Chapter 2: The stranger

Comincia dall'inizio
                                    

''Talaga Gen! Wow! Hearthrob siya diba?'' Sabi ko ng maka move on na ko sa pagtawa.

''Oo, pero playboy yun. Ayoko sa playboy! Lahat na ata ng maisipang ligawan, niligawan.'' Kontra ni Gen.

''Hindi naman siguro playboy yun,'' sabi ni Chris at nakatingala siya na parang nag iisip.

''Pano mo nasabi?'' Tanong ni Gen.

''How'd you know?'' Tanong naman ni Ced.

''Weh?'' Tugon naman ni Karen.

Tiningnan kami isa isa ni Chris ng isn't-it-obvious-look. Nang walang nagsalita ay bumuntong hininga siya.

''Haay. Kakasabi ko lang, may dalawa siyang pimple sa pisngi, that means inlove siya ng totoo, you know. Sa kakaisip niya sa true love niya, na stress siya at hindi nakatulog ng maaga pag gabi, kaya nagka pimple siya. Diba?''

Nganga lang kami sa kanya matapos ang paliwanag niya. Nag aantay pa siyang may umag-ree sa kanya pero walang nagsalita.

''Haay, ganyan kayo saken.'' Sabi niya sabay pout. Saka palang kami natawa sa kanya.

So ayan na. At yung natitirang dalawa pa? Naku! Ang dalawang deadma na si Adriel at Kaye Roussette. Si Adriel ang pinaka matalino at pinaka seryoso samin. Deadma lagi sa sobrang tahimik. Si Kaye naman laging nakaheadset at walang pakealam sa mundo. Basta may music siya!

''ringgggg!''

Malakas na tumunog yung bell mula sa main building, at tumayo na kami mula sa pagkakaupo.

''So, see you nalang mamayang break.'' Pagpapaalam ko sa kanila...

Naglakad na kami nila Gen at Chris papunta sa classroom namin, pare pareho kaming tatlo na I.T.

Humiwalay si Ad, Ced at Karen na Culinary Arts naman ang kurso. Si Kaye lang ang mag isang humiwalay dahil siya lang ang Mass Com.

---------

''Gen pengeng yellow pad!'' Sabi Chris. Naka puppy eyes pa. Hays!

''Yoko! Ikaw nalang lagi ang umuubos ng papel ko! Ang kuripot mo kasi!'' Tanggi naman ni Gen sabay layo ng yellow pad.

''Hay nako Genevieve Fuentes! Saksakan mo ng kadamutan! Kay Jess nalang ako hingi. Di na kita bati! Blehh!'' Binelatan pa niya si Gen at bumaling saken. Isip bata talaga to. Pero dahil mabait ako binigyan ko na siya ng papel. Magkakatabi kaming tatlo dito sa classroom. Si Chris sa gitna. Kaya lagi siyang nalilibre ng papel.

''Okay class. This is what you're going to do: Write an essay about
the uses and importances of the computer.'' Pag a-announce ni ma'am at natahimik lahat. At ayan nanaman yang walang kamatayan na essay na yan.

With matching irap, nagsimula akong magsulat ng hindi na nagi-scratch dahil kabisado ko na ang isusulat ko. Nag focus ako sa pagsusulat pero pagtapat ko sa last sentence ng intro, bigla kong naalala yung lalaki kanina. Yung kamuka ni Jack Frost. Baliw nga kaya siya? Baka naman papauwi lang galing ng cosplay? Baka naman----

''Jess pabasa lang ng sayo baka may makuha pa kong idea.'' Biglang bulong ni Chris habang sinisilip yung papel ko.

''Ayaw! '' Tanggi ko sabay takip ng papel. Sinimangutan niya ko.

"Ang damot mo na rin Jess, yoko na sa inyo!" Sumimangot uli siya at sa likod naman nangulit. Dun sa mga babae sa likod namin, na nagchi-chismisan.

''Ma'am pagalitan niyo nga si Chris nangongopya po!'' sabi nung isa naming classmate sa likod ko. Nilingon namin sila.

Biglang bumalik si Chris sa upuan niya at kunwaring nagsulat. Sabay taas ng ulo ni ma'am.

''May problema ba Mr. Vallejo?''

''Ma'am wala po.''

Natawa ako ng mahina sa kabaliwan ni Chris. Tinignan ko siya at, ''Blehh'' :P.
~~~
''Hello?'' Kausap ko ang kapatid ko sa cellphone habang nakatayo ako sa labas ng gate. Hiniram ko yung kay Gen. Remember nawawala nga yung cellphone ko eh diba?

(''Oh ate?") Sagot niya sa kabilang linya.

''Masusundo mo ba ko dito sa school?''

(Eh ate any kasi eh may gagawin pa no dito sa school---'')

''Fine!'' Nakakairita na yung batang yun eh! Siya lang kasi ang may kotse saming dalawa! Ang damot pang manundo! Naubos na yung mga naglalabasang estudyante at  halos kami nalang ni Gen ang tao sa gate.

''Gen, mauna na ko ha?'' Sabi ko sabay abot ng cellphone niya.

''Wala nanaman yung kapatid mo? Hays, sige mag ingat ka ha?'' Sabi ni Gen at tumalikod na.

''Sige ba-bye!'' Nagsimula akong maglakad sa kalsadang napapaligiran ng hilera ng mga puno. Mga 20 minutes lang naman ang layo ng bahay namin mula sa school.

''Jess!'' May tumawag sakin mula sa likod. Lumingon ako, binagalan ang lakad, at nakitang papalapit sakin ang impaktong si Alexander.

''What?'' Walang ganang sabi ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

''Hatid na kita?'' Ayan na naman ang offer nya! Bwiset lang! Sinabayan niya ko sa paglalakad at nairita ko sa presence niya. Bet kasi ang ganda ganda ko? Ayan tuloy patay na patay saken tong impakto na toh! Pero dahil mabait ako---

''Thanks! Pero ok na ko.'' Sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya.

''Hindi ka pwedeng maglakad mag isa , baka mapano ka pa.'' Ays! Ang kulet ng lahe kunwari pang concern! Pero alam ko naman na kung ilang babae na sa university ang niligawan nito eh kaya wala kong pake kahit concern nga siya.

''Edi samahan mo ko hanggang samin! Ewan ko lang kung hindi lumawit yang dila mo''

Alam ko kasing lumaki siyang spoiled at hindi halos naglalakad ng malayo pa sa tatlong daang metro, kaya alam kong tatanggi siya.

''Fine!'' Oops! Tinotoo nga. Impaktong toh!

''Xander! Kung gusto mo kong matuwa sayo, lumayas ka na!'' Huminto ako at hinarap siya. Naiirita na talaga ko!

Finally he stopped. Mukhang nagdalawang isip pa sya pero in the end, naglakad na siya palayo. Ang mean ko ba? Eh sa ayoko sa kanya eh. Nagsimula na ulit akong maglakad walang katao taong daan. Makalipas ang ilang minuto, nasa tapat nako ng park, dito sa daan kung san ko nakita yung lookalike ni Jack Frost.

Bigla nalang akong nakarinig ng kalabog at napahinto ako at nagulat. Speaking of...

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora