Part 51

17.7K 629 150
                                    

Grabe sa (almost) 100 comments sa Chapter 50!!! Haha Maraming Salamat po!!!

Last 9 Chapters ni Anjo!!! Hihi. Marami pang mangyayari yan ang promise ko hehe, sana subaybayan niyo hanggang dulo!!!


Tapos VOTE AND COMMENTS DIN!!!!! HEHE SORRY LATE UPDATE :)

+++++

Hindi ko talaga alam kung ano ang irereact ko. Pero yung nararamdaman ko ngayon, gulat.

"You want me to point out everything you own?" Sabi ni Atty.

Umoo lang ako.

"Okay, so you have your house, the bar, yung bahay niyo sa Cebu, may farm kayo run. May bahay kayo rin kayo sa Sampaloc. Initially, your father left you with P20Million Pesos, but unfortunately, ubos na lahat ng pinaghirapan ng papa mo and I think, yung step mom mo may pakana nun"

Di ako makapaniwala sa sinabi saken. Pero mas di ako nakapaniwala na wala na yung pera ni papa! 20Million ng ganun ganun na lang?

"Ayon pa sa investigation namen, pinang sugal lang ng stepmom mo yung karamihan dun" sabi pa ni Atty.

"Pero, saken po ba nakapangalan lahat?" Ayun kaagad tanong ko.

"Nakapangalan sa papa mo, at kapag nag 21 ka na, nasasayo yun kung kukunin mo or hindi, but I hope na kunin mo cause it's all yours"

"Ofcourse kukunin ko po!" Sabi kong madiin.

Hinawakan ako ni Kuya Drew sa kamay. Napansin niya siguro na nanggigigil ako ngayon kaya pinakalma niya ako.

"Kuya, patawag naman si Teejay" sabi ko sakanya. Hinahabol ko kasi pag hinga ko, hindi ko alam kung bakit. Ngayon ko lang naramdaman to.

Mukhang kinontact niya si Jessica at maya maya pumasok si Teejay at lumapit saken.

Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak.

"Ano po nangyayari?" Tanong niya.

Umupo kami ni Teejay at pinaliwanag sa kanya ni Atty ang lahat. Nagulat din si Teejay.

"Well your reaction says it all, I'm gonna file against them. Medyo mahabang proseso to Anjo so stay with me okay? And soon, lahat ng yun mapapasayo na" sabi pa ni Atty.

"Maraming Salamat po" sabi ko.

Tumayo na siya at nakipagkamay sameng lahat.

"So, keep in touch okay? I'll go ahead" paalam ni Atty.

Paglabas ni Atty, madali uli akong niyakap ni Teejay at Kuya Drew.

"What a twisted turn of events!" Sabi ni Kuya Drew.

"Di ko alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako na nagagalit na ewan" sabi ko.

"Aba dapat lang na magalit ka Anjo!!! Iyo lahat yun, ikaw dapat ang pinagsisilbihan hindi yung ginawa ka nilang katulong!" Inis na sabi ni Kuya Drew.

"So dapat palayasin ko sila?"

"Aba kulang lang yun, itali mo muna sa poste tapos palibutan mo ng mga asong gutom na gutom na nangangain ng mga puta!" Gigil na gigil si Kuya Drew. Natatawa na lang kami ni Teejay.

"Pero, alam ko mabait ka at korny, siguradong maaawa ka sakanila. Pero sana palayasin mo Anjo, tinanggalan ka nila ng karapatan para mabuhay ng normal." Sabi uli ni Kuya.

Di ko alam kung anong gagawin ko sa ngayon basta ang alam ko, babawiin ko lahat ng akin.

++++++

Nasa kwarto kami ngayong dalawang ni Teejay.

A Gay Cinderella Twisted StoryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin