Part 23

24.4K 667 92
                                    


"BB, kailan niyo pinrepare to??" Tanong ko kay Marco. Naguusap si Teejay at David sa malayo.

"Edi binayaran namen to haha. Wag mo ng isipin yun hehe" sabi pa ni Marco

"Grabe BB, sobrang nakaka touch."

Natuwa si Marco sa sinabi ko kaya niyakap niya ako ng mahigpit.

"BB, malapit ka na mag 20. Siguro naman naenjoy mo na yung buhay single, try mo magseryoso na. Ang sarap sa feeling talaga" mukha sa kwento ni Marco, sobrang saya niya sa piling ni David.

"Natatakot lang ako masaktan" sabi ko sakanya.

"Eh paano mo mararanasan yung masasayang pangyayari kung palagi kang matatakot. Tsaka isa pa, paminsan minsan hindi puro sarap para naman maranasan mo yung totoong buhay" sabi niya pa.

"Kailan ka pa naging ganyan? Parang ang laki ng pinagbago mo" sabi ko.

"Syempre inlove haha. Masarap BB, kahit minsan may tampuhan, feeling mo palagi siyang nandiyan para bantayan ka. Parang ganun"

Kung titignan ko si Marco ngayon, napakalaki ng pinagbago niya. Pero in a good way. Siguro masarap nga mainlove.

"Babyloves, tara na. May pupuntahan pa raw sila" tawag ni David kay Marco.

"Saan pa kayo pupunta BB?" tanong ni Marco.

"Hala di ko alam,"

"Anjo tara na, hahatid na kita pauwi" sabi ni Teejay.

"Akala ko aalis pa kayo eh hehe sige na BB, mag ingat kayo pauwi" niyakap ako ng mahigpit ni Anjo "BB yung sinabi ko sayo ha? Seryoso na. Wag ng maglaro, matanda ka na hehe"

"Opo" sabi ko sakanya.

.

.

.

.

"Salamat sa masayang araw Anjo, sa susunod uli" sabi ni Teejay pagdating sa bahay namen.

"Salamat din Teejay" nakangiti kong sabi. Umalis na siya at pumasok na ako sa loob.

Nakita ko naman si tita na nanunuod sa sala. Pinatay niya yung TV agad nung nakita ako, tumayo siya at lumapit saken. Natakot ako sa inaasal ni tita.

"Anjo totoo bang kinuha ka ni Sir Drew sa opisina niya?" Tanong ni tita.

"Ahhh ehhh..."

"Wag ka magsinungaling" kalmado lang si tita.

"Opo" sabi ko.

Huminga siya ng malalim at mukhang naiinis.

"Umakyat ka na Anjo, baka kung ano pa magawa ko sayo" sabi niya pa. Fvck, ano ba ginawa ko. Dali dali na akong umakyat at dumiretso sa kwarto ko.

Nahiga agad ako sa kama ko. Di ko na lang inisip yung sinabi ni tita sa baba, inisip ko na lang yung ginawa para saken ni Teejay. Kinikilig pa rin ako, first time may gumawa saken ng ganun, ang sarap pala sa pakiramdam.

Nagupdate kaagad ako ng status ko sa facebook.

"Super happy :))))"

Nagscroll pa ako bago ko pinatay yung data at nagshower.

Pagkabalik ko sa kwarto ko, nandun si Kurt sa kwarto ko. Nakaupo sa kama at nagtetext. Nakatapis lang ako ng tuwalya sa pangibaba.

"Woot. Woot. Ang sexy naman ni Anjo" sabi ni Kurt saken, nakatitig siya ng malagkit saken.

"Hala, bakit ka nandito" tanong ko.

"Bakit? Ayaw mo ba???"

"Ehhh magbibihis pa ako"

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now