6: MEET HIS BESTFRIEND

Start bij het begin
                                    

Lumilipad na ang isip ko. Ayoko nang pakingan ang kwento nya tungkol kay Rafael na kala mo alam nya lahat ng tungkol sa lalaking yun. Kung alam mo lahat, bakit di mo alam na fake lang ang relationship namin? Asar talaga ako sa kanya. Sana manahimik na sya at tigilan na ang pagkukwento! Wala naman akong pakiaalam kay Rafael at sayo!

"Demi? Hello? Back to earth Demi."

Then I snapped back. Kaharap ko pa nga pala itong babaeng ito. Maayos pa at maganda tingnan. Sa utak ko kasi lasug-lasug na katawan nya.

"Yes?"

"I am asking you. How did you met Rafael? I want to know. Wala kasi syang nakukwento sa akin."

Pano kami nagkita? Sa hotel kung saan magtatapat ang mga parents namin na magpapakasal sila. Can I say that? No. What to do? What to say? Can I just make a story? Pano kung may alma na sya ng kaunti? Pano kung iba masabi namin ni Rafael?

"Huh? Uhmm.. It's a long story. Maybe, Rafael can tell you."

"Pero gusto ko na malaman."

Ang kulit mo alam mo yun? Sakalin kaya kita? "Later lunch. Mas maganda kung magkasama naming ikukwento ni Rafael." At pinilit kong ngumiti ng pagkatamistamis.



<3

Lunch na at...



Anong pinagsasabi nitong si Rafael na to? Sa bar daw kami nagkita? As if namang nagbabar ako! That place is full of flirt girls and I'm deinitly not the one!

"What Rafa?" I giggled kahit na ba ang gusto kong gawin ay saksakin sya ng dinner knife na hawak ko. "Hindi kaya tayo unang nagkita dun. Remember sa mall tayo nagkabunggo?"

"Mall?" Nagtataka naman si Kendra. "You went to mall? Without me?"

Hindi ba kaya mag mall ang lalaking ito mag-isa?

"I mean, you won't go malling or shopping if I don't insist." Dagdag pa nya.

"Huh?" Sinisiko naman ako ni Rafa. Masakit ah! "It's an urgent matter. Uhmm.. May kailangan lang akong bilhing..." Siniko nya uli ako.

"Book!" Sabat ko. Sa bookstore lang namang ako nagpupunta pag nagmamall ako.

"Tama. Book. May client kasing sasagutin lang yung deal pag binili ko yung book."

"Oohhh... Tapos?"

"Tapos nagkasabay kaming kinuha yung book you know Why Do Man Love Bitches? That's the book."

What? Sa tingin mo magbabasa ako ng ganyan?! "I--"

"Diba Demi?" Nakangiti sya pero tinatapakn yung paa ko. At yung ibig sabihin nun: 'Makisama ka na lang'.

OKAY! Tss! "Yup."

"Ayun, nagkwentuhan kami saglit tapos niyaya ko sya mag Starbucks."

"Sturbucks?" Ako iinom ng kape dun? I'm a loyal Figaro coffee shop consumer. "Baka Figaro."

"Okay Figaro. Tsk! Doon na kami nagkakilanlan tapos sa bar uli kami nagkita."

Ngayon ako na yung tumatapak sa kanya. Why do he keep insisting that BAR part?

Hindi na ako nakipagtalo pa. Baka humaba pa ang aming magulong kwento basta to summarize it up ganito yun:

5 months ago nagkita kami sa Bookstore at nagkasabay ng kukuning libro then nagkailanganan kami sa pagkuha nung nag-iisang stock ng book. Dahil sa mabait ako pinagbigyan ko sya. Para naman makabawi si Rafa, nilibre nya ako sa Figaro at dun na kami nagkakilala ng lubos. We excahange numbers pero wala na kaming sumunod pang paguusap until we met again at a bar. Mejo lasing na raw ako (which is not true kasi never pa akong nalasing. I don't drink duh?!) at may nambabastos sa akin kaya tinulungan ako ni Rafael (Like I can do it myself. Black belter kaya ako ng Taekwando). Nakilala nya daw ako noon tapos nasukahan ko raw sya at bigla na lang nawalan ng malay (heck!). Dahil daw sa gentleman sya, he helped me check-in in a hotel and didn't took any advantage of me. Pero yun ang simula raw ng lahat. Lagi ko na raw syang tinatawagan (kelan pa?) at nag insist daw akong makipag-date sa kanya to make it up for him. (Eto nakialam na uli ako kasi laging in favor of him) Then, he enjoyed my company. Sya naman ang nagyayang magdate until we become close at yun.. Kami na sa pang 5 date (gusto ko nga 10 kaso lang tinapakan na naman yung paa ko). We are so in love kaya eto kami ngayon engage.

Galing talaga gumawa ng story ng FF ko. Note the sarcasm.



------<3



Napapansin nyo ba ang Lim? Lagi akong may Lim na character. First, Mia's middle name. Second, Dallen's blind date, Roy and now Kendra. Oooohhh... Pagtatagpi-tagpiin ko yan someday.

FAKE FIANCE ✔️Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu