Part 39

19.5K 622 100
                                    

Masyadong maraming bayarin sa mga susunod na linggo kaya kinailangan ko na naman magpapagod sa bar.

Halos 2 weeks na rin akong walang naririnig kay Drew. Medyo nakakamiss din pagka bossy niya.

Pagkauwi ko sa bahay galing trabaho, tumambad na naman saken yung napaka duming bahay namen. back to normal na talaga lahat. Mula sa hugasin, hanggang sa kalat sa sala.

Pagkatapos kong linisin lahat, umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga. Ramdam na ramdam ko pagod ko, pero eto ang perfect time para magcheck ng fb ko.

Wow!!! 3000 friend requests at sandamakmak na messages at notifications.

Eto pala yung mangyayari kapag alam ng buong school na boyfriend mo ang isang Teejay. Di ko na tinignan lahat at nagcheck na lang ako ng timeline.

May pumukaw sa paningin ko na picture namen ni Teejay. Page sa facebook kung saan ang pangalan ay "Anjo and Teejay Love Story", chineck ko at may 345 na naka like! Grabe! Puro picture namen ni Teejay dun. Mga stolen shots!

Grabe! Hanggang social media! Akala ko hanggang sa school lang.

Habang busy ako sa pagchecheck, narinig kong may kumakatok sa pinto, pinagbuksan ko naman siya.

Si Kurt!

Asusual, naka boxer siya ngayon pero naka T Shirt na siya.

"Uyy hi" bati ko sakanya.

Di naman siya nagsalita pero naglakad siya papasok sa kwarto ko at dumiretso sa kama.

"Ahh matutulog na kasi ako Kurt." Sabi ko.

"Talaga? Hmmm edi tara, tabi tayo rito" bigla siyang humiga at niyayaya niya ako. Mukha namang nakainom si Kurt dahil sa inaasta niya.

"Oh bakit ayaw mo? Sabagay, kayo na nga pala ni Teejay. Pero dati, isang kalabit ko lang sayo papayag ka na makipagsex saken"

Di ko alam pero nainis ako sa sinabi niya. Lumapit ako sakanya at hinatak patayo.

"Matutulog na ako Kurt"

"Hindi Anjo, dito ka muna!" Mas malakas siya. Nahila niya ako papatong sakanya at niyakap niya ako. Amoy alak nga siya, mukhang marami ring nainom.

"Anjo dito ka lang, wala na akong ibang malapitan ehhh" niyakap niya ako na parang normal lang. Pero pilit kong kumakawala, masyado lang siyang malakas kaya di ko magawa.

"Kurt please, ayokong mag away kami ni Teejay dahil dito. Kakausapin kita pero hindi sa ganitong posisyon"

"Buti pa si Teejay. Ang swerte swerte ni Teejay. Si Teejay na palaging nakukuha lahat ng gusto niya, simula sa pagmomodelo, hanggang sa masayang pamilya, pati sa lovelife siya na! Siya na talaga!!" Bigla niya akong tinulak sa kama at bumangon siya.

Nanatili akong nakahiga habang pinapanuod ko siyang halos umiyak na.

"Ang daya mo kasi Anjo eh, bago ka umalis akala ko okay tayo. Diba nag sex pa tayo! Akala ko naman tagos sa puso yung sex natin, hindi pala! Ayun lang pala talaga habol mo saken!!"

"Kurt ano ba!! Bakit ba ganyan ka magsalita?"

"Ehhh tangna naman kasi Anjo! Bakit si Teejay pa? Bakit hindi ako ha!!" Bigla siyang lumapit saken na at hinawakan ako sa polo ko. Sinandal niya ako sa pader habang gigil na nakahawak saken.

"Mahal kita Anjo eh!" Sabi niya saken ng harapan. Napapansin ko ng umiiyak si Kurt. Sinapak niya yung pader habang umiiyak sa dibdib ko.

"Umalis lang ako Anjo, sabi ko hintayin mo ko. Wala na pala akong babalikan"

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now