Chapter 21: Sleep-Over

200 3 0
                                    


DAME'S P.O.V

Yum yum yum!!sharap!sharap talaga ng mga chocolates… hehe lalo na pag libre…*^_^*

"…hindi ba sasakit ang ngipin at tiyan mo dyan??"…tanung ni Charlie habang may kagat-kagat na karne ng baboy-ramo…

"Oo nga… ang dami niyan Dame!mauubos mo ba yan??eh parang pang-isang lingong supply na yan eh... ".. komento naman ni Sweetcel.. ang tamis talaga ng pangalan ng isang 'to!!siya kaya ang papakin ko…matamis din kaya siya!??hahaha syempre joke lang at baka mapektusan ako ng asawa niyang si Gionggoy…haha

Giovanni + Unggoy = Gionggoy for short!!hehe

"tss…mani lang yan sa kanya! bodega ang tiyan n'yan eh…"…singit na naman ni Kiel!!hmpft!! "Kapag sumakit yang mga bagang mo o 'yang tiyan mo… wag ko lang marinig-rinig yang reklamo mo… sasamain ka sa'kin!!"

Hindi na lang ako umimik at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain nitong matatamis…hehe wala akong oras para makipag-kuntrahan sa kanya…he's not worth a time!!hmft!

"..mag-gagabi na pala.. napasarap ang ating kwentuhan hindi man lang natin namalayan ang oras..- ".. sabi ni Jeric at humarap sa'kin…"hindi na tuloy kayo nakapamasyal."

"Okay lang po yun may bukas pa naman…"

"..kung dito na lang kaya kayo magpalipas ng gabi.. para hindi na kayo maglakbay pauwi sa palasyo… madilim na din sa labas, lalo na sa kakahoyan.. mapanganib ang mag-lagalag sa gantong oras.. maraming mababangis na hayop ang nakakalat.. "..mungkahi nito sa'min ni Kiel.. at ang prinsipeng 'to parang wala namang pakialam sa sinasabi ng tagapamahala..

".. sabagay..sige dito na lang muna kami para bukas pagkagising ay makapasyal agad at makauwi ng maaga sa palasyo..".. sabi nito habang naka-de kwatro pa.. pa-cool effect lang ang kupal!

"…sige,ipapaayos ko na ang gagamitin niyong kwarto..pero may problema pala tayo.. isang room na lang pala ang bakante dito.."

"ANU PO!!???"

"Tss!o.a na naman!"

Napakamot ng ulo si Jeric…"…hindi naman kayo pwede sa kwarto ko at lalong-lalo na sa kwarto ni Samantha dahil may mga ritwal pa siyang ginagawa sa kanyang silid…"…paliwanag niya... so anung ibig niyang sabihin??…"pwede naman sigurong magshare muna kayo ng iisang silid??wala naman sigurong masama dun di ba??"

"ANU???"…kuros naming sigaw ni Kiel at nagkatinginan pa ng masama…

"Yan!!makakasama ko sa iisang kwarto??no way!!"

"At sa tingin mo ba??gusto ko ding makasama ang katulad mo!??ayoko din nuh!!???"

"…-eh panu po yan?? Malaki naman yung kama dun eh"

"Isa  akong prinsipe tapos itatabi niyo sa'kin ang isang... *tingin mula ulo hanggang paa at balik sa aking mukha*… basahan!??"

"Hoy!!!aba't ang kapal din talaga ng pagmumukha mo!! Ako basahan??bulag ka ba ah bulag!!?"…nangingitngit kong singhal sa kanya at dinuro-duro ko pa siya… ang kapal ng mukha para sabihan akong basahan!! "At kung ako basahan…anu ka pa??basura!??txk!!"…kaasar talaga!!grrR!!

"…kung hindi kayo magkasundo…panu na yan!?"

"…Pwede naman siguro akong makitulog sa inyo sweetcel di ba!??"…nagpa-puppy eyes ko pang tanung sa kanya…

"Ah eh anu kasi… hehe wala ng space sa'min eh!nasabi ko na bang may lima na kaming anak…hehe"… ngeik!!napanguso na lang ako…pero anu kaya ang mga itsura ng mga anak nila?? Nacu-curious tuloy ako!hehe kapag ba pinaghalo ang pusa at unggoy,anung kalalabasan?

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Where stories live. Discover now