Part 8

27K 746 104
                                    


Sinabihan ako ni Teejay ng cute. Pero parang wala lang sakanya, paulit ulit pa rin niyang jinojoke yung Anjowings of love saken.

Natahimik lang kami nung nag quiz na kami. Medyo strict yung prof kaya mahirap makakopya. Di ako makapagfocus, buti na lang alam ko lahat ng sagot kaya sinagutan ko lahat at pinasa ko na. Lumabas na ako ng room at tumambay sa labas.

Kinikilig pa rin ako sa sinabi ni Teejay. Nakangiti ako paglabas ng room at inaalala ko yung itsura niya habang sinabi niyang cute ako. Parang mamamatay ako sa kilig.

Maya maya pa, lumabas na rin yung iba kong mga kaklase, kasama na si Teejay.

"Ang bilis mo naman natapos, haha. Di mo ko pinakopya." Parang napakacasual lang niya, parang di siya aware na eto ako nababaliw sa sinabi niya pero siya wala lang.

"Hehe, kaya mo naman yan eh. Ikaw pa, minsan nga ikaw pa highest sa mga exams" sabi ko naman. Di pa rin ako mapakali sakanya. Ang gwapo niya kasi.

"Sus, chamba lang lahat yun hehe."

Lumabas na rin ng room si Marco. Kasama yung mga tropa ni Teejay.

"Sige na Anjo, alis na kami ha? Hehe. Text mo ko ah?" Bulong niya saken at sumama na siya kina David at Rick. Napapansin kong medyo nakikipagbiruan na rin siya sa mga tropa niya.

"Ahh ehhh sige sige" sagot ko na lang.

Lumapit saken si Marco.

"May pag bulong BB?"tanong niya saken.

"Ehh, siya kasi ehhhh"

"Nako BB, mukhang bumibigay na sayo si Teejay ahh?"

"Di ko pa nga sure kung siya talaga yung nasa grindr eh. Mamaya, nagkataon lang na nandun siya. Ayokong umasa, masakit. Hahaa"

"Landi mo BB haha!" At umalis na kaming dalawa ni Marco.

Pagkatapos ng last subject namen, pumunta na muna ako sa library para matulog.

.

.

.

.

.

Sumilip ako sa baba at tinignan ko kung ready na yung mga handa ko. 8th Birthday ko kasi ngayon, siguradong maraming handa sa baba, naririnig ko kasi yung mga malalakas na bulungan nila kasi iniiwasan nilang magising ako.

Nakita ko si papa na nag aayos ng mga regalo. Grabe, sobrang dami. Nagtatago lang ako sa taas at tuwang tuwa ako sa mga nakikita ko.

Napansin ko namang paakyat si papa kaya dali dali akong bumalik sa kwarto ko at nagkunwaring tulog.

Narinig kong bumukas yung pinto ng dahan dahan at nasilip kong papalapit si papa saken sa kama.

"Anjo anak, gising na."

Dahan dahan kong binukas yung mga mata ko.

"Happy Birthday anak!" Bati saken ni papa at bumangon ako at niyakap ko siya.

"Salamat papa!"

"Bangon na't maligo. Ready na yung mga handa sa baba!" Sabi pa ni dad.

Excited lang naman ako magbukas ng mga regalo pero hindi ako excited sa party. Wala naman kasing batang bisita, puro kamag anak lang namen na matatanda. Nakakatamad. Minsan, mas gusto ko na lang din maging mahirap pala nakakapaglaro ako sa labas eh.

"Sige papa" sagot ko na lang at bumaba na siya uli. Bumangon naman ako para mag asikaso na rin.

Pagkatapos ko maligo, sinuot ko yung bago kong damit na binili namen ni papa sa mall. Napatingin tuloy ako sa picture ni mama sa table, bata pa lang daw ako namatay na si mama. Di ko siya nakita man lang kaya di ko alam yung feeling ng may nanay.

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now