang tumawag si Mama. Akala niya siguro mamaya pa kami uuwi.


'Hello Ma. Andito na po ako sa labas ng baha--'

'Ha? Hindi mo ba natanggap yung text ko?'

Nangunot ang noo ko. Anong meron? Wala ba siya dito sa loob? 'Anong text Ma? Kakababa ko lang po ng kotse ni Ian, andito na ako sa harap ng pinto. Wala po akong susi dito' 

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon