Kabanata 22

6.2K 110 5
                                    

Kabanata 22

Pinagmamasdan ko ang mag-aama kong naglalaro ng xbox. Oo, pati si Zienne nakisali kasi paborito niya ang larong Left 4 Dead kaya tatlo silang nagsasaya sa sa tv habang nilalamutak ang mga pizza. Napailing na lang ako at nagpasyang magblend ng healthy drinks para saaming apat.

Dinungaw ko ang punong-puno na mga fruits sa loob ng fridge. Ayun kasi ang laman ng groceries ni Vance at pati mga chocolates na galing factory pa nila, kaya naman halos iluwa na ng ref ang nilalaman nito.

Nagblend na lang ako ng banana at mango para naman may nutrients pa din ang tinetake ng mga bata, madalas na kasi ang pagpipizza nila kaya ayaw na nila ng purong fruits.

"Wanna eat some pizza?" Ani ng lalaking sumulpit sa likuran ko.

"No thanks, fruitarian ako today. I have food rules." Di pa rin ako lumilingon sakanya at patuloy na nagsslice ng mga fruits at inilalagay sa blender.

"Well, better break those rules and have fun eating pizza." Narinig kong may kinukuha siya sa ref at nakita kong tubig iyon sa pitsel.

"Yeah, but I'm not a rulebreaker now. I'd set my limitations for the good." Nadatnan kong napatigil siya sa sagot ko at dahan-dahang nilapag ang basong ininuman.

"What if.. What if I'll be accepted by the twins as their dad, and I decided to live with you under one roof, would you—"

"No, Vance. What has happened years ago will not happen again. The Penelope you knew before and the Penelope standing infront of you right now has their quite huge differences. Don't expect me to stick with you when you're the one who initiated the process of leaving."

Finally, after the long wait, after the long hiding of emotions, lumabas din ang matagal ko nang kinikimkim. Tila nawala ang matagal nang nakadikit na hinanakit sa puso ko. I feel free once again.

I ignored Vance's reaction. Mas maganda nang balewalain ang naramdaman niya dahil ayun ang nangyari saakin dati. Maganda nang maramdaman niya ang naramdaman ko dati, kahit wala pa iyon sa talampakan ng paghihirap ko, maabot lang ang mahal ko dati.

"Mommy, is that yummy?" Ani ng isang cute na cute na boses ng babae kong anak. Lumapit naman ang isa ko pang anak saakin at sinuri ang blender na nakapatay at may lamang inumin.

"Yellooow!" Anila.

"Babies, sit down first so mommy can give those drinks." Malambing na wika ni Vance sa mga bata.

Wala naman kaming ginawa maghapon  kinabukasan kundi magswimming sa pool. If you're thinking that Vance slept here, yes he did. Pero nasa kwarto siya ng mga bata at nagtabi-tabi ng kama ng kambal para kasya silang tatlo. Medyo ilang pa din si Lennox kay Vance kasi alam kong simula pa lang ay may lamat na siya sa kanyang ama. And when he found out that Vance is the man he loathes at a young age, napansin ko ang pagiwas at paglagay ng espasyo ng lalaki kong anak. Kahit pa idol niya ito, alam kong alam niya na si Vance ang ama niyang iniwan sila ng kakambal at ina niya.

Hindi na kasi nakatiis pa si Vance na sabihin sa mga bata na siya ang ama nila. Sobrang nagalak si Zienne, I understand. Sobra siyang nangulila sa pagkakaroon ng ama, kaya naman ngayon ay mapapansin talagang daddy's girl siya.

"Oh! There's tita Sun and papa." Pansin ni Zienne sa kakadating lang.

"Papa?" Nagtatakang tanong ni Vance.

"I called papa Leau papa. But you're still my daddy." Ani Zienne. Napansin ko naman ang titig nanaman ni Vance sa akin.

"Jusko! Dito ko lang pala kayo makikita. Nagtaka kami kung bakit tahimik ang buong bahay eh nadatnan naming bukas ang pinto." Ani Sunniane. Teka, bukas?

"Iniwan ko siya na nakasara, Sun. Kaso hindi ko nai-lock. Baka nabuksan lang ng hangin o ano." Hindi na sila nakasagot dahil may matinis na sigaw kaming narinig mula sa loob.

"Vance Kavanaugh! Why didn't you come back last night? Why are you here, anyway?" Nanlamig ako sa magandang mukha na may makapal na kolorete at tapered dress na pula. Nadako ang tingin ko sa tshirt kong medyo maluwang at shorts na pambahay.

It's Mavania. Ang babaeng nagmamay-ari at tunay na nagmamay-ari kay Vance Kavanaugh.

"What the fuck?" Ani Leaumont at sumulyap kay Vance at saakin bago sinalubong ni Mavania ng beso.

"Mavania why--"

"I'm here for my future husband! Oh wait lang, is that your ex?" Turo ni Mavania saakin. Buong akala ko ay isa siyang inosenteng babae na walang hilig sa arte. Pero sobrang mali ako.

I didn't know she was half-bitch and half-slut and a mixture of whore.

Dahan-dahang lumapit ang babae saakin saka tinignan ako ulo hanggang paa. I know I still have what it takes to be a goddess. Pero hindi ko alam, why do I still feel insecure?

"I'm Mavania Castefe. I know you know a lot about me, Penelope. A lot."

Wait, what? Why is she acting pa-bitch?

Hindi pa ako nakakapag salita nang agaran siyang lumapit sa gawi ni Vance na pinupunasan ang mga bata mg tuwalya at hinila siya papaalis doon. Nalilitong kumunot naman ang noo ni Lennox at tumingin saakin.

I'm sorry, he's not ours.

"Babe naman, it's been 5 fucking days!" Nanlaki ang mata ko sa malutong na mura ni Mavania

"Vania, your words please!" Saway ni Vance at sinulyapan ang mga anak. Pinaglalaruan ni Zienne ang kanyang swimsuit habang si Lennox ay lumapit na saakin at niyakap ang binti ko.

Agaran namang hinila ni Vance ang braso ni Mavania at lumabas, hindi inalintana ang pagpaalam sa mga anak namin. Like I said, he's not ours.

"Mama, that girl is rude." Nakasimangot na sambit ni Zienne, "She took away daddy."

Naluluha akong lumapit sakanya at hinalikan ang balikat niya. Hindi niya alam, wala silang alam, na ako ang kumuha kay Vance, hindi si Mavania.

Taking what's yours is just. Taking what's not yours is out of the topic.

"Sige na. Just continue swimming, sasali kami ni Tita Sun sainyo!" Lumiwanag nanaman ang mga mukha ng mga anak ko sa sinigaw ni Leaumont at nagsitalunan sa pool. Sanay na naman silang lumangoy kaya walang problema.

Lumapit ako sa nakasimangot na Sunniane at siniko.

"That bitch is such a pain in our asses. Jusmiyo, parang kasali lang sa akyat-bahay gang eh. Ang galing pumasok kahit di naman siya kasali!"

"Sun.." Pigil ko.

"Bakit? Totoo naman diba? Penelope, stop being a saint and accept what's what--"

"I'M ACCEPTING THE REALITY THAT'S WHY IT FUCKING HURTS! NA HINDI AT HINDI KAILAN MAN NAGING AKIN SI VANCE!"

That's it. After 6 long years, I finally came up with a conclusion...

.. That I am still in love with Vance fucking Kavanaugh. And it fucking hurts.

Dear, Runaway Groom. Where stories live. Discover now