Kabanata 30

5.3K 93 2
                                    

Kabanata 30

"H-hayaan mo siya dun. Ha ha ha." I laughed awkwardly to ease to the pain.

Shit, he even lied to our kids!

"S-so.. About Summer & Co.? Kelan ako magsstart?" Cashmir looked at me hesitantly.

"Sigurado ka ba? Baka mawalan ka ng oras sa mga anak niyo."

"Oh no, no. Isasama ko sila kahit saan pang photo shoot iyan. Besides, kapag ang kumpanya ko naman ang inalala mo ay may representative ako na umaattend ng mga meetings ko at nagaasikaso ng mga trabaho. Remember Sunniane? She is my acting-CEO sa The Sweetened Republic and my bestfriend." Humagikhik naman si Zienne nang marinig ang paborito niyang ninang habang kumakain ng pasta. Tinignan ko din si Lennox na nilalantakan ang paboritong garlic bread.

Yep, kay Lennox napunta ang paglilihi ko sa garlic bread.

"Well, that's great! And yeah of course, Sunniane. That wench, may communication pa rin naman kami ngayon. So? G ka na sa pagsabak sa Summer & Co.? This season is Bohemian Season! Kaya naman naglabas na kami ng teaser ng Modern Boho Collection. Yep, hinaluan namin ng makabagong fashion kaya sigurado akong pak na pak! Plus pa na babalik si Penelope Prescott-- OH MY GOSH!"

Nagulat ako sa tinuran ni Cashmir at nagssnap pa ng daliri na parang may naisip, "Stop that, Cash!"

Humalakhak naman ang mga anak ko sa hindi mapakaling Cashmir.

"Your twins can be models, too! May clothing line na ngayon si Summer na pambata at maglalabas din ng same collection! Oh my gosh! 'Penelope and twins' is gonna be today's headline!" Pinapaypayan na ni Cashmir ang sarili sa ideyang naisip. Kaya napaisip na din ako habang tinignan ang mga anak kong inosenteng kumakain.

"Grabe ang galing ko!"

Can they handle fame in such a young age?

Well para saakin oo, dahil ako mismo ay nagsimula bilang model ng mga baby clothes hanggang sa mga lingeries na. Pero kasi mailap sila sa tao, lalo na si Lennox. I don't know if they can handle paparazzis everywhere even in their school. Magiging mainit sila sa mata ng publiko.

"I'm not sure, Cash."

"You're not sure? Gosh, Penny. You're missing a huge chance of shouting to the world that you have such wonderful offsprings! Chance mo na itong ipakita sa lahat na hindi ang kambal ang rason na bumagsak ka kundi sa isang walang kwentang lalaki--"

"Penelope.." Naputol ang sinasabi ni Cashmir nang tawagin ako ng isang boses na kilalang-kilala ko na.

Unti-unting lumingon ang mga anak ko nang nanlalaki ang mata, "Daddy!"

"Okay, talking about the devil." Ano Cashmir. Sinamaan siya ng tingin ni Vance na nakita ko pero inirapan niya lang ang huli at bumubulong-bulong pa.

"Daddy, why are you here?" Ani Lennox. Napatingin naman siya saakin.

Oh no, don't you dare lie to them!

"I'm... Meeting an old friend, buddy." Tss, truth-stretcher.

"Oh, there's Mavania pala, Penelope. Nakita ko na naman ang bruha!" Bulalas ni Cashmir, "I'll just contact you when to start, Pen."

Umalis si Cashmir habang panaka-nakang tumitingin kay Vance. Si Vance naman ay umupo sa pwesto ni Cashmir kanina na sa harap namin.

"Ano pang gusto niyo, babies?" Umiling lang ang mga bata at patuloy sa pag-ubos ng pagkain.

"Ikaw? Oh wait, sa tingin ko naman nakakain ka na." I smirked at him.

"H-hindi pa ako kumakain.." Aniya

"I don't care." Inirapan ko siya at pinunasan ng table napkin ang bibig ni Zienne. Lumingon naman si Lennox sa entrance door ng restaurant at tumingin saakin.

"Mommy, there's the girl that was sitting on daddy's lap at the offish." Nanlaki ang mata ko nang makita si Mavania na nakangising lumabas at napunta kay Vance ang titig ko. Namutla naman siya sa sinabi ng anak ko habang ang huli ay inosenteng pinagpatuloy ang pagkain.

Gad, pinaalala pa ni Lennox sa akin yun!

"D-don't mind her, buddy." Ani Vance. Natawa naman ako sa effort niyang linisin pa ang imahe niya sa mga anak ko.

"Penelope? Damn!" Nanlaki ang mata ko sa boses na iyon. It's been years!

Dali-dali akong tumayo at niyakap si Adam Yupangco na kasama ang kapatid ko na si Kid Prescott.

"Sister, won't you hug me too?" Paawang banggit ni Kid.

"Shut up, Akido. C'mon." Niyakap ko din siya. Damn, I almost forgot I have a brother. Saktong napatingin silang dalawa sa tatlong tao na nakaupo kasama ko.

"So there's the bastard." Ani Adam at kumuyom ang kamao habang nakatitig kay Vance na patayo. Dahan-dahang lumapit si Kid sa kambal ko at niyakap ang mga pamangkin.

"Damn! Our genes is so good, Penny." Humalakhak siya para mabawasan ang tensyon na nararamdaman din ng ibang tao dito sa loob ng restaurant. Nakita ko namang nagtitigan si Vance at Adam habang nakahawak si Adam sa balikat ko.

"Guys, stop that." Ani Kid na pinaglalaruan si Zienne at kinakausap naman si Lennox. Lumapit din si Adam dito at nagpakilala, bali palit sila ni Kid.

"How's the company, sis?" Binatukan ko siya sa tanong niya. He should be the one holding it! Nakalagay kasi sa last will ng daddy namin na nakapangalan kay Kid ang kumpanya pero hindi siya nagpaparamdam sa dinami-dami ng taon, "Sorry, I had to cope up. Masyado akong nalunod sa memories natin kasama sila. Edi ako na hahawak! Eto namang kapatid ko! Hug na lang kita." This is what I love about Kid, para siyang si Lennox na pinakulit.

Pero pansin ko ang pagiging mailap niya kay Vance.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko habang bumabalik na kami sa pwesto kanina. Nakatayo lang silang dalawa sa tabi ng table namin. Si Adam na masama ang titig kay Vance at si Kid na sinusubuan si Zienne.

"Kumakain."
"We have friends here!" Sabay nilang ani. Tinuro ni Kid ang mga nagtatawanan na tao sa medyo malapit na table. There I saw Mr and Mrs Mariano pati na rin ang iba pa nilang kaibigan na matunog ang pangalan sa publiko lalo na si Koby na Korean actor, pati si Pierre Kavanaugh na tinanguan ni Vance.

As if on cue ay may tumawag kay Adam na agad ikinapula ng pisngi niya habang sinasagot ito.

Paano ba nagkakilala tong dalawang to?

"We gotta go, Pen. Paalis na kasi kami nang makita namin kayo. Take care okay?" Hinalikan ni Kid ang noo ko and bade goodbyes to Lennox and Zienne. Ganun din ang ginawa ni Adam at di man lang pinansin ang presensya ni Vance.

Something is really happening.

Tumingin saakin si Vance at mariin na pumikit.

Dear, Runaway Groom. Where stories live. Discover now