Chapter 62: Caught

135 4 0
                                    

KIEL'S P.O.V

I mean it.. i mean what i said to her last night.. i want our first kiss would be in our wedding.. but i think i've shouldn't said it.. para kasing pinapaasa ko lang siya..at the same time parang pinapaasa ko lang din ang sarili ko sa impossibleng mangyari.. ang pait ng tadhana sa'min..bakit kasi sa magkabilang mundo pa kami nanggaling??  Bakit pinagtagpo kami sa maling pagkakataon??

"KIEL,..nakikinig ka ba??".. biglang bulalas ng kapatid ko ng mapansin sigurong hindi ako nakikinig sa pinag-uusapan nila.. nandito kami sa isang pribadong silid kasama ang councils, ang guardians, si Amang hari at si Armaggedon..

"Pasensya na kayo.. ano nga ba ang pinag-uusapan natin?".. tanong ko.. naririnig ko silang nag-uusap-usap pero hindi ito pinoproseso ng utak ko.. ganito lang siguro kalalim ang iniisip ko kaya para akong wala sa sarili..

"Hay naku!Kiel.. lumilipad ata ang utak mo??ano bang iniisip mo?"..

"Wala naman po..-"yun na lang ang isinagot ko sa tanong ni Ama.. alangan namang sabihin kong nagkakaganito ako sa kakaisip ko kay Dame..

"Asus..wala raw!?maniwala.. si Dame iniisip mo noh??".. panunundyong bulong sa'kin ng katabi kong si Green habang nakangiti ng maloko..

"Manahimik ka..-"..bulong ko din sa kanya pabalik..saka ko binalik ang atensyon ko sa iba..

"As we have said kanina.. the Guardians already caught the dark witch who did the spell-thingy on Dame..-"..mungkahi ni jesebel na nagpakunot-noo sa'kin at nakapagpatiim-bagang sa galit..

Napatayo ako at naihampas ko ang aking dalawang palad sa mesa na siyang nakapagpagulat sa kanila..

"NASAAN ANG HAYOP NA YUN??!!".. hindi ko na pinigilan pa ang galit na bumabalot sa'kin ngayon.. kahit pa kaharap ko ang aking Ama..wala na akong pakialam kong ano pa ang mangyari sa inaasal kong ito..ang gusto ko lang ay makita ang mangkukulam na yun at ako mismo ang papataw ng kanyang kamatayan..sa kamay ko mismo siya malalagutan ng hininga.. yung galit na nararamdaman ko ngayon walang mapaglagyan.. tanging ang pagpaslang lang sa hayop na nilalang na yun ang makakapagpagaan ng kalooban ko.."DALHIN NIYO AKO NGAYON SA KANYA!!"..

"Huminahon ka Prinsipe Kiel..-"..mahinahong utos sa'kin ni Ama.."Alam namin kung gaano kaimportante sa'yo si Dame pero hindi mo kailangang magkaganyan ng dahil sa galit..wag kang magpapadal sa bugso ng iyong damdamin..''

Napahinga ako ng malalim at pinilit na pakalmahin ang aking sarili..pero kahit ano sigurong gawin ko ay hindi ko kayang kumalma at maging mahinahon.. hindi lang naman basta-basta ang pinag-uusapan namin dito.. tungkol ito sa taong mahal ko na nanganib ang buhay dahil sa kagagawan ng isang dark witch!! Kung sila ay kayang maging mainahon sa ganitong sitwasyon..ako ay hindi dahil Hinding-hindi ko ito palalagpasin..

"Maupo ka na mahal na prinsipe..-"..mungkahi naman ni Armaggedon na may paggalang sa kanyang tono ng pananalita.. "hindi sa lahat ng bagay ay ang pagkamuhi o galit agad ang pinapairal, kailangan din naman nating isaalang-alang ang ating isipan..".. he added. I supposed to saw a hint of seriousness on what he said, but unfortunely.., i haven't!hindi ko maintindihan pero piling ko hindi naman bukal sa loob niya na sabihin ang mga katagang yun..

"Calm Down Prince Kiel.. walang magandang mangyayari kung magpapadala ka sa iyong emosyon..''.. turan naman ni Jeric.. may mangyayaring maganda, dahil maipaghihiganti ko ang kalapastanganang ginawa kay Dame..

Napabuntong-hininga ako at naupo sa aking silya.. ginulo ko ang buhok ko sa pagkayamot. ..

Itinukod ko ang dalawa kong siko sa mesa at ipinagsalikop ang dalawa kong kamay..

"Asan siya??"..tanong ko ulit sa kanila.. im referring to that evil witch.. nagkatingin naman ang iba sa isa't-isa.. at ang iba naman ay nukhang nakikinig lang..

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang