Chapter 5: Pretending 2

Začít od začátku
                                    

''Eh wala naman paleh!'' Ala naman palang kaylangan nanggugulo ng life!

 ''Nakakainip nga sa apartment. Wala manlang magawa. Kulit mo.''

Tinignan ko siya ng masama. Sinabihan niya ko ng makulit? Nakakalimot na ata 'to.

''Di ko na yun problema.''
Iniwan ko na siya sa sala. Nagpunta ko sa kitchen para nagprepare ng coffee at ham sandwich for breakfast . Diet ako! Naabutan ko si Kurt na may kinuha sa ref at umalis na siya.

Nagpunta na ko sa sala para manood ng cartoons dala 'yong breakfast ko. Saturday ngayon at wala naman din akong klase. So magbabad nalang sa t.v.

 Pagbalik ko sa sala, andun pa rin ang impakto. Nakaupo siya at ine-examine niya yong kuko niya at halatang bored na bored. Naupo ako sa sofa at hindi ko siya pinansin. Snatcht remote, click! Tobo titans yung palabas. Gma.

''Whoa! Anu yan?'' Malakas na sabi ni Henry. Umi-straight siya ng upo. I sipped my coffee and ignored him. Oha english yan! Wala ako sa mood mag explain ng picture na gumagalaw.

''Wow, anong tawag jan Jess?'' Tanong niya ulit. And san niya nalaman ang nickname 'ko?

''Television.'' Walang ganang sagot ko.

''Pero bakit may mga nilalang sa loob? Sinong nagkulong sa kanila diyan?''

Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Wala nanamang kapayapaan. Mahirap i-explain 'to.

''Electricity yan at hindi sila buhay.'' Patuloy lang ako sa pag higop ng coffee.

''Eh bakit gumagalaw?'' Arggh! panu ba to tatahimik?

''Tigil ka nga! Hindi ko na naintindihan.'' Asar na sabi ko. Kaimbyerna.

''Eh bakit nga?'' Pangungulit pa niya.

''BASTA ANG ALAM KO VIDEO YAN TAPOS I E-AIR GAMIT ANG SATELLITE!'' Sigaw ko.

''An---'' pinutol ko na yung sasabihin niya.

''TATAHIK KA OH HINDI KITA TUTULUNGAN?!''

 ''Oo na tatahimik na, sungit, nagtatanong lang eh!''

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang sa panood. Kinuha ko yung sandwich ng hindi pa rin inaalis yung tingin ko sa t.v. Hindi ko mahawakan yung sandwich. Asan na ba yon? Kinapa kapa ko yung table. Tsk! Tinignan ko na yung table para abutin yung sandwich. PLATITO NA LANG! Tinignan ko si Henry na tutok na tutok sa t.v habang kumakain ng SANDWICH KO.

''BAKIT MO KINAIN YONG SANDWICH KOOO!?''

''Nagugutom ako eh.'' Cool na sabi niya.

''Waaah! Impakto ka talaga! Igawa mo ko ng kapalit!'' Utos ko sa kanya.

''Ikaw na! Damot mo.''

''Ah ako pa talaga ang madamot ngayon ha? Eh kung pinapaslang kaya kita diyan?!''.

''Tigil ka nga! Hindi ko na naintindihan!''

''Nakakaasar ka!'' Nag walk out na ko at nagpunta sa kitchen para gumawa ulit ng sandwich! Nakakabwisit siya! He ruined my DAY!
~
 

    
''KURT LEE!'' makabasag eardrums na sigaw ko.

''Bakit?'' Tanong niya mula sa taas. Taas ng hagdanan.

''Punta tayo ng mall, bibili ako ng bagong cellphone.''

''Ihahatid nalang kita, wala ko sa mood maggala.'' Bumaba siya ng hagdanan.

''Eh wala akong kasama.'' Shete talagang batang 'to oh. Katamaran lang.

''Adi sila ate Gen, sina kuya Ced.''

''Wala nga 'kong cellphone diba? Pano ko sila mai-inform?''

''Adi yung boyfriend mo,andiyan pa naman ata.'' Suggest niya.
          
Serious lang? Magsasama ako ng hindi ko kilala? Eh? Ayoko nga!

''Hindi ko siya boyfriend! Sumama ka na kase!'' Pilit ko sa kanya.

''Eh ayoko nga! Ate naman eh.''

''Tsk!'' No choice, kesa pumunta kong mag isa. Argggh! Bwiset! Pero hayaan na lang, para malaman naman niya yung mall. Pero baka kung anu anung itanong niya? Pero, wala naman akong kasama, pero... Sige na nga, harmless naman siya dahil may amnesia siya. Tapos baka may maalala pa siya sa mall, promise ko nga pala na tulungan ko siya mabalik memory niya.

''IMPAKTO!'' Tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Nagpunta ko sa sala.

''HENRING IMPAKTO!'' Tawag ko ulit sa kanya. Nakaupo siya sa sofa at nanonood ng t.v. Lumingon siya.

''Hmm?'' Tanong niya ng nakataas ang kilay.

''Halika sumama ka sa mall.''
       
''Anung ma---''
    
Pinutol ko na yung sasabihin niya dahil lumabas na si Kurt. Baka makwestyon pa kami.

''Tara sa apartment saglet.'' Hinatak ko na siya. Nang makalabas kami ng gate saka ulit siya nagtanong.

''Anu ba yong pupuntahan natin?'' siya.

 ''Mall. Isasama kita, baka may maalala kahit konti, maligo ka muna saka ka magbihis.''

Pumasok na kami ng apartment. Tinulak ko na siya papasok. Mahina lang. Parang sa push cart. Nagpunta na siya sa isang kwarto at naupo na ko sa sofa para antayin siya nang dumiretso siya sa itaas.

Tik-tok tik-tok! 5 minutes passed.

Tik-tok tik-tok! 10 minutes passed.
  
Tik-tok tik-tok! Inip na me.

Tik-tok tik-tok! Kinagat kagat ko yung kuko ko.

Tik-tok tik-tok!  Antagal!

Tik-tok tik-tok! Bumukas na yung pinto. Medyo basa pa yung buhok niya. Naka black t-shirt siya na may blue lining at blue denim pants. White shoes na may black running stripes.
      
Tumayo na ko at hinatak ko na siya pabalik sa bahay. Nakita kong nakaantay na si Kurt sa harap ng gate. Sumakay na ko sa backseat. Si Henry sa tabi ni Kurt. Ang pinagtataka ko lang, hindi niya ko tinanong about sa kotse. At agad din niyang sinuot yung seatbelt. Bumabalik na ba memory niya? Eh bakit di niya alam yong t.v? Ay nevermind!!
~~
Sa mall...

Umalis na si Kurt. Hinatak ko agad siya papasok ng mall (''Whoa? Anung tawag dun?'' ''Anung tawag diyan?'' ''Bakit daw ganun?'')at bumili agad ako ng cellphone. Bumili na ko ng sim card sa labas. Isang TNT at isang Globe.

Pagkatapos bumili ng cellphone ay hinatak ko na ulit si Henry.

''Tara sa Botique bibili ako ng damit ko.'' Hinatak ko na siya sa isang botique, pili dito pili doon.
Nakapamili rin ako ng dalawang pares ng jeans para sakin.

''Wala ka bang kahit konting naaalala dito sa mall?'' Tanong ko matapos bayaran lahat ng pinamili ko.

''Wala.''

''Haay, tara nalang sa restau. Kain tayo.'' Hinatak ko na ulit siya. Kawawa naman. Kanina ko pa hinahatak to. Dinala ko siya sa Mcdo. Umorder na ko para saming dalawa. Pinagtitinginan siya ng mga tao ng makahanap na kami ng upuan at nagsimula ng kumain. Alam kong nakaka-attract ng atensyon yung kulay ng buhok niya. Kitang kita kasi.

''Uy, pinagtitinginan ka nila.'' Bulong ko sa kanya habang kumakain.

''Ang gwapo ko daw kase, tsk!''

 ''ASA! Mukha ka daw kasing clown. Ahahahahaha!'' Uhmp! nalunok ko yung kinakain ko at nabulunan ako.

''Mmm!! Mmm!! HMMM!!'' Pinapa abot ko kay Henry yung float. Inabot naman niya yun agad at tinignan niya ko.

Dali dali kong sinipsip yung
float. Nawala na din yung pagkain na bumara sa lalamunan ko.

''Hahahaha! Ang bilis talaga ng karma!'' Tumatawa si Henry. Tinignan ko lang siya ng masama...

Shete.
---

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Kde žijí příběhy. Začni objevovat