Part 43

18.4K 705 148
                                    

++++

Sa sobrang excited namen ni Teejay sa tour, tuesday pa lang nag grocery na kami ng mga kailangan namen.

Grabe, 8000 binigay saken ni Drew. Sinabi ko kay Teejay yun kahit siya nagulat.

"Baka may gusto sayo yun cutie" sabi niya.

"Hala hindi. Diba nga sila ni Dom" sabi ko.

"Hmmm. Malay mo naman palihim lang"

"Wala nga loves, tsaka ilang taon na yun. Parang kuya ko na lang siya" sabi ko na lang. Umoo na lang siya.

Tuwang tuwa talaga ako kapag mag ggrocery kaming dalawa. Palagi kasi akong may hawak sa cart tapos nasa likod ko siya na nakayakap saken.

Minsan, bigla niya akong hahalikan sa pisngi ko.

Si Teejay yung tipo na sobrang sweet sa gawa. Hindi lang siya palaging nagsasabi ng I love you at hindi rin palaging humahalik sa labi, pero kung effort at kasweetan, si Teejay lang talaga.

Habang naghaharutan, lumayo uli si Teejay at nay kinausap sa phone. Tinignan ko lang siya ng masama habang nakatakip yung bibig niya ng kamay niya.

"Tara na" sabi niya pagbalik saken.

"Sino ba kasi kausap mo palagi??? Nakakainis na!" Sabi ko.

"Wala, si David lang yun loves" sabi niya.

"Nako kapag may kinakausap ka ng iba, sinasabi ko sayo ah"

"Haha nakikita mo ba sarili mo ngayon loves? Ang cute cute mo hehe. Wala na akong hahanapin pa no." Sabay yakap uli saken. Sanay na akong pinagtitinginan kaming dalawa at palagi sakeng sinasabi ni Teejay na wag ako mahiya.

Palagi kaming hati ni Teejay sa bayaran. Ayoko rin kasing pumapayag na palaging siya nagbabayad. Nanghihingi lang din naman siya ng pera.

"Pero hindi ako papayag na ikaw ang magbubuhat. Ako na magbubuhat lahat ng yan" sabi niya sabay kuha ng mga pinamili namen.

"Ehhh paano yun gusto ko nakaakbay ka saken" sabi ko. Ngumiti naman siya bigla na parang kinilig.

"oh bakit ganyan ka makatingin!" Sabi ko.

"Kung alam mo lang kung gaano mo ko pinapakilig. Edi aakbayan kita." Nilagay niya sa kaliwang kamay lahat ng pinamili namen tapos inakbayan niya ako.

"Tutulungan na kita riyan, akin na yung iba." Pilit kong kinuha yung iba. Inabot naman niya kasi mabigat yun.

Nakaakbay siya habang naglalakad kami. Sobra talagang kilig ko kapag si Teejay kasama ko.

Napadaan naman kami sa bilihan ng singsing at tumingin tingin. Grabe ang gaganda, napukaw ng atensyon ko yung isa na couple ring. Ang ganda ganda talaga, balak ko sana bilhin kaso ang mahal! Kaya umalis na lang kami ni Teejay.

++

Nasa dorm kami ni Teejay ngayon, dun namen nilagay lahat ng pinamili namen.

Ngayon na lang ako uli nakapunta rito sakanila, namiss ko tuloy yung unang beses na nandito ako.

Nagshoshower si Teejay at naiwan yung cellphone niya sa kama. Tinignan ko kung sino kausap niya palagi.

Nakita ko ngang si David. Kaso may isang unknown number na nagtetext sakanya.

"Kailan mo kukunin?"
"Uy teejay"

May reply siya!

"Uy?"

"Ano tuloy paba?" Sabi sakanya.

"Oo tuloy, kita tayo sa wednesday" reply niya.

"Sige text mo na lang ako"

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now