Part 40

18K 595 102
                                    

+++++++++++++++++++++++

"Napagusapan na namen yun Tita Bianca. Okay na kami." Sabi ni Teejay. Nakangiti siya na alam kong pilit lang.

"Ohhh I see, hehe sorry Teejay. Well I'm happy if you're happy you know that right?"

Ngiti lang sinagot ni Teejay.

"Ohh mauna na kami ha?" Paalam ni Bianca sameng dalawa. Humalik sameng dalawa si Jenny.

Habang naglalakad sila palayo, naglakad na rin si Teejay at patuloy na namili. Tahimik na siya ngayon.

Hindi niya ako hinaharap. Hindi niya na rin hawak kamay ko. Di ko tuloy alam kung paano ko siya kakausapin. Di ko alam kung kukulitin ko ba o ano.

Napansin ko naman na suminghot siya at nagpunas ng mga mata.

Fvck, umiiyak siya!!

Nasa poultry section kami ng supermarket. Kumuha siya ng dalawang klase ng chicken nuggets.

"Ano gusto mo sa dalawa?" Tanong niya saken na parang pinipilit niyang maging okay.

"Loves" hawak ko sa kamay niya pero inalis niya rin. Galit nga siya.

Hindi niya ako kinakausap, hanggang sa mabili na namen lahat, hanggang sa paglabas hindi talaga niya ako iniimik.

Nasa parking na kami ngayon.

"Kailan mo balak sabihin saken?" Ngayon medyo matigas na boses niya.

"Dapat talaga sasabihin ko."

"Pero di mo sinabi!" First time kong makitang galit si Teejay. Nakatingin siya saken habang namumuo mga luha niya sa mata.

"Sorry na loves" sabi ko sakanya.

Tumulo na yung luha niya. At mas lalo akong naiyak sa nakita ko. Ayokong umiiyak si Teejay dahil saken at lalong ayoko siyang umiiyak sa kahit anong dahilan.

"Alam mo naiisip ko? Wala kang tiwala saken. Simula kanina hanggang ngayon, iniisip ko kung totoo ba lahat to. Na baka kaya mo lang ako sinagot kasi ako lang nakasama mo ng ilang araw. Na baka ako pinili mo kasi wala ka na lang choice kundi sagutin ako kasi ayaw mong mapahiya ako sa harap ng pamilya ko. Ang dami Anjo. Ang dami kong naiisip!!" Di ko kaya tong ganito. Ayokong nakikitang umiiyak si Teejay.

"Balak ko talaga sabihin...."

"May nangyari ba sainyo ni Kuya?" Tanong niya saken. Inaabangan niya pa yung sasabihin ko sakanya.

Hindi ako nakasagot pero yung namuong luha sa mata ko yung sagot na merong nangyari samen.

Ngayon, mas lalong umiyak si Teejay. Tinakpan niya yung mukha niya sa mga braso niya. Rinig ko paghagulgol niya habang pinupunasan niya luha niya.

"Loves naman...."

"Anjo, tiwala. Tiwala lang naman eh."

"Natatakot lang ako sabihin, baka kasi masaktan ka"

"Eh ano bang nangyayari saken ngayon? Masakit yung paglilihim mo saken pero mas masakit yung sa iba ko pa nalaman! Ano? Alam ng lahat maliban saken?"

"Hindi ko naman kasi alam na magkapatid kayo..."

"Ayun na nga eh. Nalaman mo na pero di ka pa rin naglaan ng oras para sabihin!"

"Ayoko lang mawala ka."

"Hindi ako mawawala Anjo! Ano ba. Gusto ko lang maging open ka saken kasi kung meron dito saten na tatanggapin ka, ako yun. Kahit ano pa, kahit gaano kasakit, tatanggapin ko yun kasi ganun kapag nagmamahal!"

A Gay Cinderella Twisted StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora