Part 2

34.4K 839 56
                                    

My Twisted Life 2

Pagkatapos ng shift ko sa trabaho, nag open ulit ako sa omegle at tinype ko yung "ohyeahsigepa" sa interest at naconnect agad ako kay Spiderman.

"Hi Superman. Busy ka ba?" Tanong niya saken.

"Uhm, hindi naman, nag aaral lang. Bakit?"

"Pwede ba kitang tawagan?" Sabi niya.

"Huh? Wala naman tawag dito sa omegle"

"Hmmm, we chat? Dali na. 3 months na tayong nag chachat. Gusto naman kitang makausap" sabi naman niya.

"Hala, nakakahiya"

"Sige na, para naman may idea ako kung ano boses mo" sabi pa niya.

Pumayag naman ako at nagdownload ako ng we chat. Ang username ko is Superman111 at yung username niya ay spiderman111.

Pagkainstall ko, sinabihan ko siya at tumawag na siya. Sinagot ko naman kaagad. Di muna ako nagsalita,

"Superman?" Sagot niya. Fvck, ang hot ng boses niya. Kinakabahan tuloy ako.

"Spiderman?" Sagot ko naman sakanya.

"Wow nice nice! Ang cute ng boses mo" sabi niya pa. Hindi naman kasi malaki boses ko pero hindi naman maliit. Pero yung kanya medyo husky at pang hunk talaga.

"Ahh hehe. Oh bakit gusto mo naman tumawag?" Sabi ko sakanya.

"Wala lang, ang hirap lang kasi mag chat minsan, nakakatamad mag type. Okay na to magsasalita lang ako hehe" fvck talaga. Ang hot ng boses niya.

"Ahhh ganun ba, may problema ka ba spiderman?"

"Haha ang cute pag binabanggit yung spiderman. Parang ka chat lang hehe"

"Haha ang sarap.. este ang cute ng boses mo hehe"

"Ang sarap ng boses ko? Haha. Ikaw superman ah. May binabalak ka saken ah haha" biro pa niya.

Tama nga ako sa ugali niya. Medyo palabiro at bubbly. Ewan ko pero kinikilig ako.

"Haha baliw ka talaga."

"Haha sorry superman, may problema lang kasi ako" sabi naman niya.

"Ohh ano naman yun?"

"Hmmm, wala kasi alam mo naman diba na gusto ko pumunta sa States at dun magtrabaho kaso ayaw pumayag ni mama. Gusto niya dito ako, ayan nagkasagutan tuloy kaming dalawa" sabi niya pa.

Wala akong idea kung ilang taon na siya, ilan silang magkakapatid pero ang alam ko may kapatid siya, di ko lang alam kung ilan.

"Ehhh diba sabi ko naman sayo, kung ano gusto mo, ayun sundin mo? Maiintindihan ka rin ng mama mo"

"Kaya nga, nakakalungkot lang na malapit na ako gumraduate tapos ganun pa"

"Ahh so graduating ka na?" Tanong ko sakanya.

"Ayy ang daya ni superman. Nalaman mo tuloy. Tsk tsk." Sabi niya.

Oo nga, eto lang yung kauna unahang bagay na inamin niya.

"Ahhh nice so parehas pala tayo. Ayan ha? Alam mo na rin na graduating ako" sabi ko naman.

"Ay talaga? Akala ko nga 45 kana eh hahahaha"

"Ay ang sama"

"Haha joke lang superman, magka edad pala tayo no?"

"Haha hindi mo ko mahuhuli. Bawal magbigay ng info diba?" Sabi ko naman sakanya.

"Haha dali na, exchange info na tayo. Sa susunod naman siguradong magkikita tayo diba?" Sabi naman niya.

"Hmmm promise totoo lahat ng sasabihin mo?"

A Gay Cinderella Twisted StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon