Kabanata 25

5.9K 103 11
                                    

Kabanata 25

The dinner was a disaster. Kahit pagdating namin sa bahay ay pinatulog niya muna ang mga bata at umalis na. Nagtaka si Zienne sa malamig na pakikitungo sakanila ng ama pero di ko masisisi si Vance.

I'm not deaf nor blind. I see that Vance wants us to take a step closer to each other. Alam kong may inaasahan siyang patutunguhan ng lahat ng ito. I'm just acting like I don't know anything and all I know is his bullcraps.

Ayoko nang pumasok sa isang relasyon na tried and tested nang delikado at toxic. Na kapag nagsama kayo ay palaging may mali. I don't wanna risk it, lalo na at andyan na sina Lennox at Zienne, kailangan hindi lang puro sarili ang iniisip ko. Kahit sa NY, kahit buntis ako at halata na ang baby bump ay may pumoporma pa din. Kaso ayoko. Not because I'm reserved for Vance Kavanaugh but because I don't want to be shattered again. I don't want to stumble and fall for the nth time.

I know time will come, may darating at darating din na para saakin. Dadating yun kapag alam na ni tadhana na buo na ako, kaya ko nang magsakripisyo para sa pag-ibig at pwede na ako magmahal muli.

"Ano? What's up?" Ani Leaumont pagkadating niya sa bahay. Pansin niya kasi yung pagkatamlay ng mga bata at ang pilit kong pagpapasaya sakanila.

"Daddy looks like he didn't eat pizza.." Kahit pambatang logic man iyon, naintindihan iyon ni Leaumont kaya naman ngumisi nang tumingin saakin. Umirap ako at dumiretso sa kusina. I'm hungry, I need more food than pasta.

"Bakit mo naman binasted si pinsan? Alam mo naman yun kung paano magtampo."

"Shut up, Leau." Pinalaman ko ang nutella sa tatlong patong na tinapay at kinagatan.

"You know, Pen, nakakatawa na lang ang mga pinanggagawa niyong dalawa. Vance is trying to be Mr. Maginoo, which is hindi siya ganun dati. And you, you keep on running away. Wala namang problema, but you keep on escaping it. Mahal mo siya, at alam din nating mahal ka niya. What's the point of ignoring all the signs?" Aniya.

Humarap ako habang patuloy na ngumunguya, "I don't want to let history repeat itself."

"Takot ka." Biglang sumulpot si Sunniane sa tabi ko.

"Excuse me?"

"Ikaw ba yung babaeng tinataasan lang ang kilay tuwing may problemang nagaganap sa career niya? Yung tinatawanan lang ang bawat issue na nalilink sa kanya? You know, Penelope. The Penny I knew 6 years ago and the Penny today are much much different, but not in a good way. I know Vance is the reason why you're molded like that but... Can things ever be the same again? Si Vance ang nagbago sayo, pero si Vance rin ang makakapagbalik sayo sa dati."

"It's like Vance's your antidote." Ani Leaumont at kinindatan si Sunniane.

"Hindi niyo ba nagustuhan ang pagbabago ko? I've been a good mother to the twins! Kung hindi ako nagbago baka napatay ko na yung dalawa." Sagot ko.

"Bitch, I'm not talking about your motherhood thingy. It's about you and Vance. Labas ang kambal doon dahil kahit demonya ka, alam kong magiging mabuting ina ka. Think about it." Sambit ni Sunniane at nilapag ang basong ininuman sa lababo.

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon at sinayang ang oras sa kakatrabaho. I'm planning to go out on a vacation with the twins para makapagpahinga naman kami. Besides malapit na ang pasko and maybe they'd love a christmas on snow in US.

"Mommy, daddy hasn't been here since last week." Malungkot na anunsyo ni Zienne. Nagtaka ako dahil ang akala ko ay pumupunta pa rin siya. Madalas kasi akong nasa office at wala namang tao sa bahay dahil nasa school ang mga bata. Paguwi ko naman ay nagdidinner na sila kasama si Sunniane o Leaumont.

Dear, Runaway Groom. Where stories live. Discover now