Part 19

26.1K 692 127
                                    

++++++++++++++++++++++++++++++++

Kanina pa nagtatalo si Teejay at Kurt habang naglalakad kami papuntang school. Di na ako makasingit at pinagtatalunan nila lahat ng bagay. Makakita lang ng pusa, sasabihin pa yung different traits. Basta, di sila magkasundo.

Nakatingin lang ako ng diretso hanggang sa makarating kami sa school.

"Sige na Anjo. Mamaya ha? Samahan kita" sabi ni Kurt.

Ngumiti lang ako sakanya at umalis na siya.

"Saan ka pupunta Anjo?" Tanong ni Teejay saken.

"May inuutos lang si tita saken" sabi ko naman.

"Hmmm. Pwede ako na lang sumama sayo mamaya? Tutal parehas naman tayo sched."

"Ang gulo niyong dalawa!! Ako na lang mag isa para walang away" medyo naiinis na ako.

"Uyy sorry na Anjo." Sabi ni Teejay.

Kinalma ko sarili ko.

"Sorry din" sabi ko.

Bigla naman ngumiti si Teejay at talagang sobrang gwapo niya, naginat inat siya ng katawan niya habang naglalakad kami at bigla siyang umakbay saken.

"Salamat, Solo ko na Anjowings of love ko" sabi niya. Di naman ako makatingin sakanya pero ang alam ko, kinikilig ako.

"BB!!" Sigaw ni Marco sa likod, lumingon kami ni Teejay, magkasama silang dalawa ni David. Huminto kami ni Teejay at inantay namen sila.

"Ano ba? Kayo na bang dalawa?" Biglang tanong ni Marco.

"Hala siya, hindi ahhh" sabi ko.

"Hindi pa." Singit naman ni Teejay at nag apiran sila ni David.

"Ehh eto ngang si Marco ayaw pa ako sagutin eh, pabebe pa" si David yun.

"Akala ko kayo na? May endearment na kayong baby diba"

"Haha, ang sweet kasi tsaka nakakakilig ehh." Sabi naman ni Marco.

Tumingin naman si Teejay saken at mukhang naiinggit.

"Gusto ko rin ng endearment Anjowings." Sabi ni Teejay saken.

"Haha Anjo, ang tawag sayo niyan ni Teejay mahalko, nako kahit dati pa." Sabi ni David. Natuwa na naman ako sa sinabi niya. Tumingin ako kay Teejay at mukhang napahiya pero sabi ko sakanyang "ang cute nga eh"

Napalitan naman yung expression niya at sumaya siya.

"Mahal ko" sabi ni Teejay.

"Haha bahala ka diyan" sabi ko. Naglakad na uli kami papunta sa room.

.

.

.

.

"Ang seryoso mo naman Anjowings" bulong saken ni Teejay habang naglelecture si mam.

"Ganun talaga, mag eexam na eh" sabi ko.

"Sus, madali lang naman yan. Ikaw pa ba"

"Ewan ko sayo"

"Suplado naman ni Anjo, may bago kasi akong joke"

Humarap ako sakanya at nagpapacute siya. Nakangiti saken at mukhang excited sa sasabihin.

"Sige, parinig nga ako" sabi ko.

"Knock knock"

"Who's there?"

"Anjo"

"Anjo who?"

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now