Chapter 46: Beautiful Scenery

181 4 0
                                    

KIEL'S P.O.V

tss!!

..aixtz!ang babaeng yun!akala ko pa naman affected siya sa nasabi ko eh!parang hindi naman eh!parang wala lang sa kanya yun..pero nung oras na sabihin ko yun ay nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya,namalikmata o hallucination ko lang ba yun??

Aixtz!nakakagago ahH!!wala naman talaga akong balak sabihin ang mga linyang yun kaso bigla na lang lumabas sa bibig ko.. naguilty pa ako dahil ang akala ko nasaktan siya pero hindi naman pala!tsss!! Kung makaakto siya parang walang nangyari!akala ko pa naman,may kahit konting pagtingin siya sa'kin.. bwisit na feelings na 'to!nag-assume ako sa hindi naman pala..-

"KAhit konting pagtingin, kung manggagaling sa'yo..
Ay labis ko ng ligaya, dahil sa ikaw ay mahal ko..-"..biglang kanta ni Red na nakaupo sa di kalayuan sa pwesto ko..

...gagong 'to!!saan niya ba natutunan ang kantang yan?? At parang nananadya at nakaaasar!tss!

Back to my thoughts.., haixtz¡!ginayuma ba ako ng babaeng yun at nagkakaganito ako sa kanya?? Mabibiyak na ata ang utak ko sa kakaisip sa mabubungangang babaeng yun... lagi na lang lumalabas ang imahe niya sa utak ko, hindi siya maalis sa sistema ko.. at nakakabuwisit talaga ang ganun!! Nakakabaliw mainlove sa taong walang pakiramdam para sa'yo..-

"Baliw!!na ako sa iyo... ako'y litong-lito..,naloloka...nahihibang sa kakaisip sa'yo.. sa'yo..-".. nakangiwi akong napalingon kay Blue ng bigla siyang bumirit pero napiyok naman sa una palang niyang liriko.. tss!! Konti na lang at iisipin ko ng binabasa nila ang nasa utak ko.. kung hindi ko lang alam na wala silang kakayahang ganun ay iisipin ko talagang mindreaders na din sila tulad ng kapatid ko..

Bahala nga sila dyan.. bwisit!! Tinatamaan ako sa kinakanta nila..haixtz!

Inalis ko na lang ang paningin sa kanila at itinuon ang aking atensyon sa babaeng nakikipagkulitan kay Krypton sa baba.. nandito kasi kami ngayon sa terrace ng silid-aklatan na katapat ng hardin sa baba..

Ang ganda ng ngiti at tawa niya..nagseselos tuloy ako kay Krypton..mabuti pa ang leon na 'to nakakakulitan niya si Dame samantalang ako ito,hanggang tingin lang..minsan naiisip ko na tama lang na ako na lang ang makadama nito kesa kaming dalawa pa ang masaktan sa huli.. mabuti ng ako na lang kesa ang makita siyang nasasaktan dahil sa stwasyon namin.. mabuti ng ako na lang ang mahirapan sa pag-alis niya kesa kaming dalawa pa.. sige wag ka na lang magkagusto sa'kin Dame.. wag na lang..-

"Hindi ko na alam kong makakaya ko pa.. di bale na lang kaya..
Ako ba kaya ang nasa isip niya?di bale na lang kaya..ngunit mahal ko siya..
Di bale na lang..
Di bale na lang..
Di bale na lang kaya..".. sinamaan ko ng tingin si Green ng bigla siyang lumapit sa'kin at nakangising inaawit ang mga katagang yan..

"Lumayo ka nga!!"..pagtulak ko sa mukha niya palayo.. humalakhak lang siya at bumalik na sa kanyang inuupuan kanina.. napansin ko din ang pagpipigil ng tawa ni Red at Blue.. mga bwisit 'to!!pinagkakaisahan ako.. pagbuhol-buholin ko kaya ang mga ugat nila!!tss!! Mindreaders na nga ata sila.. nananadya eh!!sinsakto nila yung kanta kung ano yung nasa isip ko!!mga damuhong 'to!!

"Saan niyo ba napulot ang mga kantang yan??hah???"..hindi ko makapaniwalang tanong sa kanila..

Nagkatinginan naman silang tatlo at sabay-sabay na ibinuka ang bibig.."Sa Cellphone ni Dame.."..

"Tss.. wag na nga kayong makikinig sa mga kanta ng babaeng yun.. ang papangit!! Lalo na kapag kayo ang kumanta..".. asar kong sabi sa kanila.. "at saka pwede ba wag na wag na kayong aawit.. wala kayo sa tono.. nakakarindi lang.."

"Ang ganda naman kasi ng boses mo noh.?"..sarkastikong sabi ni Green..

"Ah alam ko na..hahaha kung pangit ang boses namin kapag solo lang.. try nga natin mag-trio.."..nakatawang saad ni Red.."iparinig natin ang pinagsamang tinig ng guardians!!bwahahahaha".. mukha siyang tanga!tss!

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt