Part 13

28.2K 778 138
                                    

Pagkatapos ko mag asikaso sa pagligo at pagbihis, nakabasa pa ako ng Goodmorning message kay Teejay at Dom.

Dom: "Good Morning Anjo. Kumain ka ng madami ha? Then mag ingat ka pagpasok. Sobrang daming meeting ngayon eh. Hehe. Enjoy your day!"

Teejay: " Magandang Umaga sa pinakacute na classmate ko (for now) hihi. Excited to see you later, Excited to see your eyes and your smile. :*"

Ang ganda ng umaga ko kapag ganito, sana hindi lang masira paglabas ko ng kwartong to.

"Anjo, ihatid mo nga tong sulat na to sa kaibigan ko. Importante yan ha?" Sabi ni tita pagbaba ko.

"May klase po ako"

"Alam ko, mamaya pa naman. Mga 4, wala ka ng klase nun right?"

"Opo pero may shift pa po ako."

"Edi after mo ihatid, nako Anjo nakarating ka ng 4thyr ng wala kang common sense"

Pinigilan kong mainis sakanya kaya kinalma ko sarili ko at umoo na lang ako.

"Hey Anjo? Paglutuan mo naman ako please. Nagugutom na kasi ako eh" kahit may please yung utos ni Kim, nakakaasar pa rin.

"Hindi ka ba marunong?"

"Hindi eh, andiyan ka naman eh. Sige na" kumalma rin ako para hindi masira umaga ako. At nagluto na rin ako ng para saken lang. Tumabi naman saken si Kurt at pinanuod akong magluto.

"Uy Anjo, paano ako?" Nakahubad siya at boxer lang. Hirap magluto kapag ganyan katabi mo.

"Bakit?"

"Tuturuan mo ko diba?"

"Ay oo nga pala. Kailan ka ba free?"

"Weekend na lang. I'll sacrifice my gala. Hehe"

"May pasok ako nun eh"

"Nako, ako naman magbibigay ng report kay mama pag weekend kaya hayaan mo yun, sagot kita" sabi naman ni Kurt.

"Sure ka ha?"

"Yeap" ngumiti siya saken.

"Anjo ang tagal naman niyan!!" Sigaw ni Kim saken.

"Ibuhos mo na lang sa mukha niya yang niluluto mo Anjo" sabi naman ni Kurt.

"Narinig ko yun Kuya ha!!" Inis na sabi ni Kim.

Tumawa na lang ako sakanilang dalawa. Naghain ako ng pagkain para sakanila. Ako naman sa kusina kumain at ayaw ko magpakita sakanila. Dobleng dami kinain ko para di ako gutumin. Nagbaon pa ako ng pagkain para makatipid. 300 nalang pera ko sa pagkain, di pa natatapos yung linggong to.

Sinabi ko na lang na isang sem na lang at makakaalis na ako rito.

Dali dali naman ako umalis para na rin di na ako mautusan ni Kim. Wala si Marco paglabas ko kaya alam ko papasok ako mag isa.

"Napakatagal naman kumilos, male late na tayo eh" sabi nung nasa likod. Si Teejay yun. Fvck, ang aliwalas ng itsura niya at sobrang gwapo.

"Ahhh....."

"Alam ko na kung saan kayo nakatira eh hehe aaraw arawin ko to" sabi niya pa.

"Ano ba yan, pumunta ka pa talaga rito?"

"Aba oo naman. Ayaw mo ba?"

"Hmmm, hindi naman. Okay lang din hehe"

"Good good. So kumain ba si Anjowings ko?"

"Ayaw mo tantanan yang Anjowings of love na yan no?"

"Haha Anjowings of loveeeee" kinanta niya yung buong chorus.

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now