Chapter 50: PiggyBackRide

156 5 0
                                    

DAME'S P.O.V

Inihilig ko ang aking pisngi sa likod ni Kiel habang nakayapos naman ang mga braso ko sa bewang niya.. at lihim akong napangiti.. parang ayoko ng matapos pa ang sandaling ito.., yung tipong nakaakap lang ako sa kanyang likod habang siya'y nangangabayo papunta kong saan man..

Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang kanyang presensya..

Kanina noong nasa palasyo pa kami.,ang weird ng mga kinikilos niya.. hindi ko alam kong ano ba ang tumatakbo sa utak ng lalaking 'to!ang hirap niyang basahin. . Ang bipolar kasi!hmpft! Pero kahit ganyan siya, gusto ko padin siya!yun nga lang the feeling is not mutual!haixtz!!ang saklap naman.. ganito ba talaga ang mainlove.,yung tipong kahit gaano pa kasama o kabuwisit ang ugali ng gusto mo,gusto mo pa din siya??di ba dapat,matu-turn ka kapag ganun??..

LOVE IS THE MOST WEIRD FEELING EVER... AND THIS PRINCE IS THE MOST WEIRD GUY I'VE EVER MET.. AND I'M DAME, THE WEIRDEST AMONG THEM ALL.. AND GOSH!!THUS, THIS STORY OF US IS TOTALLY WEIRD TOO..

Yeah everything maybe weird yet magical..

Iminulat ko na ang aking mata ng mapansin kong bumabagal na ang takbo ng kabayo.. at ilang hakbang pa ay huminto na kami. .. kaya naman inalis ko na ang pagkakayakap ko sa bewang niya at baka mapansin pa niyang ayaw ko na talagang bumitiw.. inilinga-linga ko ang aking paningin at ngayon ko lang napansin na nasa gitna kami ng nagsisitaasang puno at mga damo..

Unang bumaba ng kabayo si Kiel at nagulat ako ng humarap siya sa'kin at iginawad ang kanyang dalawang kamay sa'kin..

''Tara na..-"..sabi nito habang hininhintay niyang kuhanin ko ang mga kamay niya para ako'y maalalayan sa pagbaba.. nagdalawang isip pa ako bago ko hinawakan ang mga kamay niyang nakaabang.. ito ang unang beses na inalalayan niya ako sa pagbaba ng kabayo.. kaya nakakapanibago lang.

Nang makababa na ako ay hindi ko magawang tumingin sa kanya ..ewan basta ang piling ko nahihiya ako.. aixts!!sa kapal ng pagmumukha ko,hindi ko inakalang may hiya pa pala akong naitatago..

"Uhm..ito na yun?".. hindi makatingin kong tanong sa kanya at iginala ko na lang ang aking mata sa lugar.. ano namang espesyal dito??ehH.. karaniwang gubat lang 'to..

"Syempre,hindi.. dito lang tayo bumaba kasi hindi naman na kaya ng kabayong tumawid sa susunod nating dadaanan.."..paliwanag niya habang itinatali sa isang puno ang kabayo.. matapos niyang maitali ito ay kinuha naman niya ang basket saka binitbit..

"Bakit san ba tayo dadaan..-?"

Ngumisi lang siya sa'kin kaya naman nakaramdam ako ng kaba.. may balak na naman ata siyang pagtripan ako..hmmmp!

"Tara dito..-"..sambit niya saka niya hinawi ang nagsisitaasang mga damo sa dinaraanan namin.. ano ba naman 'to??ang kati kaya..txk!!baka may ahas dito o worse baka anaconda pa..erR!?

o_O

Reaksyon ko yan, ng tuluyan na kaming makalabas sa mga damong yun na nagmistula ng puno sa taas..at ng makita ko ang isang hindi gaanong kalaking hanging bridge ngunit ang haba nito.. ay tungo sa isang mabatong bahagi sa kabilang dereksyon..

"He-he.. seryoso??dyan??..--".. hindi ko makapaniwalang usal sa kanya habang nakaduro pa ang aking hintuturo sa tulay na gawa sa malalaking lubid at kahoy..

"Oo bakit hindi?"..nakangisi niyang saad kaya napalunok akong napatingin ulit sa hanging bridge.. *gulp*..

"Wala bang ibang daan?"

"Wala na.."..tingnan ko pa lang ito ay nangangatog na ang aking mga tuhod.. panu pa kaya kung humakbang na ako diyan.. baka hindi na ako makagalawa sa sibrang kaba..

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon