(S:OS#4)Sugod Studio

3.9K 137 7
                                    

"Alden, air time in 30 minutes!!!"

"Alam ko po!!!" Dali-daling sumakay si Alden sa hiniram nyang motorbike ng Kuya Wally nya. Nagpaalam sya rito na gagamitin nya ito to drive there dahil 'kailangan nya lang may gawin.' Medyo nainis ang mga Juan for All staffs dahil bigla-bigla na lamang itong nagpaalam na may pupuntahan lang saglit kahit na nag-umpisa na ang Eat Bulaga. "Malapit lang naman po 'to. Mabilis lang, promise." He said while tieing the sleeves of his gray jacket on his neck at isinuot ang helmet. He started the engine of the motorbike and drove off, leaving the staff dumbfound and the JoWaPao smiling.

Kakaumpisa pa lang ng Eat Bulaga pero naaligaga nya sya kaagad. Naiinis sya na kailangan pa nilang magkalayo dalawa. Hindi naman sa hindi sya nag-eenjoy sa barangay at sa Juan for All; she was right when she said it felt like family at sobrang saya makasama ang nga staffs dito, pero the fact lang na ganito pala ang hirap na pinagdadaanan nya, at sobrang layo pa nila sa isa't isa, hindi na sya mapakali. Lumalabas ang pagiging overprotective nya kay Maine. Lalo na sa nakita nya kanina.

Maine is one of the new hosts of ATM with the Baes, and his Papi Sam seem to tease him to her through different antics. Pinapagselos nya si Alden, at madalas, nilalaglag nya pa kay Maine lahat ng sinasabi nito sa kanya. Pero hindi iyon ang dahilan ngayon kung bakit kailangan nyang puntahan sya.

He successfully arrived at Broadway Centrum, at nagulat ang lahat ng guards sa may exit na dumating si Alden. Pinatay nya naman kaagad ang engine, took off his helmet like a ganster, went down at tumakbo paakyat ng exit stairs ng studio. Pag-akyat nya, saktong natapos ang ATM at lumabas sa may gilid ng stage si Sam YG at Maine na nagtatawanan at nag-uusap. Papunta sila pareho sa dining area ng backstage ng biglang sumigaw si Alden with authority.

"Nicomaine!"

Nagulat naman ang lahat dahil alam nilang on location si Alden, lalo na si Maine na tinawag nya. Nanlaki ang mga mata nila ni Sam, at lumingon sa pinanggalingan ng boses.

Wala nang pakielam si Alden sa mga tingin sa kanya ng mga nakakakita ng tagpong iyon. He's here for his own reason. Tinanggal nya ang pagkakatali ng sleeves ng jacket nya at lumapit kay Maine. "Talikod."

"H-ha?" Medyo natatakot sya kay Alden. He looked like an outraged father kaya sumunod na lang sya.

Hindi nya inasahan ang ginawa ng binata. From her back, Alden wrapped his jacket around her waist. Simula pa lang ng ATM, nabother na si Alden sa ikli ng shorts ni Meng. It looks good on her, totoo naman. Pero ayaw nya lang talaga na mabastos o pagpyestahan ng iba ang legs nito. He even tied it on that position, her back on his chest, na syang nagpamula ng mukha ni Maine. Kinikilig sya sa pagiging gentleman ni Alden, sa pamatay na perfume nya, at syempre, dahil they are only a few inches close to each other. Nang nasa kalagitnaan sya ng pagtatali ng sleeves nito sa bewang ni Maine, doon nya lang narealize na he was so close to her kaya napatigil sya to savor the moment. Backhug. Shet. Bulong ng utak nya. Dahil doon, mas naaamoy nya si Maine ngayon, and she smells like chocolate. Worth it ang pagsugod. Thank you, Lord.

Napalingon naman si Maine sa side at saktong nagkatinginan pa silang dalawa. They were still for a few seconds, feeling each other, kung sino ba dapat ang gagawa ng first move to break the stare. Nasa bewang pa rin ni Maine ang mga braso ni Alden. Gusto man ni Alden yakapin nang tuluyan si Maine, pinigilan nya ito. Maine smiled. Nagsmile back na lang sya and continued tieing the sleeves until it is perfectly covering the back of her legs. Medyo dumistansya ng kaunti si Alden at hinarap sya ni Maine.

"Para sa'n ba 'to?" Hawak ni Maine sa jacket nya.

"Wag kang magshorts gaano. Puro lalaki pa naman kasama mo sa ATM."

Hindi naman napigilan ni Maine ang ngumiti. Cute mo, kainis ka. "Sorry kailangan mo pang sumugod dito to do this."

"Okay lang, worth it naman." Cheeky Alden smiled at napahawak na lang sa dibdib nya na kanina pa kumakabog ng napakalakas.

And Sam YG, who had front row access to that magnificent scene, tweeted with a smile on his face.

Sam Gogna @sam_yg: Ang sugod bahay, napunta sa studio? Someone is in love! ❤ #happyforpapi


Serendipity • Alden & MaineWhere stories live. Discover now