Book 2: Part 19

15.9K 649 188
                                    

Hi. May konting announcement lang, lol.

Marami pa kasing mangyayari so dadagdagan ko lang ng isang chapter haha. So technically hanggang 21 to. Wala kayong magagawa, ako author haha.

Sana subaybayan niyo pa rin to hanggang sa matapos!

Malapit na Malapit na promise.

At wala ng book 3. Tatapusin ko na to hehe. Salamat.

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

+++++++

"Kanina ka pa tahimik. Ayos ka lang ba loves?" Sabi ni Teejay.

Nasa kwarto kaming dalawa habang lahat sila nasa baba at nagluluto.

"Ahh, wala, may naiisip lang po"

"Ano naman yun? Share mo naman saken"

"Hehe wala lang. Naiisip ko lang siguro yung pagpropose mo kanina, nakakaasar to wala ka man lang paabiso!"

"Haha edi hindi na surprise yun!"

"Haha, oo nga. Nagustuhan mo ba yung regalo ko sayo??"

"Yung shoes? Sobra!!!!! Pero mas mag eenjoy ako kapag graduation sex yung bonus gift mo"

"Hahahha ma L ka talaga!"

"Haha ayaw mo ba??"

"Gusto lang kita kayakap dito" sabi ko. Nakaupo kasi kami sa kama tapos nakayakap ako sakanya.

"Hehe sige po!" Sabi naman niya.

Pero di parin mawala sa isip ko yung nakita kong singsing ni Ronnie. Ayun talaga yung singsing ko na nawawala. Di ako pwedeng magkamali.

Maya maya, tinawag na kami sa baba para kumain. Almost dinner na rin.

Ang daming handa sa ibaba, ready to eat na rin silang lahat. Ayoko namang sirain yung mood dahil sa iniisip ko kaya pinilit kong magfocus sa nangyayari.

Pagkatapos kumain, lumabas muna ako at tumayo. Ang dami ko kasing nakain, at the same time ang lalim ng iniisip ko.

"Hoy!" Kalabit saken.

"Kuya!!!" Niyakap kong mahigpit si Kuya Drew. Matagal kaming di nagkita kasi.

"Sorry kung di ako nakapunta nung NY, well, kailangan ko magtrabaho kasi. Alam mo na, nagpapayaman!"

"Nung pag uwi ko nga di mo ko nadalaw ehhh!" Sabi ko.

"Aba, ikaw ba dumalaw saken?"

"Wala ka naman sa Pilipinas!!"

"Hahahaha, well I'm here now, so tell me what's your problem?" Sabi niya.

"Huh???"

"Kilala na kita, kahit may New York degree ka na, hindi pa rin nagbabago yang mga mata mo. Alam ko kapag may problema ka, so sabihin mo na saken dali" sabi niya.

"Ahhhh.... wala kuya"

Tumingin siya sa paligid ng bahay namen.

"Alam mo, bilhin mo na yang kabilang lote, tambakan lang ng basura eh, gawin mong garden para nakakaupo tayong dalawa sa labas ano?"

"Ahaha, eh wala pa kaming pera eh hehe balak nga namen"

"Haha, maglabas ka nga ng upuan. Pati ng beer, meron naman siguro diyan diba?"

"Meron kuya hehe, sandali"

Pumasok ako para kumuha ng upuan at dalawang Tanduay Ice para samen.

Nakatambay kami sa labas ng gate.

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now