Chapter 71: Beautiful Nightmare

162 5 0
                                    

DAME'S P.O.V

*toktok*

"Dame??"..

"Pasok po ma..-".. nakahiga na ako sa kama ko para matulog na sana..

narinig ko ang pagpihit ng pintuan at ang yabag ni Mama..

"Naistorbo ba kita??".. umupo muna ako sa kama ko ng lumapit siya sa'kin..

"Hindi naman po ma.. bakit po pala??"..

"Ibibigay ko lang ang mga 'to sa'yo.. -''..sabi niya habang inilalapag ang isang maliit na kahon sa mesang katabi ng kama ko.."..yung mga gamit mo yan na nakuha sa Balon.. naisip ko lang na baka kailangan mo..-"..

Inabot ko ang kahon at inilapag sa lap ko.. pinakatitigan ko muna ito.. hmm?? Ano ba ang mga gamit na 'to??

"Thanks Ma..-"..

Ngumiti siya sa'kin at hinalikan ako sa noo.."magpapahinga na ako anak.. ikaw din..gudnight anak..-"..

"Gudnight Ma..-"..at ako naman ang humalik sa kanyang pisngi.."pakisabi na din ki papa.. gudnight din sa kanya..-"

"I will.. -"..sabi niya bago siya lumabas ng kwarto ko.. haixtz!!namiss ko talaga ang kwartong ito.. oo..nakauwi na nga ako dito sa bahay.. after 1week na pagkakatingga ko sa hospital since i woke up ay pinayagan na din akong lumabas ng hospital at dito na lang sa bahay magpagaling ng lubusan.. wag ko lang daw kakaligtaang inumin ang mga gamot na ni-reseta sa'kin.. yeah!!mga gamot talaga.. as in madami!! Huhu ang pangit ng mga lasa... nakakasuka pero hindi ko pwedeng idura kasi kailangan daw ang mga yun para sa complete recovery ko..hmmft!!

Sina mama.. grabe ang iyak at hagulgul nila ng madatnan nila akong gising na sa hospital.. akala daw nila mawawala na ako sa kanila..akala daw nila iiwan ko na sila katulad ng pang-iwan sa'min ni Kuya ng mamatay siya... hindi na daw nila kakayanin pa mawalan ulit ng anak..nawalan na daw sila ng isa..hindi na nila kaya pang pati ako ay iwanan sila.. kaya kahit daw konting porsyento lang ang posibilidad na magising ako ay kinuha pa din nila ang pag-asa.. buti na lang daw at hindi sila sumuko sa pag-intay sa paggising ko.. ilang beses na raw akong nag50-50 pero lagi raw akong naiirevive.. may isang beses daw na nagflatline na talaga ako.. pero himala daw na nagkaroon ulit ako ng pintig ng puso.. ang swerte ko naman pala kung ganun..

Napahimas ako sa magkabila kong sentido at huminga ako ng malalim.. bago ulit ako mapatingin sa kahon.. Nag-indian sit ako at inilapag ang kahon sa kama ko bago ko ito binuksan...

Napangiti ako ng mapait ng makita ko ang laman nito.. ito yung purse ko at ang necklace ko.. inuna kong kinuha ang kwentas ko.. naalala ko ang huling araw ko sa palasyo.. kaya ito na naman ang hapding hindi mabura-bura sa puso ko.. panaginip lang naman pala ang lahat pero bakit hindi ko yun matanggap..hindi ko matanggap na sa isip ko lang at sa panaginip ko lang nabuo ang lahat ng yun..

Bakit sa panaginip ko lang nakilala ang Prince Charming ko?? Bakit hindi na lang siya naging totoo??

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mata.. panaginip na sobrang nakakaiyak kapag naaalala!! Panaginip na halos isipin kong totoo.. parang totoo..

Inilapag ko ang kwentas at kinuha ko naman ang purse ko.. at nang buksan ko ito.. nandun yung cellphone ko at earphone ko.. basag na ang screen ng phone ko.. sinubukan kong i-open ito pero hindi na talaga siya nabubuksan.. sira na ata talaga ito. Malamang., mahulog ba naman sa mataas..syempre sira ang hahantungan..

Naalala ko bigla yung unang beses kong gamitin ang cellphone ko sa palasyo.. i remembered our selfies, groupies.. and also the stolen shot i've took...

Panuh kung hindi naman talaga panaginip panuh kung nangyari naman talaga ang bagay na yun??

Kinuha ko agad-agad ang memory card sa phone ko at agad na tumayo at naghalungkat sa drawer ko ng card reader.. salamat naman at may nakita ako.. agad kong sinalpak ang mem.Card ko dito.. naupo ako sa upuan katapat ng mesa ko at binuksan ang laptop..

Napangiti ako ng i-read ang memory.. buti naman at hindi ito nasira.. kinlick ko agad ang images at nag-scroll down.. but in my dismay.., wala kahit isang picture na magpapatunay na totoo yun.. pero merong mga black shot dito.. madami-dami din..

"I think..im being insane..".. bulong ko sa sarili ko.. napalingon ako sa mga picture ng prince Charming ng DisneyLand.. "..-is't only a dream..,Kiel??".. naiiyak kong tanong.. pero bakit sobrang sakit yung nararamdaman ko?? Bakit feeling ko heartbroken ako?? Kung panaginip lang ang lahat bakit nakakaramdam ako ng sobrang panghihinayang.. sobra ba akong na-attach sa panaginip na yun para magkaganito ako??

Minsan kasi sa panaginip kapag nagising ka na.. makakalimutan mo na lang ang ibang detalye..minsan nga hindi mo na talaga maalala..pero iba ito.. naaalala ko pa lahat.. maging ang mga mukha nila.. mga lugar dun kung saan kami nagpupunta.. lahat-lahat!!

Ano bang paniniwalaan ko?? Ito ba'y totoo o pawang panaginip lamang??

"Kiel.., imahinasyon nga lang ba kita??".. i uttered then i smiled bitterly.. baka nga nasubrahan lang ako sa pagpapantasya na makatagpo ng isang prinsipe.. kaya kahit sa panaginip ay yun parin ang laman ng utak ko..

Nagdadalawang isip ang utak ko kung ano ba talaga.. pero ang puso ko sinasabing hindi yun panaginip..

Pero posible nga bang mainlove ang tao sa loob ng panaginip?? Parang imposible.. kung ipagsasabi ko.. siguradong mapagkakamalan lang nila akong baliw..

Ang gulo na ng utak ko.. pati puso ko sobra ng naguguluhan..

Napatayo ako at lumabas sa terrace ng kwarto ko.. napatingala ako sa kalangitan.. ang daming bituing nagkikislapan pero bakit hindi ko makita ang buwan??

"If that was only a dream.. maybe its a beautiful Nightmare..-".. napaluha kong bulong.. napapikit ako at inalala ang mukha ni Kiel.. kabaliwan mang sabihin pero Mahal na mahal ko si Kiel.. nakilala ko siya sa panaginip pero ang puso ko siya ang sinisigaw.. napahawak ako sa tapat ng dibdib ko.. ang sakit kasi ang sakit-sakit..para akong sinakluban ng langit at lupa.. bakit ito ang nangyari sa'kin?? nagmamahal ako sa isang nilalang na kathang-isip ko lang naman pala.. bakit sa kanya pa??bakit ang lupit ng tadhana?? Pinakilala nga niya ang pinangarap kong prinsipe..pero hanggang sa panaginip ko lang naman pala siya makakasama..

Napaupo ako sa isang sulok habang yakap-yakap ang sarili kong mga tuhod..

"Masama ba akong tao..para magkaganito ang buhay ko??"..napahikbi na ako ng tuluyan.. hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko.. napakasakit kasing isipin na hinding-hindi ko na siya makikita pa.. ang una kong pag-ibig..maaalala ko na lang siya sa aking isipan.. :'(

Kiel.. tandang-tanda ko pa ng sabihin mo sa'king mahal na mahal mo din ako.. mahal na mahal din kita..kaya hindi ko alam kong kaya ba kitang kalimutan kahit isa ka lang panaginip..

....

--------




To be continued....

A/N: sorry po..sabaw ang update..hehe.. wala po kasing pumapasok sa isip ko..hahaha

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Where stories live. Discover now