Part 53

18K 621 73
                                    

LAST 7 CHAPTERS HEHE.

GRABE YUNG MESSAGE AT COMMENTS NIYO SAKEN HUHU. NAKAKATABA NG PUSO, SANA BASAHIN NIYO PA RIN YUNG STORY KAHIT ANONG MANGYARI HIHI.

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

-++++++++

After ng ginawa ko, nakaramdam ako ng pagka guilty. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam na may ganun pala saken.

"Loves... kalma ka na" si Teejay yung habang nakahawak sa balikat ko.

Humarap ako sakanya para yakapin siya.

"Sumobra na ba ako???" Tanong ko

"Medyo pero di kita masisisi loves."

"Grabe, ang sama sama ko"

"No no, don't blame yourself. Isipin mo na lang na ayun yung bayad sa lahat ng ginawa nila sayo"

"Talaga?" Tinignan ko siya at kita ko sa mata niya na nag aalala siya.

"Opo, wag mo ng isipin yun loves." Niyakap niya lang ako ng mahigpit.

"Halika, may pupuntahan tayo" sabi niya pa.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Basta, kailangan natin to." Hinila niya lang ako at pinasakay sa motor.

Pumunta kami sa Quiapo Church.

"Ohhh bakit tayo nandito?" Tanong ko.

"Masyado ng mabigat nararamdaman mo. Baka kailangan mo lang kausapin Siya"

Napangiti naman ako sa kanya. Pumasok kaming dalawa. Lumuhod. At nagdasal.

Hinahanap ko Sakanya yung peace of mind. Humingi ako ng gabay sa mga gagawin ko. Pati na rin sameng dalawa ni Teejay. Di ko alam kung papakinggan Niya yung samen ni Teejay pero pinagdasal ko pa rin.

Tapos na akong magdasal pero si Teejay, taimtim paring nagdadasal. Umupo muna ako at hinintay ko siyang matapos.

Maya maya naupo na rin siya sa tabi ko.

"Okay ka na?" Tanong niya.

"Medyo gumaan nga pakiramdam ko hehe, salamat!"

"Hehe tara na?" Yaya niya saken.

"Tara po"

+++++

Isang linggo palang nakalipas, ramdam ko na yung malaking pagbabago sa buhay ko.

Di na ako ginugulo nila Cara at Kim. Natakot na siguro. Pag nakakasalubong ko sila, di na sila tumitingin saken. Parang di na kami magkakilala.

Nabalitaan kong palipat lipat ng bahay si tita. Si Kurt naman kung saan saan din daw nakikituloy, si Kim naman, kina Cara nakatira ngayon.

Medyo naawa ako sa sinapit nila.

Di pa rin kami okay ni Marco. Di muna kami nag usap at nagfocus sa finals exam namen. Maaga ang exam kapag graduating, marami kasing inaasikaso.

Pagkatapos na pagkatapos ng final exam, pumunta kami ni Teejay sa bar ko.

"Eto pala si boss oh!!!! Woooo. Malapit na siyang gumraduate!!" Si Kuya Kris yun!

"Hehe maraming salamat po!" Sabi ko.

"Hindi ka pumunta sa binyag ng anak ko boss Anjo ah."

"Hala, Anjo lang po, wag ng boss" sabi ko.

"Haha sorry. Oh, ano gusto niyong dalawa?" Tanong niya.

"Sisig Kuya!! Magpapakalasing kami ngayon!!" Sabi ko sakanya.

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now