Chapter 72: Memories Of You </3

179 5 0
                                    

DAME'S P.O.V

''Welcome Back Ms.Santiago..-".nakangiting bati sa'kin ng Adviser namin.. oo.,kakapasok ko lang ulit matapos ang nagyari.. salamat naman at binigyan ako ng pagkakataon ng school na makapasok ulit kahit ang dami kong absent.. pinakiusapan kasi ni Mama ang Admin at mga teachers namin na tanggapin ulit ako.. naintindihan naman nila.. pero hindi basta-basta akong nakabalik kasi binigyan ako ng mahahabang exam sa bawat subject na meron kami para daw makabawi ako sa mga missing lesson na hindi ko napasukan.. yun din ang batayan kung tatangapin ulit ako sa klase..dapat maipasa ko lahat ng subject and thanks God kasi naipasa ko naman lahat .. salamat din sa mga kaibigan ko na pinahiram ako ng mga notes at nereview din nila ako.. at meron din palang special outputs and projects na ibinigay sa'kin..grabe..  nakakatanga..wiw!

"Thank you po mam..-"..as i said bago ako nagtungo sa aking upuan na matagal nabakante..

Puro bati din ang naririnig ko sa mga kaklase ko.. masaya daw silang nakapasok na ako.. ako din naman eh masaya pero hindi buo.. tingnan mo nga naman may saya palang hindi kompleto... nakangiti ka nga sa kanila pero deep inside sobra kang malungkot at nasasaktan.. nakakabaliw lang ang ganitong sitwasyon..buti na lang at hindi pa ako natutuluyan.. kung nagkataon baka sa mental hospital na ang bagsak ko..

"Hoy Dame.. ba't parang ang lalim ata ng iniisip mo r'yan??".. nakalingon na tanong sa'kin ni Maine..

"Huh wala.. ito..hehe..-"..

"Goodmorning Mam..-"..napatingin naman ako sa unahan ng sabay na pumasok at bumati sina Drake at Kath.. napabaling ang tingin sa'kin ni Kath kaya nginitian ko siya.. ganun din naman siya.. nalaman ko ding ilang buwan din daw siyang hindi kinausap ng mga classmate namin dahil sa ginawa niya sa'kin.. muntikan na din itong maexpel pero nakiusap ang parents niya kina mama at sa Admin.. kaya binigyan na lang siya ng suspension ng dalawang linggo at NagC.S ng ilang araw para sa kanyang punishment.. nalaman ko din mula kina Loki na sa sobrang galit daw ni Mama  ay nasampal ito ng dalawang beses..

Hindi naman ako galit sa kanya.. napatawad ko na siya matagal na. .at saka nakausap ko na din siya sa hospital ng minsan siyang dumalaw sa'kin..ilang ulit siyang humingi ng patawad sa'kin..muntikan pa nga siyang lumuhod sa harapan ko.. pero hindi ko hinayaan yun..hindi ako Diyos para luhuran..

At hindi naman lingid sa aking kaalaman na nililigawan siya ni Drake.. Siya naman Talaga ang gusto ni Drake noong una palang.. nagkamisunderstanding lang ang lahat kaya nangyari yun.. pero kung hindi naman ako nahulog sa Balon.. hindi ko mararamdaman ang mainlove..hindi ko makikilala ang Prinsipe ko.. Blessing in disguised na din ang nangyari..ang kailangan ko na lang ngayon ay magmove on sa isang magandang panaginip..

"Hay,Hindi ko talaga maintindihan kong bakit nagkagusto si Drake sa babaeng bruhildang yan..-".. Kesha's murmured.. at saka siya napailing at napatampal sa noo..

"Ano ka ba.. wag ka na ngang masyadong bitter diyan kay Kath..-".. mahinang sabi ko sa kanya kasi palapit na si Drake sa'min baka marinig niya na pinag-uusapan namin si Kath..

"Tss..-"

"Goodmorning guize..-".. bati nito sa'min bago siya naupo sa tabi ko.. "ba't ang tamlay mo??masama ba pakiramdam mo??".. nag-aalala niyang tanong.

"Hindi..naninibago lang..hehe.."..pinilit kong ngumiti.. ginulo naman niya ang buhok ko saka piningot ang ilong ko..

"Eh anu ba..-"..

"Namiss ko lang gawin yun sa lil'sis ko..''..pagtawa niya ng mahina..

"Ewan sa'yo.. makinig ka na nga lang kay Mam.. ayokong mapalabas dito!kakapasok ko palang noh..hmpft!!" .. nakangisi niyang ginulo ulit ang buhok ko bago siya umayos ng upo at naghalungkat ng gamit sa kanyang bag..

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Where stories live. Discover now