Chapter 43: The New Creature..

167 4 0
                                    

DAME'S P.O.V

"Wag mo sabi akong susundan .,ba't ba ang kulit mo ahH?."asar kong tanong sa kanya.. nabubwisit na talaga ako sa lalaking 'to.. wala ng ginawa kundi ang kulitin ako.. dalawang araw na siyang ganyan matapos naming makabalik galing sa metade.. haixtz!nakakaasar na talaga siya.. umiiwas na nga ako!siya naman 'tong lapit ng lapit..grrr!!! Ang sarap niyang itali sa kanyang kwarto upang hindi na makalapit sa'kin!hmft!"..can you stop following me!nakakirita ka na ah!!hindi ka tuta para bumuntot sa'kin!!"..sabi ko habang nakasalubong ang dalawa kong kilay..

"Eh sa gusto ko.. ,anong magagawa mo."..nakangisi pa niyang turan sa'kin.

Aba't nang-aasar pa talaga!bwisit 'to!aixtz!! Nahihirapan na nga akong itago 'tong feelings ko para sa mokong na 'to..tapos panay pa ang dikit niya sa'kin!!! Juicecolored!!! Baka atakihin na ako sa puso kapag ipinagpatuloy niya pa ang ginagawa niyang yan.. kaya nga ayokong lumalapit siya sa'kin eh!kasi baka sumabog 'tong puso ko sa sobrang kaba!!!! Kapag nariyan siya hindi na ako makahinga ng maayos!papanuh pa kung sobrang lapit niya!?? Baka bigla na lang tumalon ang puso ko at tumakbo paalis.. tss!aixtz!ang o.a ko na naman tuloy!!

"Lumayas ka nga sa paningin ko pwede ba!!?"..

"A-yo-ko nga!nakakaenjoy kaya kapag naiinis ka..haha .. hindi ko alam kong bakit nagkakaganyan ka pero okay lang.. nakakaenjoy ka namang asarin..hahaha.. ang sarap lumapit sa'yo ngayon lalo na kapag ganyan ang reaksyon mo..hahahaaha."..tumawa pa talaga ang loko!

"Ah ganun??gusto mo pala yung lumapit sa'kin ahH..ganu ba ka-close??-"..humakbang ako palapit sa kanya yung tipong sobrang lapit ng katawan ko sa kanya at isang pulgada na lang siguro ang layo ng mukha ko sa mukha niya.."oh??ito.. pwede na??".. halata naman sa kanya ang pagkagulat dahil namilog ang kanyang mga mata habang hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin.. hindi siya nakagalaw at deretso lang ang tingin sa'kin.. parang namula siya??o guni-guni ko lang yun..eh??

Mas Nagkatitigan pa kami.. at dun ako tinamaan ng hiya!d*mn!!! Anong masamang maligno ang sumapi sa'kin para magawa ko ang kagagahang kong ito??? Bigla akong Napa-hakbang ng paatras.. saka ko siya tinalikuran at nagtatakbo ako palayo..uwaahH!! Tanga Dame!ang gaga mo talaga.. huminto lang ako ng makapunta ako sa likurang bahagi ng palasyo.. hinawakan ko ang tapat ng aking dibdib!!grabe parang mas malala ata ngayon ang nararamdaman ko!! At ang nakakasar dun ay ako pa mismo ang nagpalala.. huhu nagha-hyperventilate ang baby heart ko..

*dug.dug.dug.dug.dug*

Manahimik ka dyan heart ko!!tumigil ka naman sa pagtibok ng hindi normal!piling ko tuloy abnormal ako.. haixtz!!kasalan itong lahat ng lalaking yun ehH!bakit ba kasi sa kanya pa ako nagkagusto?? Pwede namang isa na lang dun sa mga guardians..-ai erase!erase!mga bwisit din pala ang mga yun!!hmmpft!sana pala hindi na lang ako nainlove..huhu
Napaupo naman ako sa damuhan at pinagsisipa ang mga damo..urggg!!bakit sa kanya pa!?bakit???

"Sagutin niyo ako mga damo!!bakit ba sa kanya pa ako nagkagusto eh napakabwisit ng prinsipe niyo???.. ba't hindi kayo nagsasalita??magsalita nga kayo..nagmumukha na akong baliw dito..wala akong kausap..hmmpft!!"..oo baliw talaga ako.. since birth pa nga ata ehH!! "Oh!?anuh na..ayaw niyo talaga akong kausapin??hah??pagbubunutin ko kayo!sige!!"..patuloy ko sa pakikipag-usap sa mga damo dito na alam ko namang hindi magsasalita pero pinipilit ko pa din sila.. "hoy mga damo??ano na??bakit sa kanya??eh sobrang hangin niya.. napakawalang modo niya.. ah basta ang dami niyang negative traits sa katawan.. pero bakit yung tangang puso ko sa kanya tumitibok??uwaaaahH!!"..pagmamaktol ko habang nakayuko at nagpupunit ng dahon ng damo.. "he loves me..he loves me not..he loves me.. he loves me n..-"

"..ang pag-ibig bigla na lang dumarating.. sumisibol na lang ng hindi mo namamalayan..kaya wag mo ng itanong kung bakit ka sa kanya nahulog dahil ang pag-ibig ay walang katumbas na dahilan.. dahil isang bagay lang naman ang dahilan eh..yun ay ang mahal mo siya..''..na-estatwa ako sa posisyon ko ng may magsalita..halah!!totoo ba 'to?? May kumakausap sa'kin?? Yung mga damo kaya??

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Where stories live. Discover now