Book 2:Part 14

17.7K 599 109
                                    

PaFollow naman sa IG haha : iamnipo
twitter: itsnipo

Thankieeee :))))

Bilang author, may times talaga na punong puno ka ng inspirasyon pero meron din na walang pumapasok. Sorry ha? Ayoko kasing pilitin magdraft pag wala talaga ako sa mood.

Nakakastress din kasi sa school ehh. Sorry.

So last 6 Chapters. Ready na ba kayo?!!!

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!

+++++++


Napakasaya ng kwentuhan nameng lima nun na inabot hanggang madaling araw.

Di naman nakakalasing ininom namen, tamang light beer lang.

"Have fun you two!!" Sabi ni Jane nung palabas na siya kwarto.

"Haha, thank you so much guys!" Sabi ko.

"Haha para sa'yo Anjo" sabi naman ni Jake.

"Happy Anniversary guys! Enjoy the rest of your night if you know what I mean" sabi ni Jane.

"Haha silly you, okay okay. Bye!!" Sabi ko.

"Diba dito kwarto ni Nikko at Jake? Bakit hindi sila dito natutulog?" Tanong ni Teejay.

"Si Jake, kasama yung parents niya, tumakas nga lang daw diba. Si Nikko naman di naman kalayuan bahay nila so, okay lang."

"Hehe, okay na rin yun. It's time!!!" Sabi niya.

"Saan naman??"

"Anniversary sex!"

"Haha baliw ka"

"Dali na, I know you're not yet tired. Kaya nga konti lang ininom ko para ngayon."

"Haha, oo na, magshoshower lang ako" sabi ko.

"Hurry, maghihintay ako sa iyong pagbabalik" sabi niya. Nakakatawa talaga si Teejay kapag ganito siya, playful masyado.

Dumiretso ako ng CR at kinuskos lahat ng parte ng katawan ko. Naalala ko, a year ago ganun din ginawa ko.

Paglabas ko naman sa kwarto nakita ko si Teejay na may kausap na naman sa phone, nakaharap siya sa pinto.

"Sino yan???" Sabi ko.

"Bilisan mo" sabi ni Teejay sabay baba ng phone.

"Si Jomar na naman ba yun?!!!"

Ngumiti lang siya.

"Bakit ba kayo nag uusap niyan! Nakakainis ka naman ehh!!" Dumiretso ako sa kama ko at humiga.

Di naman siya sumagot at nanatiling nakatayo sa may pinto.

Maya maya, may kumatok at pinagbuksan ni Teejay.

"Sorry pre, haha ayan na" may inabot si Jake na paper bag.

"Salamat!" Sabi ni Teejay.

Umalis kaagad si Jake tapos dumiretso ng banyo si Teejay.

Sa inis ko sakanya, nataklob ako ng kumot at tumingin sa phone ko.

Di nagtagal, narinig ko ng bumukas yung pinto ng CR pero di ko tinanggal yung kumot ko.

Nararamdaman kong paakyat siya sa kama.

Hinawakan niya yung kumot at tinanggal yung pagkakatalukob ko.

Nagulat ako ng makita ko siyang nakasuot ng superman na costume.

May pulang kapa pa, kaso imbis na blue yung brief, kulay white yung kanya.

"Bakit nakasuot ka ng ganyan?!!"

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now