Chapter Thirty-One

Start from the beginning
                                    


"What kind of night-out, Ian?" Direktang tanong ko sa kanya.


I'm sure it's out of the simple-dinner scope, as long as it's Ian's invitation, may inuman na namang kasama ito.

Naku, iiwan ko na talaga siya mag-isa kung sakaling magpakalasing siya sa alak.


"What do you think, babe? As if you don't know me." Humalakhak siya

Umirap ako. Yeah, I knew him that much. And it's forcing me to decline this dinner night-out.

"Sumayaw na lang tayo mamaya, Angela. Hayaan mo na lang siyang mag-inom, kaya na nila ni Logan 'yon." Nagulat ako sa ginawang pagtapik sa akin ni Ate Ruth. Saka ko lang napagtanto ang paglapit niya.

Hindi agad ako nakapagbigay ng reaksyon. Ngayon na lang ulet kami nagkausap matapos ang nangyari kagabi.

Ngumisi ako. Siguro nga sasayaw na lang kami.


Malapit nang magtanghalian nang pumunta kaming PMA. Sakto, pagdating namin ay may mga military drills na ginagawa sa grounds. It's usually during weekends.


"May marching parade ata." Sabi ni Ian sa tabi ko nang nakita namin ang mga nakapilang kadete doon.


Marami rin ang nakikinood kasama namin. Medyo tirik ang araw kaya naman sumilong kami sa isang shade doon. Sabay-sabay naming pinagmasdan ang mga naiinitang kadete na seryoso pa rin sa drills na ginagawa nila.

Unang ginawa nila ay ang pagmamartsa lang, sunod ay may mga rifles na kasama.


"The reason why I didn't go for ROTC in Harvard..." Malakas na bulong ni Ian

"Bakit naman hindi?" si Ate Ruth ang nagtanong. Hinarap niya talaga si Ian para mapagbigyang kasagutan ang tanong niya.


If it's just a natural incident, pwede sigurong diretsahang sabihin na kaya hindi siya sumali ay dahil sa katayuan niya. But then, it's not, so...


"Business majors were not required. Besides, mas kailangan unahin ang major courses kesa diyan sa mga drill na iyan. If it were to be consider my major, baka sakaling sumali pa ako."

Tumango na lang si Ate Ruth na may hindi maintindihang ngiti sa labi.


She really hates Ian. And I don't even know why.


Naglibot-libot pa kami sa kabuuan ng Fort General Gregorio del Pilar. Nang makapasok kami sa museum doon, naghiwalay kaming apat. Sina Ate Ruth at Logan ang magkasama at kaming dalawa naman ni Ian ang sabay na naglibot.


"Can you please cite me probable reasons why Ruth hates me? Pakiramdam ko kasi galit na galit siya sa beauty ko."

Tiningnan ko siya at saka nagpigil ng tawa. As if Ate would think like that, e... ni hindi niya nga alam na hindi siya straight.

"Baka nayayabangan sa pag-Iingles mo"

Tumikhim siya. "I doubt it. Parang may iba e. Hindi mo ba napapansin ang laging pagbabara niya sa akin?"


BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now