Chapter 34: Night at the Terrace

191 4 0
                                    

KIEL'S P.O.V

Pumasok ako ng silid ni Dame para kausapin siya.. nakita ko naman siyang nakatayo sa may terrace habang nakatanaw sa kalangitan.. at nakaturo sa mga bituin na parang kino-connect ito sa isa't-isa..nag-i-stargazing siya..

"Can i joined you?".. sabi ko sa kanya at nilapitan ko siya ngunit lumayo siya sa'kin.. halata namang nagulat siya sa presensya ko..

"Uhm..anong ginagawa mo dito??..".. tanong niya sa'kin at nag-ala karate pose pa..ano na naman bang problema ng isang 'to at mukha na naman siyang timang.."gaganti ka noh??"..

-_-??? Ano bang pinagsasasabi ng babaeng ito??anong gaganti??may ginawa ba siya??bakit hindi ko alam..

"Tsss...problema mo??"

"..alam kong gagantihan mo ako... nagmamaang-maangan ka pa dyan!!"..humakbang ako palapit sa kanya at siya naman ay humakbang paatras.."wag mo kong lalapitan.. kakaratehin talaga kita..".. haixtz!hindi ko alam kong ano bang tinutukoy niya..nababaliw na ba siya??..

"I don't even understand what you're saying??what is't anyway??"..

Napahinto na siya sa paghakbang ng wala na siyang maatrasan pa,napasandal na kasi siya sa railings ng terrace.. napadungaw siya sa baba at napalunok ng dalawang beses at napabaling ulit ang paningin sa akin.. namilog naman ang mata niya sa sobrang lapit namin sa isa't-isa..

"He-y.. ano..ba-ng gi-ginagaw mo??"..mangkada-utal-utal niyang tanong sa'kin..hindi din nakaligtas sa aking paningin ang pamumula ng mukha niya..

Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at inihawak ko pa ang dalawang braso ko sa railings sa pagitan niya.. sa madaling salita.. nababakuran ko siya..

"..ano bang sinasabi mong gagantihan kita??hah??"..

"Ah..eh..ano..uhm..ka-kasi..yung uhm..ano.. yung tungkol sa sketch...-".. sketch!??? AhH!! Napahalf-smile naman ako ng marealized ko na kung ano ang tinutukoy niya.. tss.. yun lang naman pala!! So??iniisip pala niyang magagalit ako sa ginawa niya at gaganti?? Ang imaginasyon talaga ng isang 'to sagad sa buto..

"..yung sketch KO??na ginawa mong target??yun ba yun??".. pagdidiinan ko pa sa kanya.

"Ah.. eeh..hehe"..

"Pwede na bang paganti??".. naka-smirk kong tanong sa kanya at mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya..

"Huh??"..napapikit naman siya kaya naman pinitik ko siya bigla sa noo.."aray".. reklamo niya habang hinihimas ang noo niya..

Lumayo na ako at naupo sa isa sa upuang bakal na nakapwesto dito sa terrace.. naka-de-kwatro pa ako sa pag-upo..

"Ang sakit nun ahH!!"..singhal niya sa akin habang hawak pa din ang noo.."hmmpft!".. ngumuso pa talaga..

"Buti nga yan lang ang inabot mo ehH,.. grabe ka!ginawa mo lang target ang gwapo kong mukha."..

-_-??...ganyan po yung mukha niya matapos kung sabihin yun..

"Tss... yabang!!"

"Eh totoo naman!ano ang pagmamayabang dun??"

"Heh!!ang hangin mo dude!daig mo pa ang lobo.."..pag-irap niya sa'kin at naupo na din sa may harapan ko!! pero hindi talaga niya inaalis ang kamay sa kanyang noo.. "tss.."

"Patingin nga ako..".. tumayo ako at inabot ko ang kamay niya at hinila ito palayo sa noo niya.. tiningnan ko ito ng mabuti at napansin ko na namumula ang bahagi ng noo niya kung saan ko siya pinitik.. hinaplos ko ito ng dahan-dahan at bigla ko na lang itong hinalikan..

Natulala naman siya sa ginawa ko.. namilog ang mata niyang tiningnan ako.. kaya naman ng marealized ko ang kagaguhan kong ginawa ay agad kong nabitawan ang kamay niya at napabalik ng upo.. what did i've done??tss...

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon