Part 30

22.3K 597 115
                                    

++++

Nag suot ako ng damit normal kong sinusuot. Yung malaki kong Tshirt na white at nagshort lang ako.

Si Teejay naman, simpleng white T Shirt lang at shorts.

"Hindi ka nilalamig?" Tanong ko sakanya.

"Mainit sa baba sigurado, nakabukas yung heater" sabi niya.

"Ahhhh, so di na akk magjajacket" tanong ko.

"Wag na, okay na yan hehe"

"Di ba ako mukhang korny?" Tanong ko.

"Hala, anong korny, ang cute cute mo nga sa suot mo ehh hehe" di man lang pinaramdam saken ni Teejay na ang baduy baduy ko. Palagi siyang supportive. Di ko maiwasang hindi mapangiti sakanya.

"Ohh nakangiti ka na naman. Tara na Anjowings mylove, sigurado akong hinihintay na tayo sa baba" sabi niya pa.

"Hehe sige"

Sabay kaming lumabas at bumaba. Totoo nga, medyo mainit sa baba hindi katulad sa may kwarto ni Teejay na sobrang lamig.

Dumiretso kami sa may sala kung saan nandun nga silang lahat at nag aalmusal na. Alas otso na ng umaga at gusing na silang lahat.

Napahawak ako kay Teejay sa braso.

"Wag ka kabahan ano ka ba hehe."

"Hehe sorry" bigla akong bumitaw sakanya. Saka naman niya ako inakbayan papunta sakanila. Dahil sa akbay ni Teejay, nawala ng kaunti kaba ko.

Nakita ko nga silang lahat sa lamesa. Apat sila dun at nagkekwentuhan. Huminga ako ng malalim at lumapit kami sakanila.

"Gising na rin sa wakas!" Sabi nung isang babae. Maganda at medyo morena siya. Mukhang hanggang balikat ko lang siya at dahil mas matangkad si Teejay baka hanggang dibdib niyablang to. Matangos ilong niya, mapula rin yung labi at mapungay din mga mata. Kamukha siya ng Kuya Treb niya.

"Hi Ate Karen" tinanggal ni Teejay pagkakaakbay saken at niyakap niya to.

"Sorry antok na ako kagabi di ko na kinaya ehhh." Sabi ni ate.

"Okay lang po"

"And you must be Anjo!" Sabi niya saken. Nagulat naman ako ng niyakap niya rin ako. Ang bango bango niya rin.

"Hehe. Hello po" bati ko sakanya.

"Ang galang mo naman hehe tara kumain na tayo" sabi niya saken.

Umupo na kami at sumama sa pagaalmusal. Nakaupo dulo siguro yung papa ni Teejay, matangkad to at Medyo mestiso, siguro sa kanya nagmana si Teejay ng kulay. Kamukhang kamukha siya ni Kuya Treb.

Sa gilid naman niya siguro yung mama ni Teejay. Maganda siya at mukhang mabait. Kamukha naman siya ni Ate Karen.

May isa namang lalaki rin na nakaupo kaso di ko alam kung sino.

"Hi po sainyo" bati ko sakanila. Ngumiti lang silang lahat saken. Medyo kinakabahan naman ako buti nalang nagsalita yung mama ni Teejay.

"Julio, ipakilala mo naman samen" sabi ng mama niya.

Natatawa ako. Julio pala tawag kay Teejay dito.

"Ahh ofcourse, ma, pa, Ate Karen, Kuya Drei, si Anjo po" pakilala niya saken.

At ngayon di lang ngiti yung binigay nila, tumayo pa yung mama ni Teejay at niyakap ako. Wow, ang sarap sa pakiramdam ng may mama. Ang sarap ng yakap niya. Ramdam na ramdam ko.

"Nice to meet you finally" sabi pa ng mama niya saken.

"Hehe kayo rin po" sabi ko nalang.

Umupo na uli siya at inabot naman ng papa niya yung kamay niya at nakipagkamay ako.

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now