Part 46

20K 652 75
                                    

GRABE YUNG 7.11K NA VOTES. SALAMAT :))) SORRY FIRST TIME EH HEHE

++++

Punong puno ng seminars at events tong tour namen. No choice naman kasi kailangan namen umatted, may attendance kasi.

Halos matapos yung araw namen sa maghapong seminar. Nakakaburyo.

Pero dahil kay Teejay, naging masaya lahat.

"Swimming tayo mamaya!" Yaya ni Marco samen. Hindi pa tapos yung seminar pero kating kati na rin siya umalis.

"Haha oo. Nakita niyo na ba yung pool? Jusko napakalaki!" Sabi naman ni David.

"Di pa namen nakikita ehhh" sabi ko.

"Ehhh paano, palagi kayong nasa kwarto, kung ano ano ginagawa niyo! Haha" asar ni Marco.

"Haha baliw. Behave kaya ako" sabi ko.

"Haha behave pa pala yung kaninang umaga ah" singit naman ni Teejay. Pag gising ba naman kasi namen, nagsuot na naman si Teejay nung costume kagabi tapos nagyaya.

"Haha nakakaasar ka" sabi ko.

"Ewan ko sainyo. Basta kami behave!" Sabi ni Marco.

"Wag ako BB! Haha"

Buti na lang sa likod kami pumwesto kaya nakakapagdaldalan kaming apat.

Pagkatapos ng seminars, hawak na daw namen yung oras at pwede na namen gawin lahat ng gusto nameng gawin.

Paglabas namen ng seminar room, napakaganda ng panahon. Hindi masyadong mainit at syempre yung preskong hangin ng probinsiya talaga yung nagdadala ng magandang ambiance! Sobrang refreshing.

So pumunta kami ni Teejay sa pool. Nakasuot ako ng shorts at TShirt. Ganun din si Teejay. Magka holding hands kaming dalawa, di naman na bago sa mga classmate ko na kami na ni Teejay.

Pagdating namen sa pool, strictly no swimming attire, no swimming.

"Awww. Nakakainis naman, bakit bawal!" Sabi ko.

"Wala ka bang trunks loves?" Tanong niya.

"Meron sa bag kaso di ko sinuot"

"Hala, ako suot ko ngayon ehh" sabi niya.

"Hala daya haha. Sige di ko rin feel mag trunks eh. Sa gilid na lang ako" sabi ko.

Pagkalapit namen sa pool, jusko. Napakalaki! As in malaki! Siguro yung haba niya nasa 50 meters tapos yung lapad mga 10meters. Malaki talaga! Ang linis pa ng tubig.

May provided din na higaan sa gilid ng pool, yung pang sun bathing. Since hapon na, hindi na gaanong mainit sa balat yung sikat ng araw.

Andun yung iba kong kaklase at kabatch na nagsswimming.

Napansin din namen si Marco at David na nagsswimming na.

"Sure ka loves? Init na init na ako gusto ko na magswimming ehh" sabi ni Teejay.

"Opo. Higa na lang ako dito. Ang sarap sa pakiramdam ng panahon eh" sabi ko.

"Hehe sige loves" sabi niya.

Pagkahiga ko saka naman naghubad si Teejay ng damit. Feeling ko bumagal yung takbo ng oras habang naghuhubad siya. Ang ganda ng katawan ni Teejay, ang laki ng dibdin tapos yung tyan niya flat na may abs. Yung pwet pa niya ang tambok tambok.

Sabay naghubad siya ng shorts, mas lalo akong nag init. Grabe, ang hot talaga ni Teejay.

Tumingin siya saken sabay kindat at tumalon sa pool. Nagswimming siya at papunta sa kabilang side tapos bumalik.

A Gay Cinderella Twisted StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon