Chapter Twenty-Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

Tiningnan ko siya ng masama. Madilim din ang naging titig niya sa akin.

"Sabi kong ako na ang mag-aasikaso sa kanya. Mauna ka nang matulog doon"

Kumunot ako ng noo. Naaasar ako sa'yo Logan! "Ako ang girlfriend niya kaya ako ang mag-aasikaso sa kanya" Irap ko


Bumalik ulet ako sa naging pwesto ko kanina.

"Angela... Sabing ako na"

Nagsukatan kami ng tingin.


Pero kahit anong gawin kong makipaglabanan sa kanya ng tingin, talaga atang matatalo ako.


Ako ang unang umiwas at saka tumayo. "Then enjoy!" sarkastikong sabi ko sa kanya bago lumabas ng kwarto.


I don't know if he gets what I mean. And I don't care too.


Wala na talagang magandang idinulot sa akin ang Logan na yan.

How dare he put the blame on me after he broke up with his girlfriend?

Natulog ako na mabigat ang nararamdaman ko.


I want him to speak more. To speak everything he wants to tell. I want him to feed me more details. But what can I do if he only insists on giving me the taste of dissatisfaction.

Bahala na! Idahilan niya na ang gusto niyang idahilan. But I won't fall on this! I won't allow myself to give up the years I spent away.


"Good morning" Ngiti sa akin ni Ian

Umirap ako sa kanya.


Akala niya siguro natutuwa ako sa paglalasing na ginawa niya kagabi, pwes, Akala mo lang yun Ian!


"Tayo na diyan! Tanghali na tayo, we still have tour to make, Angela."

Padarag akong tumayo.

"You might wanna fix your hair before going down? Baka makita ka pa ng 'love of your life' mo sa ganyang itsura, ma-fall out of love pa yun"

Tumingin ako sa kanya ng masama. "Tigilan mo nga ako Ian! May kasalanan ka pa sa'kin a!"

Humalakhak lang siya.


Ano naman kayang nakakatawa? Kung hindi ko kaya siya pansinin habang buhay, matatawa pa kaya siya doon? Kung ipamigay ko kaya si Sean sa iba, ikakasaya niya kaya yun? Hmp!


Bumaba kami papunta ng kusina at nandoon na sila lahat. Kanya-kanya na silang kain ng almusal.


I wonder if it's still morning, baka sadyang mukha at amoy umaga lang talaga kapag nasa Baguio, kahit na tanghali o hapon na.


"Ang sakit ng ulo ko!" Pagreklamo ni Matthew. "But it was fun last night. Sana maulit ule... Ano, Ian?!"

Nag-thumbs up si Ian. "I hope I can invite you all in New York. Clubs there are really nice."

Nagsilakihan ang mga mata nila.

"Don't try Ian! Matthew isn't meant for Western ladies" Ngisi sa kanya ni Ate Nat. "Right, Matt?"

Agaran ang tango ni Matt.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon