Chapter 60: Guess Who??

108 3 0
                                    

SAMANTHA'S P.O.V

Isang minuto na lang ang natitira.. kaya ang mga nandito ay labis ng kinakabahan..

Magawa kaya ni Prince Kiel ang dapat niyang gawin??

Naalala ko pa ang kabilin-bilinan ni Lolo sa kanya.. dapat niyang mahanap kung saang bahagi ng bangungot napunta si Dame.. mahirap daw gawin yun dahil maraming dimensyon ang isang bangungot.. swertehan na lang daw kung mahanap mo ang isang nilalang ng ganun kadali... at sa tingin ko ay nahirapan ding hanapin ni Kiel si Dame.. Sana naman ay nahanap na niya ito!Sana..

"Tumigil ka nga sa pabalik-balik mo Green!!"..asar na singhal ni Arianne dito.. kanina pa kasi siyang hindi mapakali..sabagay ganun din naman kami pero hindi tulad niya na akala mo'y kiti-kiti!hindi mapirmi sa kanyang pwesto.. nakakalula na nga ehH!hindi ko lang pinapansin..

"Kinakabahan na kasi ako ehH.. -"..huminto ito at pinaglaruan ang mga daliri habang nakatutuk sa orasan.."-..tatlumpung segundo na lang ang nalalabi.. sinong hindi mapapakali sa lagay na 'to??panuh kung..panuh kung..-?"..hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin.

"Wag kang mag-isip ng ganyan Green.., malalagpasan nila ito.. makakabalik sila at magiging maayos ang lahat..-"..mungkahi ni Red sa kanya.. buti pa ang isang ito hindi negatibong mag-isip.."they'll be back for good.."

"Do you think kayang gawin ni Prince Kiel na iturok ang kanyang espada sa puso ni Dame..??"..out of the blueng tanong ni Blue.

"Sa tingin ko ay kakayanin niya.. hindi din naman niya totoong papatayin si Dame.. yun lang ang dapat na gawin.. yun lang ang huling paraan..-".. opinyon naman ni Sandra.. oo yun ang dapat gawin ni Prince Kiel.. dahil kapag ang nilalang na galing din sa Bangungot ni Dame ang makapatay sa kanya, siya'y tuluyang mamamatay at kung ang isang nilalang naman ang pumasok sa kanyang bangungot at inasinta ang kanyang puso.. siya'y siguradong makakabalik sa kanyang diwa.. wag lang silang abutin ng oras.. dun sila tiyak na makakaligtas sa bangungot ng kamatayan..

"Sampung segundo..-"..mahinang saad ni Sandra kaya sabay-sabay kaming napalingon sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ni Dame..

Inilipat ko ang tingin sa dalawang ito na parehong walang malay-tao..magkatabi sila sa kama ni Dame..
Mas pinili kasi namin na dito na lang sila ilipat sa silid na ito..

Prince Kiel??

Dame??

I know you can do it!

Napabaling ulit ako sa orasan.. dito na nagsimulang dumagundong ang dibdib ko.. napakagat na ako sa labi sa sobrang kaba.. natetense na din ako sa bawat pagpatak ng kamay ng orasan sa nalalabing segundo bago ang oras na itinakda.

5 seconds left..





4







3







2




Napapikit ako sa huling segundo....

"KIEL!!!!"..napamulat ako ng mata at napangiti ng biglang napabalingkwas sa higaan si Dame habang habol nito ang hininga at nakahawak pa sa tapat ng kanyang puso..

"Welcome back Dame..-"..bungad sa kanya ni arianne na halata sa mukha ang labis na tuwa..

Napansin ko namang nag-iba ang reaksyon nito.. halatang nagulat siyang makita kami na nakapalibot sa kanya..

"..eh?? Anong ginagawa niyo dito sa silid ko?"..pagtataka niya.. "hindi na ba ako nananaginip??". Bulong na tanong niya at idinako ang tingin sa kanyang dibdib.."whoah!!masamang panaginip..buti na lang at panaginip lang ang lahat ng yun..-"..bubulong-bulong niyang sabi sabay hingang-malalim.."at kayo anong ginagawa niyo dito??"..nakahalukipkip pa niyang pag-ulit ng tanong..

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu