Kabanata 17

6.2K 112 1
                                    

Kabanata 17

"Zienne. that's enough." Saway ko sa anak kong kumakain nanaman ng chocolate. She always likes chocolate, siguro ay dahil dun ko ito pinaglihian noon.

"Mama!" Pinakita niya pa ang chocolate saakin habang nags-sway pa ang mga paa sa sofa.

"Yes, mama. Stop na." Sambit ko habang pinipigilan ko siya ng umambang susubo nanaman siya pero tumawa lang. She has this cute laugh that makes everybody laugh too.

"Does Lennox has to take a bath too?" Lumingon ako sa lalaking binubuhat si Lennox mula sa high chair ng dining table.

"Syempre! Tignan mo nga tong itsura ng baby ko, napakadumi!" Kinuha ko ito mula sa bisig ni Leaumont at hinalikan.

"Mama, kuya is so dirty!" Tumili si Zienne mula sa sala at tumakbo. Sinalubong naman ito ni Leaumont ng yakap, "Ah! Dada!"

Naluluha akong tumingin kay Lennox na nakatitig lang saakin, those eyes.

He resembles a lot to his father.

Napantingin ulit ako kay Leaumont na nilalaro na si Zienne na mukhang nakalimutan na madungis ang kuya niya.

"Dirty!" Ani Lennox habang pinupunas ang chocolate sa mukha niya at nilalagay sa damit ang dumi. Dali-dali ko siyang dinala sa bathroom saka pinaliguan. I know Leaumont will bathe Zienne.

6 years had passed at masasabi kong successful ako sa buhay ko. At first 5 months, naninibago pa ang mga katrabaho dahil si Penelope Prescott ang bago nilang CEO. Well, a life-changing start I guess.

Pero as time goes by, nagiging panatag na rin sila saakin. But we can't change in a day, kaya isang taon pa ako nag-adjust bago ko sila nakayang paKisamahan. Because Sunniane said I should be the one working for my employees. I never thought living this kind of life would be more ecstatic than posing for the camera and paparazzis everywhere. Nawala ang pangalan ko sa publiko at sa industriya, natabunan ng mga bago at nawalan ng kasikatan ang pangalang Penelope Prescott. Though ang kapatid kong si Kid ay tinitilian pa din and staying single until now.

"Blue, mama, blue!" Sigaw ni Lennox habang tumatalon sa kama at tinuturo ang paboritong t shirt.

"Baby, you just wore it yesterday. Iba naman, ah? Eto na lang." Pinakita ko sa kanya ang kulay blue ding sando. Pinilig niya ang ulo niya habang nakakunot ang noo, saka tumango at pumalakpak pa.

"Zienne Agape's done!" Anunsiyo ni Leaumont habang pinupunasan ang makulot na buhok ni Zienne. Humalakhak lang ako habang pinapanood ko ang anak kong sinasamahan ang kuya niyang tumalon sa kama. Lumapit naman saakin si Leaumont at umakbay.

"How's work? Himala at ang aga mong pinauwi ng boss mo. It's only 1 pm." Aniya at inamoy pa ang buhok ko na palagi niyang ginagawa.

"I don't know. It's okay, I guess. Good mood si boss eh. Aalagaan niya pa yung kambal niya at isang nagpapakababy." Nagtawanan kami dahil sa joke ko at pinatulog ang kambal. Good mood ako dahil andito ang mga anghel ko sa buhay ko.

Yes, they're twins. 14 minutes ang interval time nila at ang tanda ni Lennox Agape kay Zienne Agape. I named them Agape, it means the highest point of love all, mostly full of sacrifice.

Their father taught me that word. So funny to think that he got me pregnant when we fornicated for the last time. Sa umagang iyon ay umalis siya, kasabay ng paglagay niya ng dalawang buhay sa loob ko. At iyon ay ang mga 5-year old twins ko. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong lungkot o pagkadismaya, maybe I was expecting it to happen. Though wala na akong balak maghabol pa kaya naman hindi ko na pinaalam. I know time will come, makikilala niya rin sila.

"Mama, kiss!" Zienne smooched so she can kiss me. Lumapit naman ako sakanilang dalawa saka akong pinaliguan ng halik ng dalawa kong anak. I tugged them to bed after minutes of playing and covered them with blanket. Sa kwarto ko sila natutulog sa tanghali pero sa sarili nilang kwarto sa gabi. Well, our house is big enough to put their own bedrooms.

Hindi ko tinago sa mga bata na wala ang daddy nila. At ang tanging sagot lang nila ay, "Daddy wala? Dada!" Tinuro pa ni Zienne si Leaumont. Maybe those kids were looking for a father at a very young age kaya si Leaumont ang naisipan nilang gawing ama, those smart kids.

I know it's Vance's right to know, well he doesn't want to know. The moment he left me. It's his choice, hindi ko na kayang manira pa ng relasyon. Maybe by now ay kasal na sila at may sarili nang anak. I even showed his picture to the twins at tuwing nakikita nila ito sa tv ay tuwang-tuwa sila.

Yes, nakikita ko siya at nalalaman ko ang mga whereabouts niya dahil isa siya sa matutunog na pangalan sa publiko ngayon, lalo na ngayong umentra siya sa pagkakanta ng solo habang hawak ang kanilang kumpanya. Pero wala akong narinig na pangalan ni Mavania. He's gonna released a new album soon, though.

After that morning, dumiretso ako ng Paris para magliwaliw at hanapin ang sarili. Pagkatapos ng ilang buwan, I went home with a broken heart, and continued my dad's legacy in the business field, na iniwan niya kay tito Clark at ibibigay saakin kapag handa na ako.

"Seriously, Penny. How's work?" Alalang tanong ni Leaumont pagkatapos naming patulugin ang kambal. Sinanay namin silang matulog sa tanghali para may energy sa hapon.

"Syempre busy, ano ka ba naman. Bakit ka ba alalang-alala? I've been working for Sweetened Republic for 3 years now. Kumalma." Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako sa likod. Leaumont has been this sweet ever since then. Siya ang kaagapay ko sa lahat ng bagay, siya ang tumulong saakin sa trabaho ko, siya ang kasama ko sa loob ng delivery room at nakasilay ng bagong panganak na kambal ko, at siya ang kasama ko sa pagpapalaki ng kambal. Leaumont Kavanaugh was there.

"May upcoming party ang Merlaque Inc. sa saturday and we're invited. Also the Kavanaughs." Alanganing wika ni Leaumont. My heart skipped a beat after hearing that surname. Hindi ako sanay na naririnig ito sa iba kahit halos araw-araw ko itong naririnig sa balita at nakakabit sa pangalan ni Leaumont.

"Then?" Kahit pa man ganun ang pakiramdam ko, I feel casual kapag iniisip ko siya. Sino ba namang maiiwasan yun? My twins' eyes are alike with their father's. Those green eyes I stare at everyday in my waking moments, mata iyon ng lalaking minahal ko dati. At alam kong hindi ko na mahal ngayon. Maybe this strange feeling is just pure disappointments and sentiments. Kasi walang matinong closure, pero may magandang nabuo.

"C'mon. Let's buy your gown. Padating na naman si Sunniane dito. She will look out for the twins."

"Ganitong oras siya dumadating?" Bumibisita dito si Sunniane tuwing TThSS. Thursday ngayon kaya naman dito siya matutulog.

"Y-yeah.." Namumulang sagot ni Leaumont. Him and Sunniane have this weird friendship na hindi ko alam kung friendship pa ba ang matatawag.

Maybe, I can play cupid on them.

Dear, Runaway Groom. Where stories live. Discover now