(S:OS#20) SnapChat

3.3K 120 19
                                    

I've been thinking 'bout you
Do you think about me still
Do ya? Do ya?

"Ramdam na ramdam." Dean teased his upset sister on his passenger seat. Sya na ang nagrepresentang magdrive back to Bulacan dahil halata namang urat na urat ang ate nya ngayon, kahit birthday nya. Katatapos nya lang na idub yung kanta ni Frank Ocean na Thinking About You sa SnapChat. Nagawa nya na 'yon in the past, pero now, nagpaparinig na sya and she hopes he knows it. Sya mismo ang kusang nagplay sa music player ng sasakyan at hinintay ang chorus para sumakto sa bago nyang Snap story. She wrote the caption DO YA?!?! at may kasama pang tatlong grumpy emojis.

Hindi pa rin bumabati si RJ sa kanya. Thursday na Thursday pa naman at birthday pa nga nya, tapos wala sya. Hindi nya alam kung nananadya ba ito o ano. May commitment daw ito nang biglaan sa Subic because he had to host a fitness event in the morning. Ang masaklap pa, kay Mama Ten nya pa nalaman at hindi mismo sa kanya. Hindi man lang sya nagpaalam sa kanya. Hindi pa nga sya binabati. Fun naman yung naging celebration and surprise ng Dabarkads sa kanya pati na yung club hopping with her college friends kinagabihan, pero kasi ang dami nyang binuhos na effort nung birthday ni Rj nung January, tapos sya, wala? Lalo pa syang nainis when she tried to track his iPhone kinahapunan at nakitang nasa bahay nya lang sya sa Sta. Rosa. Tinext nya si Daddy Bae and ask if he was really on his room. Oo, 'nak. Buong hapon ngang natulog sa kwarto nya eh. The reply said. Tapos nag-DM pa si Daddy Bae ng picture ni RJ na natutulog at nakabalot sa kumot. Ang peaceful nya tignan, so peaceful it made her upset. Parang walang pake yung konsensya nya na di pa nya binabati yung nililigawan nya. Parang bata, pero ganun yung nafifeel ni Nicomaine eh. Bwisit na bwisit sya kay RJ.

At ang pinakamatindi pa sa lahat, she went to his Twitter account to check for any updates, only to find out na he went onñine. He did not tweet, pero for the first time, may nilike sya na tweet. Okay na sana, kaso tweet ni Julie Anne yung nilike nya eh, a tweet about her latest single. She had nothing against the girl, pero that was enough to make her even more upset towards RJ.

She then pressed the Post Snap Story button on her phone before looking meanly at her brother. "Tangina, tumigil ka. Badtrip ako ngayon."

"Woah, calm your horses, lady." Natawa naman lalo si Dean. "Bayaan mo sya kung di ka pa nya binabati! Di naman sya nagpaanak sa'yo! Ba't badtrip na badtrip ka?"

"Eh tangina eh! Paasa sya. Gago sya, tangina nya." Eh mahal nya eh, tapos di pa sya binabati. Kababawan, pero ganun talaga. Umayos na lang sya ng upo at ninext yung kanta sa music player. She then went to her Twitter account and tweeted:

Maine Mendoza @mainedcm:
To all who greeted me, mahal ko kayong lahat! Thank you for the gift of love. I really appreciate it. I love you all! 💋

At dahil badtrip pa rin sya, she tweeted again.

Maine Mendoza @mainedcm:
At sa mga di pa bumabati sa akin, meron pa hanggang 11:59 ng gabi. Charing! But seriously...

She was once again, entertained by the people's tweets. Yung ibang fans nya naman, inaaway na naman si Alden. They seem to sense the tweets and the Snap update is for him. And dahil badtrip na badtrip nga sya, for a second, she went with the fans na inaaway si Alden, pero sa isip nya lang. I hate you, I hate you, I hate you, Rj. Malas mo, sumabay ka pa sa daloy ko. Wag mo ko kausapin hanggang next week, bwisit ka.

While scrolling on her timeline, she got a notification na @aldenrichards02 liked her second tweet of the day. "Aba, loko 'to ah..." She decided to text him already. Hindi nya alam ang tumatakbo sa isip ni RJ ngayon.

Serendipity • Alden & MaineWhere stories live. Discover now