Chapter Nineteen - Questions

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hey! Don't shout, Ches! Tinatakot mo ang mga customers ko. Hindi na ako magtataka kung pati sa baba, naririnig ka ng mga naglalaro ng dota." saway ni Sab.

"Sorry, Sab. But please, wag OA! Alam nating lahat na sound proof itong shop mo." balingan naman siya nito. "Hey, Toni, hindi kaya front ka lang ng boss mo para hindi siya matawag na bakla?"

Nabulunan siya sa sinabi nito.

"Toni, ayos ka lang? Here." Abot ni Sab sa kanya ng tissue. "Cheska, what are you saying?" baling nito sa kaibigan habang tinitignan ng matalim.

Itinaas nito ang dalawang kamay. "Hey! I didn't do anything wrong. I just gave my opinion."

"Okay, enough." saway niya sa mga ito. "James is not gay. Isa pa, hindi nito ugaling manggamit ng tao kung sakali mang bading siya. So, I'm 101% sure that he's not."  Ilang beses ko na rin iyang napatunayan, gusto sana niyang idagdag.

Tumaas ang kilay ni Cheska. "How did you say so?"

"I've been with him for more than 8 years now."

"Toni, kahit gaano mo pa kakilala ang isang tao, kahit magkasama na kayo ng matagal, mayroon at mayroon ka pa ring hindi alam tungkol sa kanya. Maliit man ito o malaki. Lalo na sa maliit." wika nito.

Tama ito. Walong taon na siyang nagtratrabaho rito subalit hindi iyon sapat para makilala niya ito ng husto. But one thing is for sure....

"He's not gay, Cheska. Period." masyado itong magaling humalik para maging isang berdeng dugo.

At paniguradong pulang-pula na siya ngayon dahil sa mga naiisip niya.

Nagkibit-balikat ito. "Sabi mo eh."

"Pero, Toni. Nabanggit mo, nagkaroon aiya ng extra care sa iyo, hindi ba? You even mentioned na naging sweet din siya sa iyo." tanong sa kanya ni Sab.

"Yes, Attorney." tukso niya rito. Nag-apiran sila ni Cheska habang tumatawa.

"Now, shut up!" singhal nito sa kanila.

"Lagot ka diyan, 'day!" wika ni Cheska.

"So Sabrina, how are you and Attorney Toby? I saw you guys dancing at the party. What happened? Did miracle happen?" sunod-sunod na tanong niya rito.

"I am not the topic here, Antonette. So, what's your the answer?" supladang saad nito.

"Suplada. Hindi ka talaga magsasalita, ano?" wika niya rito.

Bumuntong-hininga to. "I will when I'm ready."

"Okay, I understand." sagot niya rito.

"So,your answer?" saad nito sa kanya.

"Well, yeah." sagot niya.

"Hindi kaya, may gusto na sya sa iyo?" biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya.

Could it be possible? Na main-love sa kanya ang boss niya? But as far as she remember sinabihan siya nitong hindi siya nito type. If ever, what happened now?

"I don't know." mahina niyang wika.

"Baka nga may gusto na sya sa'yo, Toni?" segunda ni Cheska.

Ngumisi siya sa mga ito. "Kayo talaga mga friends, binibigyan nyo ako ng pag-asa." wika niya sa mga ito habang kinikilig-kilig.

"Syempre naman, friend. Sino pa nga bang mga 'magbibiru-biruan' sa mga ganitong bagay kundi tayo-tayo lang." sabi ni Cheska at tsaka tumawa ang mga ito.

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon