Chapter 55: Few Days Left

133 4 0
                                    

DAME'S P.O.V

"Punta tayo ng Metade..tara..-"..nakangiting anyaya sa'kin ni Kiel..

Hindi ko malaman pero parang may mali sa inaasta niya ehH.. lagi na lang kasi siyang nag-aaya lumabas ng palasyo o di kaya mamasyal kung saan man.. nakakapagtaka lang kasi at nawiwili siyang mamasyal araw-araw simula ng magkaaminan kami..

Baka naman gusto lang talaga akong makasama ng solo haha.. ang prince ko talaga ang sweet..hahaha pero baka naman magsawa agad siya sa'kin niyan?? Huhu..

"Ayoko..next time na lang..-"..sabi ko habang sitting pretty sa couch dito sa may pasilyo..

Tinatamad kasi din talaga ako,halos araw-araw na kasi kaming namamasyal ehH..noong isang araw nagpunta kami sa talon,nagBonfire, sunod na araw naman nagliwaliw kami sa burol at namangka sa ilog.. tapos ng sumunod na araw naman ay binisita namin si Raegon sa kwebang tinutuluyan niya.. grabe!! Naka-schedule ba ang mga pupuntahan namin??

"Bakit?".. sinimangutan niya ako..haixtz!! Wag siyang gaganyan-ganyan kasi nadadala ako..

"Sa susunod na araw na lang..tinatamad ako.."

"Kahit buhatin pa kita mula dito hanggang dun sa metade..,gagawin ko sumama ka lang sa'kin?".. seryosong sabi niya na siyang ikinalaglag ng panga ko..

"Bakit ba gustong-gusto mong pumunta dun ahH?"..curious lang!kasi naman ehH.."may importante ka bang gagawin dun?hah?"

"Wala..-"..sabay nguso.. bwisit ang lalaking 'to, nanunukso..halikan ko siya diyan ehH!haha

"Wala naman pala ehH.. so next time na lang tayo pumunta.."

"Gusto ko ngayon na..-"..

"Ayoko nga.."..giit ko pa sa kanya.

"Dali na kasi.."

"Bakit ba apurado ka diyan?..ehH ang dami-dami pa naman ng mga darating na araw.. ang dami pa kaya nating oras..ito naman kala mo naman malapit na ang end of the world..hmft..-"

KIEL'S P.O.V

Tinamaan na naman tuloy ako ng lungkot..aixtz!

Alam niyo ba kung bakit lagi ko siyang inaayayang mamasyal kasi gusto kong ilaan ang lahat ng oras at araw ko para makasama siya sa iilang araw na lang na natitira para sa'min.. ilang araw at gabi na lang..malapit na siyang mawala sa'kin kaya naman nilulubos-lubos ko na ang bawat sandali na pwede ko siyang makasama..

"Madami pa nga ang mga araw na darating..''.. saad ko ngunit hindi ako nakatingin sa kanya."..pero yung araw na makakasama kita kunting-kunti na lang.."..sinadya ko talagang sambitin ito ng pabulong, na ako lang ang makakarinig.."sige sa susunod na lang. "... wala sa mood kong sabi at tinalikuran ko na agad siya..ayokong makita niya ang lungkot na siyang namamayani sa aking mga mata.. yeah nagtatampo ako at medyo disappointed pero wala pa naman kasi siyang alam tungkol sa kanyang pagbabalik sa kanilang mundo kaya hindi ko siya masisisi kong akalain niyang madami pang panahon kaming magsasama..

"Kiel??"..tawag niya sa'kin pero hindi ko na ginawa pang lumingon.. "kiel!!"..narinig ko ang papalapit na mga hakbang na sumusunod sa'kin.."Hoy!anu ba??".. sabi niya ng maiharang niya ang sarili sa aking daraanan.. in-extend din niya ang dalawang kamay pangharang..

"Oh anu?"..poker face kung tanong..kaya naman siya naman itong napanguso..

"Kainis ka naman ehH!"

"Ako pa ngayon?? Ikaw nga 'tong ayaw sumama sa'kin eh!ikaw ang nakakainis!tss.."..

"Bakit ba ang moody mo?hmm.. sige na nga tara na punta na tayo dun ..".. pa-cute pang mungkahi niya saka siya lumapit sa'kin at inarko ang sariling braso sa aking braso.."tara na.."..

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Where stories live. Discover now