Chapter Fifteen - Legs

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinuha niya ang first aid kit niya sa banyo at iniwan sa sala si James.

Nang bumalik siya, nakita niyang pinagmamasdan nito ang loob ng bahay niya.

Umupo siya sa sofa at akmang lilinisan na niya ang kanyang sugat nang kinuha ni James sa kanya ang bulak na may Hydrogen Peroxide.

"Let me help you."

"Ako na---"

"Ako na." putol nito sa kanyang sasabin.

"Nakakahiya naman sayo."

"Dapat ka nang masanay, Toni. A month or two, magiging mag-asawa na rin tayo."

Nabigla siya sa sinabi nito. "What? Anong a month or two?!" she said hysterically.

Ito na nga bang sinasabi niya. Na baka next year, kasalan na!

Tinapik nito ang binti niya. "Hey, don't move. Kita mong nililinisan pa e."

"Sorry. Pero James! Bakit ang bilis naman yata?"

"Doon rin lang naman ang patutunguhan natin, Toni. Tsaka pwede ba wag kang sumigaw?"

She sighed deeply at ipinikit ang mga mata. Silently counting para pakalmahin ang sarili. "James, noong Sabado mo pa iyan rason. I want to hear something new." kalmadong wika niya dito at tinignan ito na ngayo'y nilalagyan na ng Betadine ang sugat niya.

"I have no other reasons, Toni. 'Yon at 'yon lang."

"Hindi na natin kikilalanin ang isa't-isa? Ng mas mabuti? You see, masyadong mabilis ang lahat. Napakabilis."

"No need. Kapag kasal nalang tayo. Besides, matagal na tayong magkakilala at may ideya na tayo kung anong ugali ng isa't-isa. Aside from that, magpapa-annul rin lang tayo after a year kaya hindi na natin kailangan pang kilalanin ang isa't-isa....ng mas mabuti."

"Yeah, right." sarcastic niyang saad.

Nakakunot-noong tinignan siya nito. "Stop the sarcasm, Toni. Bakit ganyan ka makareact? May gusto ka ba sa akin?" Natapos na nitong linisan ang sugat niya.

Nanlaki ang mga mata niya. "What? Me? You? Come on, James!" tapos tumawa siya.

Siyampre hindi siya tanga para sabihin dito na may gusto sita dito. Hindi pa, hindi pa sa ngayon.

"Good. Tama ang naging desisyon kong ikaw ang pillin ko bilang maging pretend girlfriend."

"Pretend girlfriend na ngayo'y pretend fiance at magiging pretend wife mo na rin."

"Right. By the way, nandito ako para ibigay sa iyo iyan." turo nito sa isang box na nasa lamesa. She remembered na may dala nga ito kanina. Hindi lang niya napagtuunan ng pansin dahil sa paa niya.

Nilapitan niya ito upang buksan. Then there, she saw a gold dress na hanggang sa tuhod niya siguro. May kasama ring high heels.

"What are these for?"

"Isuot mo bukas ng gabi." simpleng saad nito.

"Hindi ka na sana nag-abala pa. Actually pupunta na rin ako mamaya sa mall para maghanap ng isusuot."

Ayaw na ayaw niya kasi na binibigyan siya lalo na at mukha itong mamahalin.

"Can't you just say 'thank you'?" supladong tanong nito.

She sighed. Napagpasyahan niyang hindi na ito patulan para hindi na sila magtalo pa. Kung ngayon palang nagtatalo na sila sa isang maliit na bagay, paano pa kaya kapag kasal na sila?

"Thank you, James." she said.

Tumango ito sa kanya. "You're welcome."

"Ay! Nakalimutan ko, kumain ka na ba?" Tanong niya dito. Ayaw naman niyang maakusahang hindi hospitable. Hindi na kasi niya ito natanong kanina kung anong gusto nito.

"Hindi pa. Ikaw?"

"Hindi pa rin. Wait, magluluto muna ako. Pasensya ka na at hindi pa ako nakapagluto. Napasarap kasi higa ko kanina. Relax ka muna diyan at ako'y magluluto na. Ano nga palang gusto mo habang naghihintay?"

"Just water, please."

"Okey." kumuha siya sa kusina ng tubig at binalikan ito sa sala.

"You have a nice house." puri nito habang iniikot ang paningin sa bahay niya.

"Thanks. Pundar ko sa pagtratrabaho ko sa inyo." she said proudly.

"I see." kinuha niyo sa kanya ang basong may lamang tubig. "But you've got a nicer legs." wika nito pagkatapos ay uminum.

Kahit hindi siya nakaharap sa salamin, alam niyang namula siya. Pulang-pula!

--------

Wag nyo muna akong ipakulam! Ito kasi naitype ko e. ewan ko ba

hahaha!

kaya bibitinin ko muna kayo sa Engagement Party! bwahahahahaa!

Bukas nalang. pramis. :D

Pero wag mag-eexpect ng mataas ha? mwehehehe..

--PV

PS:Bukas nalang iyong pic ng dress. tab lang ako ngayon e \m/

Goodnight!

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon