Chapter 63: 2 nights left..

128 5 0
                                    

KIEL'S P.O.V

Here we again.. sa tuktok ng burol habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa bahaging kanluran..

"Ang ganda di ba?".. tanong niya sakin ngunit nakatingin lang siya ng deretso sa araw..

"Oo maganda..-"..sabi ko habang nakatingin na din sa paglubog ng araw.. "pero mas maganda ka pa diyan..-"..dagdag ko saka ako lumingon ulit sa kanya..nagtama ang aming paningin dahil nakatingin na din pala siya sa'kin.. may maaliwalas na ngiti siya sa mga labi..

"Kaya mahal kita eh.., nagsasabi ka ng totoo..hehe..-"..then she giggled where i find it cute.."sana lagi kang ganyan ng lumaki ang tenga ko.haha.."

"Huh..?".

".. di ba nga sabi nila..kapag daw malaki ang tenga mo mahaba ang buhay mo..hahaha!"..natatawa niyang turan..

"Ikaw ba naniniwala sa kasabihang yun??"..

.napahawak siya sa kanyang baba at tila'y nag-isip..ilang segundo lang ay bigla siyang tumawa.."..-hindi ehH..mas naniniwala kasi ako, na kapag oras mo na.. oras mo na talaga.. hindi na importante kung maliit man o malaki ang tenga mo.. parang wala din namang koneksyon ang sukat ng tenga sa kamatayan di ba?".. seryosong komento niya.. hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng takot ng banggitin niya ang katagang kamatayan.. "Hay Naku!!"..nakatawa niyang bugtong-hininga saka niya inunat ang dalawang braso at nahiga sa damuhan.."Gusto kong mabuhay ng mahabang taon..para makasama ka ng matagal na matagal..-".. saad niya habang nakatingin lang sa magdidilim na kalangitan.."-..Iidlip muna ako ahH.."..she uttered, then she close her eyes abruptly after giving me a glimpse in a second....

Nahiga din ako sa damuhan at agad na tumagilid ng higa.. itinukod ko ang siko ko sa lupa ay ipinatong ang pisngi ko sa kamay ko saka ko siya pinagmasdan..

Kaya ko na ba??kaya ko na bang bitawan siya??kaya ko na bang mawala siya sa buhay ko??

Napatingala ako sa buwan..parang nang-iinit kasi ang gilid ng mga mata ko.. nang mapapikit ako ay naalala ko ang napag-usapan namin ng Kapatid ko kanina-nina lang..


*flashback*

"..dalawang gabi na lang...Kiel.. handa ka na bang bitawan ang babaeng mahal mo.. handa ka na bang maiwan??handa ka na bang masaktan??".. napatingin ako sa ibang dereksyon para iiwas ang tingin ko sa kanya na alam kong lumalamlam na..

Iniisip ko palang na dalawang gabi ko na lang siya makakasama ay parang tinatambol na ang puso ko sa sobrang sakit.. alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang bitawan ang kaisa-isang babaeng mahal ko.. hindi ko pa kayang malayo sa kanya ngayon pang labis-labis ko na siyang minamahal.. mahirap yun para sa'kin lalo pa na hindi pa man kami nagtatagal na nagkasama.. ang ikli ng panahon na ibinigay sa'ming dalawa..bakit ganoon??

Oo mayroon akong pagpipilian.. ang itama ang lahat at tulungan siyang makabalik sa kanilang mundo o baliwalain ko na lang ang opportunidad na yun para ibalik siya.. kung pipiliin ko naman ang pagbaliwala dito.. wala kaming kasiguraduhan na magbubukas ulit ang lagusan sa susunod na pagkakataon..panuh kung hindi na?? Kaya nakakapangamba kung hindi ko siya bibitawan sa pagkakataong ito..kailangan kong tanggapin dahil ito ang nararapat gawin..

"KKiel..Okay ka lang??"..pag-tap niya ng balikat ko..

Tumango lang ako.. pero alam ko na kahit sabihin kong okay ako ay mararamdaman at mararamdaman ng kapatid kong hindi ako okay..

"Okay lang yan kapatid ko.. nandito lang kami para sa'yo.. tutulungan ka namin na makalimot..-".. hindi ko ata kayang kalimutan siya.. kahit sa ganitong kaikling panahon lang kami nagkakilala ay alam kong matagal-tagal na panahon kong kikimkimin at iisipin ang isang tulad niya.. baka nga hindi na siya mabura pa sa alaala ko ehH!parte na siya ng buhay ko at magiging parte siya hanggang sa kasalukuyan..

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Where stories live. Discover now