Chapter Twenty-Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

That sounds like a great idea!


"Then it's noted" Panigurado ko sa kanya

"Ian, ikaw na ang bahala kay Angela. Ibalik mo yan ng buhay sa Mama niya"

Natawa ako sa sinabi ni Matt.

Overprotective, tss. Baka nakakalimutan niyang, matanda na ako at kaya ko nang pangalagaan ang sarili ko.


"Nandito naman ako, bakit kailangan mo pang sabihin kay Ian" Humalukipkip sa isang tabi si Logan

"Of course, that's given, bro" Tawa ni Matt. "By the way, have to go. Baka gabihin pa kami sa byahe. See you all in Manila!" Humarap siya sa akin. "Be mindful of your doppelganger, Angela!"

Hinabol ko nga siya ng kurot.


Nakakaasar namang Matthew 'to!


Tawa lang siya ng tawa.


Hindi naman kaya, gawa-gawa niya lang yung kwento niya para takutin ako? Naku, Matthew!


Isa-isa na rin silang nagpaalam sa amin.


"Mag-ingat sa pagmamaneho, Matthew!" Pahabol pang bilin ni Logan sa kanya.


Pinagmasdan namin sila hanggang sa tuluyan nang makaalis ang sasakyan.


"Ang tindi ng kalaban ko sa girlfriend ko a" Bulong ni Ian nang makapasok na kami sa loob ng bahay.

Kinunutan ko siya ng noo. "Tigilan mo ako Ian a! Nakakadami ka na sa akin."

Halakhak lang ulet ang isinukli niya sa akin. Baliw na talaga ang isang 'to. Hays!


"Saan tayo ngayon?"

"Hmm..." Tiningnan ko ang itinerary schedule namin. "We're off to few villages, tapos may isa pang museum atsaka ahmm... hot spring resort. Pero sa tingin ko, baka bukas na tayo makakapunta doon sa hot springs"

"Bakit bukas pa? Pwede naman tayong mag-overnight swimming a. Don't you wanna relax?"

Tumingin ako sa kanya ng diretso.


Is he really serious? Siguro nga, hot spring naman ang lalanguyan namin at hahalo naman siguro yo'n sa timpla ng lamig dito sa Baguio, pero paano naman kapag umahon na kami?

But well, na-miss ko na rin ang pagsiswimming. And it's even nice to experience having a swim on a cold night in Baguio.


"Fine, we'll have overnight swimming, then"

Ngumisi si Ian. "Huwag na rin pala tayong magsama ng tour guide for the rest of the tour."

"Okay" Kibit-balikat ko na lang

"Good!" Palakpak niya pa. "Ruth, Logan, prepare your best swimwear, we'll swim tonight!" Diretso niyang sigaw sa kanila.


Una naming binisita ang Tam-awan Village .

Tuwang-tuwa naming pinagmasdan ang mga naka-exhibit na paintings at drawings doon na gawa ng mga kilalang manguguhit.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon