Chapter 2: The New School

540 13 0
                                    


DAME'S P.O.V

Inhale..

Exhale..

WhoahH!!kinakabahan akong pumasok.. nandito na ako sa harapan ng gate ng school na papasukan ko pero ilang minuto na akong nakatayo dito ay hindi pa rin ako pumapasok.. parang na-glue na nga ata ang mga paa ko dito eh..

Eh naman kasi… dinadaga ang dibdib ko…mababait naman siguro ang magiging classmates ko di ba??sana nga!! Sana hindi sila bullies.. haynaku naman..

Bagong paaralan.. bagong pakikitunguhan..

Mag-aadjust na naman.. hay!!

"Ija.." pagtawag sa atensyon ko ni manong Guard..

"Po?"

"Napansin ko lang kasi.. kanina ka pang nakatayo dyan.. wala ka bang balak pumasok?? Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase..."

"Ah.. eh.. hehe.. papasok na po.. kinakabahan lang.." i said demurely with an awkward smile on me..

"Transferee??"

"Opo eh.."

"Ah kaya naman pala.. oh cia pumasok ka na ija.. at baka malate ka pa.. at wag ka ding kabahan.. mababait naman ang mga tao dito..." nakangiting saad ni manong guard.. kaya napangiti na din ako.. kung si manong guard ay mabait sana yung iba din ay ganun.. i wished that everythings here would fine..

Napahigpit ang pagkapit ko sa strap ng bagpack ko at naglakad na papasok..

"Salamat po.." sabi ko na lang ng malagpasan ko na siya at bahagya din akong yumuko bilang respeto ...saka ako naglakad na ng diretso..

Nagpunta muna ako sa registrar office para malaman ko kung saang section ako kabilang.. sakto namang may teacher ang nag-logbook.. at napag-alamanan ko na siya pala ang adviser ng section kung saan ako papasok kaya ito ako ngayon kasabay siyang naglalakad papuntang room namin..

Hindi naman siya mukhang strikto.. mukha nga siyang mabait eh.. she's pretty too.. and i guess she's still in a mid 30..

"What's your name ija?" Biglang tanung niya sa'kin..

"i'm Daniella Mesha Santiago Po Mam.."

Napatango-tango lang siya..

"Your beautiful.. pwede ka sanang maging muse ng IV-Sardonyx kung napaaga ka lang ng pasok… kaso naka-elect na kasi ng class officers… sayang… by the way, you've already missed the lessons for almost a week .. anyways, just borrow a notes from your classmates para naman makahabol ka sa topics.. okay??"..  paliwanag niya sakin.. sayang naman nuh!? pang-muse pala ang beauty ng lola niyo!hahaha

"Opo mam.."

"Nandito na tayo.. " napansin ata niyang medyo kinakabahan ako kaya ti-nap niya ang balikat ko.. "relax Daniella.. they won't bite.." pagbibiro ni mam.."let's go.." yaya niya sa'kin papasok ng room..

Pagkapasok namin may nagsusulat ng kung anu-anu sa blackboard..

may nakaupo pa sa teacher's table..,

yung mga upuan wala na sa line..,

may naghahagisan ng gamit..,

May nagtsitsismisan at nagtatawanan ng wagas…

Sa madaling salita..

Ang gulo-gulo nila!!!oh my Goodness!! >.<

"Pacensya na.. ganyan talaga sila kapag walang guro.. matino na sila sa lagay na yan.. " mam said then she chuckled..

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Where stories live. Discover now