Kabanata 18

6.1K 108 5
                                    

Kabanata 18

Namimili ako sa isang boutique when something caught my eye.

It was red in color, mermaid dress. Napakasimple at minimal lang ang mga designs at sweetheart tube ang top. Nilapitan ko ito at dinama ang silk na tela at ang makorteng bodice. Tinignan ko ang likod saka ko nalaman na backless pala siya.

"It's been a long time since you wore that kind of dress. You should take it." Singit ni Leumont sa likod ko, hawak ang gray tux na isusuot niya.

If I were my old self, I would be wearing these kind of dresses every parties in the company. Pero simula ng mailabas ko ang kambal, natuto akong lumabas na suot lamang ang simpleng shirt at denim pants lang. At kapag may mga formal parties ay light colored dresses ang sinusuot ko, na hindi ganito ka-revealing. Maybe I don't want my twins to see their mom being her old self. Gusto kong lumaki sila ng simple, and I volunteered as an example.

"Wag na, pili na lang tayo ng iba."

"Penny, you've been staring at red dresses for hours now. Kahit saang boutique, red dress ang hinahanap ng mata mo. We'll take this." Bumaling siya sa saleslady at agad tumalima ang babae.

"I don't have to wear those, it's just another party. Actually, ngayon ko lang naisipan na hindi ko na nasusuot yung iba ko pang gowns sa bahay. Wag na to, Leau. Mahal yan!"

"And you expect me to follow you. Not now, Penny." Hinila niya ang sa cashier na inaayos ang gown ko. May nilabas naman na cheke si Leaumont at sinulatan. Yep, that symbolizes the huge prices of my gown and his tux.

Pagod akong umupo sa sofa habang dumiretso sa kusina si Leaumont para puntahan si Sunniane. Nadako ang tingin ko sa isang box na Chanel at kinuha ito.

Isang pares ng white stilettos ang laman nito. Don't ask the price. Leaumont bought it for me. That guy..

He's my bestfriend. Nagulat nga ako nang walang romantic feelings ang nadevelop saamin. Then I found out na kaibigan lang talaga ang turingan namin at si Sunniane ang natipuhan niya. Nakakaproud sa sarili, naging tulay pa ako para magkakilala ang dalawa.

Nakita ko ulit sa Leaumont sa parehong bar na una ko siyang nakita, sumuka pa ako nun kahit wala pa akong naiinom at sinamahan niya ako sa ospital, only to find out I'm pregnant, weeks after that morning. Eto namang si Leaumont, nakabuntot na saakin, kesyo di daw ako pwedeng magisa. Kaya naman hinayaan ko na lang at nagkakilala sila ni Sunniane na mainit ang ulo sakanya dati.

The white stilettos fits perfectly. Eto yung mga heels na palagi kong sinusuot dati. Now, only chucks and doll shoes is in my shoe closet. Walang matataas na nakasanayan ko. Maybe this time, it's the moment to let my old self come out, but my good old self.

"Sabi ko na babagay sa'yo eh. I asked Leaumont to buy it for you. Hindi ko naman alam na babagay rin pala yan sa red gown na pinili mo. Patingin nga." She asked me to fit the gown. Hindi ko naman kasi ito sinukat kanina dahil alam ko ang size ko at nagwo-work out pa din ako regularly kaya alam kong magkakasya ito saakin.

I was like looking onto my past when I looked in the mirror. I was right, the dress perfectly fitted my body. Hinimas ko ang bewang ko pababa sa balakang ko at umikot para tignan ang backless na style. Saka ko nilugay ang buhok ko at winagayway para ayusin.

After putting my shoes on, nagpakita na ako kay Sunniane at Leaumont na parehong masaya.

"I missed Penelope Prescott, Penny. Tell her to come back. I mean.. Not that I don't love the new her, it's just... the fashionable Penelope was the one I met and loved first." Lumuluhang sambit ni Sun.

"That's so gay, Sun. C'mon, Pen. You're gorgeous." Nag-okay sign pa si Leaumont saakin at nagabot ng tissue kay Sunniane.

"Mama! Mama! So Pretty!" Nagulat ako nang may maliliit na brasong yumakap saakin at tuwang-tuwa pa. Gising na pala tong mga anghel ko.

"Is mommy pretty, kids?" Tanong sakanila ni Sun. Nakatitig lang sila saakin at sinalubong ko ang mga pamilyar na mata at sabay pa silang tumango.

Hindi ko lolokohin ang sarili ko. I do want a picture of me and my twins together with their father. Who wouldn't want that, right? Kaso tuwing naiisip ko ang rason kung bakit hindi na kami magkasama ngayon ay nawawala at namamatay ang pag-asa kong mangyayari ang inaasam kong imahe sa isipan ko tuwing pinagmamasdan ang kambal sa tabi ko na tulog. Even in their sleep, hindi na kailangang tanungin pa kung sino ang ama ng mga ito.

I'm not hiding them. Kung makikita sila ng ama nila, so be it. Na kay Vance na iyon kung tatanggapin pa ba niya ang dalawa.

Napatingin ako sa kambal na kumakain ngayon ng pizza habang nanonood ng Phineas and Ferb. They look so engrossed in watching and so do Leaumont between them.

Lumingon naman saakin si Zienne saka nagbuntong hininga habang humahalakhak, "Mama is so pretty!"

"Thank you, honey." Lumapit ako sakanila sabay halik sa kanilang noo.

"Ako din! Mama pretty!" Binatukan ko na lang si Leaumont na nakikigaya at tumawa na lang siya. Bastard.

"Stop power tripping on Penny, Leau. Akin na nga yang tie mo, aayusin ko." Hinila ni Sun patayo si Leaumont at inayos ang kanyang tie. I can't help but to giggle at that sight.

It's saturday at 6 kaya naman nag-aayos na kami para pumunta ng party. i told the twins to be good at sumunod sa tita Sun nila at ang tanging sagot lang nila at "Pichsaa!". Siguro uuwian ko na lang sila ng pizza mamaya at ipapakain sa kanila sa snacks. Nagpaalam kami saka umalis ng bahay.

"Are you excited?" Ngising aso niya.

"Why would I be?" Patay-malisya kong tanong. I know what he's thinking, and I won't agree with it.

"Ooh. Someone's denying! Penny, my cousin will be on that party! Vance Kavanaugh will be coming! Wala ka bang gagawin para mabalik ang inyong naputol na storya?" Napailing na lang ang trying hard niyang tagalog. Leaumont's not very good in tagalog. Lumaki kasi siya sa States that's why.

Bumaba na kami sa kanyang BMW na kanina pa namin pinag-uusapan ni Leaumont dahil ayaw ni Sun sumama at mas prefer na maglaro sa kambal. How I missed my old BMW used to drive back then.

I was reminiscing when someone grabbed my waist closer to his body. Kumalabog ang puso ko pero agad kumalma nang makita si Leaumont na nakangisi habang pinapakita ang dimples sa kanang pisngi at smile mark saakin.

"This is it, Penny." Makahulugang saad niya.

"Stop it, Leau. Ayan ka nanaman eh. Tumigil ka kasi." Sinalubong kami ng mga nagkikislapang flash ng mga camera galing sa mga reporters na maingay na kumukuha ng atensyon ng mga kontrabersyal na tao ngayon. At dahil na matagal na akong andito sa business field, alam ko na rin ang pasikot-sikot para makatakas sa media.

Merlaque Inc. is not a fan of spotlights. Kaya naman nakahinga ako ng maluwang nang wala masyadong media na nasa loob at tanginf mga invited reporters at hosts lang ang nandoon para magtanong sa mga guests. Naalala ko kasi noong lumabas kami ng kambal at wala si Leaumont, we were stuck with paparazzis asking who are those kids. Takot na takot sina Lennox at Zienne nang matapos iyon, I don't want it to happen again.

"I think we're too early. Haha!" Halakhak ni Leaumont habang pareho naming pinapasadahan ng tingin ang buong venue sa loob ng hotel. Pero napako iyon sa nagkakaguluhang mga kababaihan at reporters sa bagong dating.

He was wearing black and white tux, with a messy brown hair obviously not fixed, he was standing proud with authority and sex appeal. His aura was shouting he's Vance Isaac Kavanaugh. He was more muscle built and jaws became more visible to see everyone he clench it. His eyes were roaming until they found a spot,

A spot where a lady sitted. A spot where he decided to left behind years ago.

Our eyes met, for the first time in 3 years.

It's like staring at my angels' eyes over and over again..

Dear, Runaway Groom. Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora